Sinagot ko ang tawag ni Winard, one of the member sa student councils.

"Hello? Sorry, Winard. Na-late kasi ako ng gising kaya late ako makakapasok. Nandyan na ba si prof?" Kinakabahan kong tanong kay Winard at minasahe ang sentido. Kung maaga lang sana kasi akong nagising!

"Ha? Anong pinagsasabi mo, Sienna?" Nalukot ang noo ko sa sinabi ni Winard. Hindi rin ba sya pumasok ngayon?

Bago pa man ako makasagot sa kanyang sinabi ay nagsalita na ulit ito.

"Mamayang hapon pa ang exam! Gaga, di kasi nagbabasa ng chats sa gc," Narinig ko ang tawa ng ilan sa mga kaibigan namin. Magkakasama pala sila.

Napalingon ako sa lalaking amoy asim-kilig kanina ng kalabitin nya ako. "Miss, hindi ka pa ba bababa?" Bwisit! Saktong nalaman kong wala kaming pasok ngayong oras ay sya namang pag dating ko sa eskwelahan namin!

Wala akong choice kundi bumaba sa jeep. Pupunta nalang ako ng Mcdo tutal ay malapit lang naman dito iyon, saka kumakalam na rin ang sikmura ko. Nabitin sa isang kagat na tinapay.

"Bakit ka nga pala napatawag, Winard?" Tanong ko rito. Wala naman palang pasok eh, hula ko mag aaya nanaman 'tong gumala ngayon.

"Arat gala. Dito kami sa Bookstore ni Josh at Shella." Saad nito sa telepono at pinatay agad. Oh diba, sabi ko naman sa inyo mag aaya lang 'tong gumala.

Pinatayan nya 'ko agad para di na ako makahindi. 'Tong baklang 'to, hays!

Maglalakad muna ng sampung minuto bago makarating sa mcdo. Maglalakad nalang ako kesa mag tricycle pa, dagdag gastos lang iyon. Saka, excercise na rin 'to.

Mamayang hapon pala ang exam. Sa sobrang busy ko, hindi na ako active masyado sa social media. Hula ko, punong puno na ang messenger ko ngayon.

Noong nakaraan ay hindi ko nareplyan ang iba, kasi tinawag ako ng Class President namin. Mayroon pa palang nag chat roon na babae, iyong chinita na kaibigan ni Xage sa fb.

Sino kaya iyon? Saka anong chinat nya saakin? Matignan nga mamaya kapag wala na akong ginagawa.

Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa mcdo, ang lalim kasi ng iniisip ko, eh.

Pagtingin ko sa harap ay ang haba ng pila, nubayan! Ngayon na nga lang ako kakain sa sikat na restaurant.

Hinimas ko ang aking sentido at pumila nalang. Wala akong choice kundi mag hintay, kahit na kumakalam na ang tiyan ko sa gutom.

"HAYY, ang sarap." Hinimas ko ang aking tiyan. Katatapos ko lang kumain, ang sarap talaga ng pagkain nila dito, kaso masarap rin ang presyo.

Tinignan ko ang orasan sa aking selpon, mag aalas nuwebe na pala. Ang bilis na talaga ng oras ngayon, ano ba yan.

Inayos ko muna ang aking muka bago tumayo at lumabas sa restaurant. Tutal ay maaga palang naman, sasama nalang ako kila Winard kung saan man nila balak pumunta.

Naka review naman na ako at wala rin naman akong gagawin sa bahay kundi matulog.

FUTURE TEACHERS

Sienna
sunduin nyo 'ko mga
accla!

Winard
Inamo beh! akala ko ba
on the way kana?! Mag
o-one hour na 'yang
on the way mo! 🤬

Helen//President
Saan nanaman kayo
pupunta? Hindi pa tapos
ang finals natin, ah.

Shella
@Sienna, snduin k dw
ni jsh.

Apat na uri ng types. Una, ang normal na typings. Pangalawa, OA na typings. Pangatlo, the serious typings. Pangapat, nag titipid ng vowels na typings. Oh diba, ibang klase talaga 'tong mga kaibigan ko.

Itinext ko nalang kay Josh ang address ko para puntahan nya nalang ako. Tumambay nalang ako sa labas ng mall, meron kasing upuan dito eh.

Biglang sumagi sa isip ko ang date namin mamaya ni Xage, hay. Ewan ko nga kung makakapunta ako dahil may e-examin pa pala kami. Baka pagod na ako noon, hindi ko ma-eenjoy ang date naming dalawa.

Pero sayang naman kung tatanggi ako, once in a blue moon pa naman nag aaya si Xage ng date kasi palagi syang busy.

Pagkatapos ng finals ay yayayain ko si Xage na magpunta sa probinsya namin. Ipapakilala ko sya kay mama, actually kilala naman na sya nila mama kaso hindi nga lang nila nakita sa personal.

"Sienna." Tawag saakin ni Josh. Ang bilis nya namang makarating.

Tumayo ako agad at sumakay sa sasakyan nya, halos lahat talaga ng kaklase ko ay yayamanin. Ako kasi, maganda at matalino lang. Char.

"Tayo-tayo lang ba ang nandoon?" Pagbabasag ko ng katahimikan. Kanina pa kasi sya tahimik, actually, palagi naman.

Nagulat pa nga ako noong una, mayroon pala akong tahimik na kaklase.

"Nandoon rin si Irish. Kasama boyfriend nya," Sumulyap ito saakin at tipid ko naman itong nginitian. Jowa ni Irish?

Iyon talagang babaeng yon. Kapag nakita ko sya mamaya sasabunutan ko talaga. Dapat friends time ngayon.

Poisonous Love Where stories live. Discover now