"Pambihira, narinig mo parin iyon kahit na ibinulong ko nalang sa sarili ko." Ngumisi si rukawa ng may pang aasar bago proud na ngumiti kay sakuragi.




"Naman. Bestfriend mo ako e." Saad ni rukawa na inakbayan pa si sakuragi, napa face palm si sakuragi sa sinabi nito bago inalis ang kamay nito sa balikat niya.




Nang mag patuloy ang laro hawak na ni miyagi ang bola at ipinapasok na nito iyon. Agad siyang binantayan ni takasugi kaya agad namang gumawa ng fake cross over si miyagi dahilan para matungo ang atensyon ni takasugi sa direksyon iyon. Dahilan din upang mabilis na makaatake si miyagi palusot, napapalakpak naman ang buong team shohoku sa ginawa ni miyagi.





'Miyagi'



'miyagi'



'miyagi'



Sigawan ng mga kateam nito, kinikilabutan si miyagi dahil sa kakaibang pakiramdam na sayang nararamdaman niya ngayon. Iyong feeling na magagawa niya na ng maayos ang lahat dahil wala ng humaharang sa kanya na negatibo kundi positibong makahabol. Isipin palang niya na nandito rin ang coach nila ay mas lalo lang siyang ginaganahan na mag laro.




At sa isang mabilis na pag atake mula sa pagbabantay din sakanya ni kazuko at tetsu ay mabilis niya rin iniiba ang posisyon ng kanyang kamay na may hawak ng bola. Mabilis nitong ipinasa patungo sa direksyon ni akagi kaya wala namang sinayang nag pagkakataon si akagi kundi gumawa ng gorilla dunk.





Umalog alog ang head board dahil sa lakas ng impact na ginawa ni akagi. Napapalakpak naman ang buong manunuod dahil sa comeback muli ng shohoku sa paglalaro.




'Shohoku'



'shohoku'



'shohoku'



Pag che-cheer ng mga manunuod sa buong shohoku. Ramdam ng okaido ang pagbabago ng atmosphere dahil doon ngunit balewala lamang iyon kay sakuragi na walang pakialam sa nangyayari.




60-45 na ang score at fifteen nalang ang lamang ng okaido team. Malaki pa ang lamang para mag saya sila.



"Lamangan nalang ulit natin sila." Saad ni kazuko ngunit wala namang sinabi si sakuragi o ang kahit na sinong kateam nila .




"May pakiramdam ako na may magbabago sa paglalaro natin ngayon. Kaya sana pag tuunan niyo ng pansin ang gagawin nilang kilos." Saad ni sakuragi, napatango sila sa sinabi ni sakuragi at maging si tetsu ay napabilib sa pagiging observant nito.






"Kami na ang bahala pa sa bagay na yan sakuragi." Saad ni takasugi ngunit nginisihan siya ni kazuko ng pabiro dahilan para maalala niya na naman ang ginawang pag lusot sakanya ni miyagi kanina.



namumulang sinamaan nito ng tingin si kazuko.




"Tss. M-magaling naman kasi siya." Sagot nalang ni takasugi




"Pero magaling ka rin kaya wag mong hahayaan na maulit pa ang nangyari kanina. Umaasa din kami sayo takasugi." Saad ni sakuragi na kinalaki ng mata nito. Gulat kasi siya sa mga naririnig mula kay sakuragi.





"S-sige. M-makakaasa kayo." Sagot ni takasugi na nauutal pa.




Sa labas ng gymanasium na pinag dadausan ng laban, naglalakad si sendoh habang nakapamulsa ang mga kamay. Nagtungo kasi ito sa CR, kaya nagmamadali rin siyang makabalik sa loob para makapanuod.


Paliko na sana siya sa hallway nang may makita siyang pamilyar na bulto ng isang babae. Nilapitan niya ito at pinakatinitigang maigi at nang makumpirma niya ang kanyang naisip ay tinawag niya ito.





"Miya? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni sendoh kay miya na bahagya pang napatalon sa sobrang gulat.




"Ano ka ba naman kuya sendoh, bat bigla bigla ka nalang nanggugulat dyan." Singhal ni miya na hawak hawak pa ang dibdib..




"Pasensya naman, ano ba kasing ginagawa mo dyan at masilip silip ka pa. Nasan ba kuya maki mo?" Tanong muli ni sendoh, sumimangot si miya bago tinuro ang direksyon ng loob.




"Oh! Nasa loob naman pala e. Bakit hindi ka pumasok. Tara samahan na kita." Umiling iling naman si miya na tila nahihiya pa sa pag anyaya sakanya ni sendoh.





"H-hindi na kuya, kakalabas ko lang din kasi. Balak ko na sanang mag paalam kay kuya kaso nandoon siya sa pinakababa, nakakahiya naman kung pupuntahan ko pa." Saad ni miya na nakanguso pa.




natawa naman si sendoh bago umiling, hinawakan nito ang ulo ni miya bago ginulo gulo ang buhok.



"sige na sige na, umalis kana. Ako na ang bahalang mag sabi sakanya na umalis kana." Saad ni sendoh na kinatuwa naman ni miya ng sobra.




"thankie kuya sendoh. Your the best talaga." Pang bobola pa nito umiling si sendoh bago nag paalam na papasok.


Nang wala na si sendoh ay agad namang pumasok si miya upang manuod ng laban sa baba.



"ang galing galing mo talaga sakuragi, paano ba kita lalapitan ng hindi na lalaman ni kuya maki?" Pagkausap niya sakanyang sarili bago muling napapangiting pinag mamasdan si sakuragi.





*****
(a/n: Wews! Another update para sainyo ulit. Ginanahan kasi nauto ulit ako😂😂 biro lang. Pero salamat sa votes and comments maging ang inspiring comment niyo. Siya nga po pala, hinay hinay lang po tayo ah! Balak ko kasing gulatin pa kayo sa mga bawat chapters na gagawin ko, para more excitement ang ganap. Tutal, unti unti na pong sumisikat si sakuragi try natin lagyan ng konting twist. Haha! Pakihintay nalang dahil kahit ako nag iisip pa kung paanong twist ang gagawin ko. Yun lang. Muli maraming maraming salamat. More inspiring comments please.)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang