chapter thirty-one | the fallout

Start from the beginning
                                    

"Iyakin pala ha!" Bigla na lamang niyang binilisan ang pagmamaneho. Sa sobrang bilis hindi ko napigilang tumili at matawa nang malakas. Mabuti na lang talaga't walang laman ang kalsada maliban sa amin.

Nang muling binagalan ni Drystan ang pagmamaneho, napasulyap ako sa kalangitang walang bahid ng kahit isang bituwin. Pakiramdam ko tuloy ay nalulungkot din ang kalangitan kagaya ko.

"May naaalala akong sinabi sa akin ng ama ko noon . . . " wika ni Drystan.

"Talaga?" I beamed, happy that he's finally starting to gain more memories from his past. "Ano 'yon?"

Huminga nang malalim si Drystan at bumuntonghininga. "Lahat ng sugat ay naghihilom. Nakasalalay sa atin kung hanggang kailan."

May dalang hindi maipaliwanag na haplos ang kanyang mga salita. Hindi ko napigilang ngumiti. 

Kusang dumako ang mga mata ko sa kadilimang tatahakin namin. Ngunit sa kabila nito ay wala akong nararamdamang pangamba dahil alam kong hindi ako nag-iisa.

***

Nagising ako na mabigat ang puso't mga mata. Nanghihina rin lalo ang buo kong katawan. Gusto kong isiping panaginip lamang ang nangyari sa pagitan namin nina Chaplin at Andrea, ngunit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Mabuti na lang at sabado, hindi ko sila kailangang makita sa eskuwelahan.

"Helga?" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Drystan na nakasuot pa ng apron at may hawak na sandok.

"Wala si Helga. Tulog pa si Helga." Inaantok kong pagmamaktol. Nagtalukbong ako ng kumot at sumiksik sa kama ko. 

"Dapat gumising na si Helga!" tutol niya na may halong pagtawa. Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit, at laking gulat ko nang bigla na lamang siyang tumalon sa kama, dahilan para tumalbog ako nang bahagya.

"Drystan!" Napatili man, hindi ko napigilang matawa lalo nang sinimulan niya akong kilitiin.

I kept squirming and thrashing as he tickled me from outside the blanket. Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang hito na gustong kumawala mula sa isang lambat.

As our screams and laughter filled the room, my chest suddenly felt tight. It grew tighter and tighter that I ended up coughing over and over again, while gasping for air.

Nahirapan akong huminga kaya naman taranta kong winasiwas ang kumot na nakatalukbong sa akin.

"Helga?" Huminto sa pagtawa at pangingiliti si Drystan. "Helga, sandali!" Napuno ng pag-aalala ang kanyang boses at dali-dali niya akong tinulungang kumawala mula sa kumot.

Napasinghap ako nang tuluyang makawala. Masarap sa pakiramdam ang preskong hanging walang limitasyon, ngunit naninikip pa rin ang dibdib ko.

"Helga!" Hinawakan ako ni Drystan sa balikat at marahang inalo.

Naawa ako sa kanya nang makita ang nag-aalala niyang mukha at tarantang kilos. Kahit hinang-hina at humahangos, pinilit ko na lamang na ngumiti at umupo nang maayos. "O-Okay lang. Naubo lang."

"S-Sigurado kang okay ka lang? Wala bang masakit sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong, hindi matanggal-tanggal ang pag-aalala sa mga mata.

Lumunok ako nang mariin, at kahit mahirap ay pinilit kong tumawa't tumango. "W-Wala. Naubo lang talaga."

"P-Pasensya ka na, Helga." He gently tucked some of my hair to the back of my ear, and rubbed my shoulder gently.

"Wala 'yon!" paniniguro ko sa kanya sabay wasiwas ng kamay ko. "Okay lang talaga ako, pangako."

"Hoy! Anong nangyari sa inyo diyan?!"

Pareho kaming napalingon ni Drystan at nalaglag ang panga ko sa gulat nang makita si Chaplin na kumakain ng pandesal. Isinasawsaw niya pa ito sa dalang tasa ng tsokolate. 

The Boy in the MirrorWhere stories live. Discover now