Pangarap.

3 0 0
                                    


Plain.

Pangarap

Ang sarap mangarap pag sinamahan mo ng puso, ikaw mismo ang mag sisimula na mag tiwala na kaya mo.

Nasubukan mo na ba mangarap ng napaka taas? Nakatira sa isang hacienda na napaka ganda, sariwa ang hangin, magagandang halaman, komportableng higaan, oh hindi naman kaya, pangarap mo sa trabaho, pangarap mo para sa negosyo mo, pangarap mo na makamit sa larangan na pinasok mo.

Ang sarap mangarap na maayos na ang lahat, ang sarap na sana lahat nalang ng isipin natin ay bigla nalang magka totoo, na sumang ayon naman satin ang tadhana at hindi mapurnada ang ating mga pangarap.

Ang lahat ng bagay ay nag sisimula sa pangarap, pero pano nga ba mangarap? Ano ba ang pangarap? Mali ba na mataas ang pangarap natin? Pano ba natin matatrabaho na makamit ang ating mga pangarap?

Iba iba ang pangarap ng bawat tao, pero sigurado ako na may kapareho tayo ng pangarap, may mga tao lang din talaga na kapag nangarap, sinasamahan ng puso, kilos, dugo, pawis. Para bang walang makakapigil sa kanila sa pag trabaho ng kanilang pangarap.

Libre lang ang mangarap, pero may bayad ang pag gawa, kinakailangan ng walang katapusang puso, sandamakmak na pasensya, at sobrang lawak na pag iisip.

Yan ang sahog para mapunta sa realidad ang ating mga pangarap.

Hanggat tayo ay nabubuhay, siguradong may puso tayo, walang makapag sasabi kung ano talaga ang magiging pangarap mo, nag iiba ang pangarap, normal lang yon, darating ang panahon malalaman mo din kung ano talaga ang silbe mo dito sa mundo, ano ang ganap mo sa buhay ng mga nakapaligid sayo.

Kapag sinamahan mo ng puso ang iyong ginagawa para ka naring tinutulungan ng 1000 katao, na alam mo kahit anong pag subok ang dumaan sayo hindi ka patitibag, walang problema makakapag pahinto sayo na trabahuhin ang pangarap mo. Lagyan mo ng walang katapusang puso, para walang katapusang buhay ang maibibigay mo sa tinatrabaho mo.

Hindi naman talaga laging masaya ang ating mga tinatahak sa buhay, ang problema ay kadikit ng buhay, tanggapin na natin na habang buhay tayong magkaka problema, wala naman makakapag sabi kung kalian papasok ang problema, wala namang tao ang may gusto ng problema. Kung tayo lang din naman ang masusunod siguradong hindi ka hihiling ng problema.

Pero wala naman talaga tayong magagawa don, habang nabubuhay talaga tayo, patuloy lang ang pag dating ng problema. Ang tanging magagawa lamang natin para don ay tanggapin, harapin natin ang mga problema natin na may puno ng pasensya, wag kang mairita, wag kang mainis, wag kang mag dabog pag dinadatnan ka ng problema.

Pinapahirapan mo lang ang sarili mo sa wala naman talagang kadahilanan, kung iisipin mo ng mabuti, walang ibang tao ang kayang makapag lagay sayo ng inis, bwisit, hindi kayang mag desisyon ng ibang tao kung kailan mo yan mararamdaman, kung ikaw lang din naman ang masusunod, gusto mo ba talaga yung pakiramdam mo na naiinis ka? Na nag dadabog ka? Masaya ka ba pag ka ganon ang nararamdaman mo?

Kung mag uusap tayo ng tayong dalawa lang, usap lang, hindi tayo mag aaway, hindi tayo mag kokontrahan, maayos na usap lang, pangako ko sayo tatanggapin ko kung anong mga nakaraan mo, sabihin mo saken lahat ng hinanakit mo, baket ka ba naiinis? Baket ka ba nalulungkot?

Alam kong nakakatakot mag sabi ng nararamdaman sa ibang tao, na para bang pano kung wala naman din mangyari? Pano kung ikwento nalang din ako sa iba? Pano kung ipag kalat lang nya? Sino ba ang mga pwede kong pag sabihan? Sino ba ang pwede kong makwentuhan ng mga pinag dadaanan ko? Sino ang makakatulong saken?

Baket ba tayong mga pinoy, may mga ganyan tayo na nakasanayan? Na para bang ang importante lang satin ay ang mga sarili natin, na ang payo ay "intindihin mo sarili mo, wag mo pakielaman ang iba."

PangarapWhere stories live. Discover now