Nag-aabang na ang sasakyan ni Cross sa akin, pinapasundo na niya lang ako sa driver nila kapag may trabaho siya. Naisipan kong dumiretso nalang sa hacienda baka nandoon siya ngayon.

Kabado akong pumasok sa mahabang pasilyo ng Hacienda Sullivan, hindi katulad ng dati, ngayon ay mas dumoble pa ang kaba ko dahil may namamagitan na sa amin ng Hacienderong si Cross.

Pinapasok naman agad ako ng guard at bumati pa sa akin.

Nadatnan ko si Nanay sa kusina, nagluluto. Agad akong nagmano sa kanya.

"Nay, si Senyorito Cross ba nandito?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya bigla sa akin, nagtataka.

"Nasa Rancho. Pero pabalik naman na 'yon." Sagot niya na hindi pa rin ako nilulubayan ng mapanuring tingin.

"Sige Nay, hintayin ko nalang sa likod." Hindi ko na hinintay ang sagot niya, agad na akong naglakad sa likod ng Hacienda.

Napansin kong maraming ginagawa ang mga trabahante. Sa kalayuan, busy ang mga magsasaka sa pagtatanim ng palay, may mga dalang basket upang paglagyan ng mga pinitas na mga prutas at gulay. Ang iba naman, namamahinga sa iilang kubo na nakita ko, mukhang tapos na sa gawain nila.

So, this is how rich the Sullivan is. Nakikipagpapalitan sila ng produkto sa Maynila at maging sa iba't-ibang parte dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung anong business pa ang mayroon sila bukod sa Rice Mill at Sugar Mill, pero nasisiguro ko na mayroon pa at malago ang mga iyon.

Nakarinig ako ng mga yapak ng kabayo. Napalingon ako at namataan kung saan iyon galing.

Bumaba sa magkaibang gamit na kabayo ang dalawang matangkad at matipunong lalaki.

Babalik na sana ako sa loob nang nahagip ako ng tingin ng kasama ni Cross at bumulong siya rito kaya agad napalingon si Cross sa kung saan ako. Ibinigay nila ang dalang kabayo sa trabahante at lumapit silang pareho sa akin.

Katulad ni Cross, he also looked beautiful, wild, and powerful even he's wearing pants and white shirt na medyo pawisan na. Ngunit ang pinagkaiba lang nila ngayon, si Senyorito Cross ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin, ang kasama niya naman ay nakangisi ngunit payak lamang.

Kinabahan ako agad. Inayos ang uniform. Nahihiya. Napahawak ako bigla sa gilid ng aking body bag. Feeling ko, namumula na ngayon ang mukha ko. Shit!

"Rielle..." My breathing almost hitched when Cross immediately snaked his arms around my waste at lumapat ang malambot na labi sa noo ko. Nanlambot ang tuhod ko, mabuti na lang at nakasuporta ang kamay niya baka natumba na ako. Naamoy ko ang magkahalong pabango at pawis sa katawan niya.

Hindi ako makagalaw. Nabigla sa ginawa niya.

"Sorry, hindi ako ang sumundo sayo. May tinapos lang na trabaho." Malambing na sabi niya pa sa akin.

"A-ayos lang."

May tumikhim sa harap namin kaya natauhan ako. 

"Hi, Miss." Bati ng kasama ni Cross. Ngumiti ako ng mapakla.

"Rielle, this is Kier, pinsan ko." Tumango ako. Hindi pa rin nawawala ang ngisi no'ng Kier sa mukha. "And this is my girlfriend, Rielle."

Hindi ko alam na may pinsan pa pala si Cross na lalaki, akala ko si Quinn lang. Mukhang matino naman ito hindi katulad ng pinsan nila na ubod ng pagka-tsismoso.

"Nice to meet you, Cross' girlfriend." Biglang lumawak ang ngisi nito at nag-angat ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon pero mabilis lang at tinanggal ko din agad.

"Nag-meryenda ka na?" Tanong ni Cross sa akin. Nag-alinlangan akong tumango. Bumaling siya sa pinsan niya. Tumingin ito sa akin na para bang nakuha na niya ang ibig sabihin ni Cross.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now