I hug him back and kiss his forehead.

---------

Sa sobrang pagod at sa pag-iyak nakatulog na kami ni Hiro sa kama ni kuya Harvey.

Ang hapdi ng mata ko, kahit hindi ko tignan sa salamin alam kong mugto na ito.

Dahan-dahan akong umalis sa kama at kinumutan si hiro na mahimbing parin ang tulog.

hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang pisngi niya.

My baby Hiro...

Walang ingay akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala kung saan nakaburol si kuya.

masyadong mahal kung sa mga funeral home namin ibuburol si kuya harvey, kaya napagpasyahan nalang namin dito iburol. Naabutan ko si Stella na nagbabantay.

"Oh, ate gising ka na pala. buti naman nakapagpahinga ka kahit papaano.
si Hiro gising na rin ba?" Stella said.

Umiling ako sa kanya.

"Tulog pa sya dun sa kwarto ng daddy nya, napagod kakaiyak kanina.
hayaan muna natin sya magpahinga nahihirapan parin sya tanggapin yung nangyari sa daddy nya."

Umupo ako sa tabi Stella para magbantay at mag-asikaso ng mga dadating na bisita.

Nakita ko na pumasok si shawn. tila may hinahanap sya.
at ng tumigil ang tingin nya sa akin, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Ate Madison?"

"Bakit Shawn may problema ba?" tanong ko.

Humugot sya ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Kase ate... nasa labas si ate Marj. kasama yung bago niyang kinakasama, gusto daw makita si kuya Harvey."

bakas ang galit sa boses ni Shawn ramdam kong galit din sya sa dating asawa ni kuya pero pinipilit niya parin maging kalmado.

Pwes! iba ako! di ako magiging kalmado! oras na makita ko ang mukha ng babaeng yun baka kung ano ang magawa ko!

"Ang kapal naman ng mukha nya para magpakita dito!" Galit na saad ko!

At mas lalo ko ng di napigilan ang galit ko ng tuluyan kong makita ang mukha ng impaktang ex-wife ng kuya ko!

Dere-deretso syang pumasok sa loob! ang kapal talaga parang walang ginawang kalokohan sa kuya ko! at talagang kasama pa ang lalaki nya!

Taas kilay ko syang hinarap!

"Anong ginagawa mo dito! ang kapal din
naman ng mukha mo magpakita pa dito. at talagang kasama mo pa yung lalaki mo! wala na bang natitira kahit konting hiya dyan sa katawan mo!" galit na saad ko.

Taas noo siyang tumingin sa akin,
and she grinned.

"Walang masama kung puntahan ko ang burol ng asawa ko! i'm still his wife so may karapatan parin ako! and I just want to visit my son, I know he is sad about what happened to his father. I'm just concerned about my son!
kaya wag mo ako masigaw-sigawan!
b*tch!" pagtataray niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko!
sa sobrang galit ko, lumapat sa mukha niya ang palad ko!

Sa sobrang lakas ng sampal ko kita agad ang pamumula ng pisngi niya!

You deserve it! b*tch!

"How dare you! wala kang karapatan sampalin ako b*tch!" she shouted angrily. hawak hawak ang pisngi niyang namumula.

"At wala ka rin karapatang sabihing asawa ka ni kuya harvey dahil ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay! you cheated on him! you left him and Hiro! tapos pupunta ka dito ng parang wala kang ginawang kalokohan! kasama pa ng lalaki mo at sasabihing concern ka sa anak mo! san ka humuhugot ng kakapalan ng mukha Marj?!" sigaw ko, hindi ako nagpatinag sa masama niyang tingin!

I gave them a dirty look,

"Lumayas kayo dito! hindi ka kailangan ng anak mo! at mas lalong hindi namin kailangan ng pakikiramay nyo!" pagtataboy ko.

Masamang tingin ang pinukol niya bago tumalikod at naglakad palabas ng bahay!

Sinundan ko sila ng tingin hanggang makalabas sila. at dun ko lang napansin ang mga tao na nakatingin sa nangyaring eksena!

"Arghhh! nakakagigil talaga yung babaeng yun! ang sarap niyang ipalit kay kuya harvey dun sa kabaong!" nanggigigil kong bulong.

Kinalma ko muna yung sarili ko bago ko inasikaso ang mga bisita na nakikiramay.

-------

Even if I want to cry every day and grieve. I still think about Hiro, he is hurt more than us.

He cries every day and does not leave the side of his daddy's coffin.

I pity him, My poor nephew.

Nailibing namin si kuya Harvey ng maayos.

Kita ko ang malaking pagbabago kay Hiro, halos di sya lumalabas ng kwarto ng daddy niya. lagi siyang umiiyak nawala na yung masiglang hiro, yung masiyahin na baby ko.

I know we need time to mourn, but..
a week from now, I'm leaving.

Mahirap para sa'kin ang iwan sila ng hindi pa sila ok, pero kailangan ko itong gawin dahil ako nalang ang inaasahan nila.

I am leaving not only for my family, but also for myself. because I know for myself that until now I still haven't moved on, that I still have love for Axel.

Kailangan kong ituloy ang pag-alis ko para na rin makalimot. sobra sobra na yung sakit na nararamdaman ko!

Gusto ko na lang maging manhid!
Gusto ko na makalimot sa lahat ng sakit na pinaramdam ni Axel sa'kin, sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon!

Please Lord, heal my heart and remove all my burdens. I know you are the only one who can help me to overcome all these trials.

Please help me Lord, hindi ko po ito makakaya ng mag-isa.

I need to be strong for myself, and for my family.


-Ming❤️

Hanggang Kailan?Where stories live. Discover now