[8] If that isn't destiny, ano 'yun?

Começar do início
                                    

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa table. 

Drew's looking at us meaningfully, and so is Nate. 

Ano na naman?

"Uy. Ginagawa mo rito?" Biglang tanong ni Creed kay Liam. 

Tumingin ako kay Creed then I gave him a confused look.

Tropapits ampeg? Team leader natin 'yan, baka nakakalimutan mo!

"Pa-table muna." maikling sabi ni Liam nang hindi kami nililingon.

Sabagay. Nandun si Creed sa party sa kanila kagabi. I wonder what happened kung bakit parang may iba sa kanya today.

Paupo na rin sana kami ni Creed pero dahil kulang ng isang upuan ay tumayo muna si Liam. Kumuha sya ng upuan doon sa kabilang bakanteng table at pumuwesto sya sa gilid. Bale katabi ko ulit si Creed at sa harap namin sina Nate and Drew. Nasa tabi si Liam.

Napatingin naman ako sa mga pagkain. Biglang kumalam ang tiyan ko nung maamoy ko 'yung bango nung sisig. Ngayon ko lang naalala na hindi nga pala ako nagbreakfast. Shems.

Pinrepare ko na 'yung pinggan ko at binuksan ko na 'yung dala kong tupperware na may lamang kanin.

Hindi pa man ako nakakakuha ay nakaready na ang kutsara ni Creed.

Napansin ko namang napatingin si Liam dun sa tupperware na binuksan ko.

"Thank you Omi." Sabi ni Creed pagkakuha nya ng kanin.

Kumuha na rin ako ng kanin dahil nagugutom na talaga ako. Muntikan ko pang maubos ang laman nung tupperware dahil sa dami ng kanin na nalagay ko sa pinggan ko.

"Are you really that hungry?" Tanong ni Creed.

"May minamanifest 'yan si Omi. Sana bukas pa ang turn over, hahaha!" sabi naman ni Drew.

Ngumiti lang ako. Pero tama sya, sana bukas pa turn over ng project. Para hindi kami magahol sa oras mamaya after lunch.

"Turn over's next week pa dun sa current project. Pero may iwe-webscript tayo mamaya." Biglang sabi ni Liam.

Medyo sumaya ako nung sinabi nyang next week pa ang turn over, pero natahimik din kami agad dun sa sunod nyang sinabi.

"Eengk," sabi ni Drew.

"Corny," sabi naman ni Nate.

Nagsimula na akong kumain despite the not-so-good na news. Walang not-so-good na news ang makakapigil sa gutom ko today. Lalo na't ang bango nung sisig.

Habang kumakain ay naalala ko 'yung sinabi ni Creed kanina. 

"Bat kaya mas maraming may prefer sa badboy type kesa sa mga simple lang na kagaya ko."

Badboy type? So ang tingin nya rin kay Liam ay badboy type.

Pero hindi naman talagang mukhang bad boy si Liam. Nagmukha lang syang badboy dahil sa physical appearance nya. Hindi ko pa naman sya nababalitaang nambabae or what. Ni wala nga ata siyang bisyo. According kay Lucas, hindi naman sya malakas uminom.

Actually hindi na rin naman ako ganoon kainis sa kanya. Nung first day lang talaga ang mahirap kasi nakasagutan ko sya. Sinabihan ko pa siyang isusumbong ko sya kay sir na hindi ko naman nagawa, dahil it turned out na nakita nya pala akong nakipagsagutan kay Liam.

'Yung time lang naman na 'yun. Dahil after noon ay hindi na nya ako pinapansin. Hindi sa hindi pinapansin na I can't approach him. Nagrerespond naman sya sa inquiries ko dahil trabaho pa rin nya 'yon as a TL. Hindi namamansin, as in hindi namamansin. Ganun. Sana gets nyo.

Come Inside of my Heart ▶️Onde as histórias ganham vida. Descobre agora