"Nakakatakot siya. Hindi siya basta basta." Bulalas ni kyoushi na bahagya pang nanginginig ang tuhod, tinapik naman siya ni mitsui sa balikat dahilan para mabalik ito sa wisyo.



"Inaamin ko na malakas na siya ngayon, pero kung magtutulungan tayo na mapaalis siya may posibilidad na matalo natin siya." Saad ni mitsui na wala paring bahid na pag suko sa mga mata nito, punong puno ito ng determinasyon upang bumawi sa okaido.





"Sige, gawin nalang natin ang makakaya natin." Tanging na sabi ni kyoushi bago tumayo mula sa pagkakaupo.




nang hawak na ng team shohoku ang bola agad na itong ipinasa kay shin na binabantayan ni rukawa, nang hindi siya makaalis ay agad niyang pinasa kay mitsui na binabantayan naman ni sakuragi na mukhang walang kagana gana. Pero 'nung makita niyang si mitsui ang may hawak ng bola ay tila nagising ang dugo nito at bigla nalang naging masigla.




Nagulat si mitsui sa pagbabago ng mood ni sakuragi, maging ang aura nito ay kakaiba. Kaya ng subukan niyang makalusot mula sa pag babantay ni sakuragi ay napapaatras siya dahil wala talagang balak na mag patinag si sakuragi. Nang muli niyang subukan ang pag atake sa depensa doon na nahuli ni sakuragi ang ikikilos niya.



Na trap siya sa pag babantay ni kazuko at sakuragi kaya napasinghap ang mga manunuod sa nangyari. Napaka tibay ng depensa na kahit anong balakin ni mitsui na makaalis ay bumabalik lang siya sa gitna upang mag dribble.




10 seconds remaining bago matawag na 30 seconds violation. Iyon talaga ang intensyon ni sakuragi sa umpisa palang ngunit hindi niya naman inaasahan na mangingialam sa kazuko kaya wala na siyang nagawa pa kundi hayaan ito.




"ipasa mo na mitsui, wag kang mag magaling." Sigaw ng kung sino sa crowd, nag sigawan na rin ang iba habang binabanggit ang five seconds na natitira. Hanggang sa ipasa niya ito patalbog ngunit laking gulat niya ng si sakuragi ang nakakuha non.




Bigla namang nawala si kazuko sa likod ni mitsui at bumalik na ulit ito sa pagbabantay kay ryo. Napangisi si sakuragi sa nakikitang kalituhan sa pagmumukha ni mitsui. Dinidribble niya ito ng harap harapan kay mitsui na tila inaasar ito, napansin iyon ni rukawa kaya naiiling na ngumisi ito.





"Mitsui, iyon ang matatawag na double team. Kaya ko naman na bantay ka ng mag isa, kaso may kateam talaga ako na maaasahan kaya hindi nila ako pinabayaan. Alam mo, iyong ginawa ko sa kaibigan mong si kyoushi..." Tumigil si sakuragi sa pagsasalita ng ilang segundo bago tumingin kay mitsui ng may nakakalokong ngiti sa labi, bumalik na naman ulit ang malamig na tingin nito at anf nakakakilabot na ngiti.


"Gagawin ko rin iyon sayo." Saad ni sakuragi na kinalaki naman ng mata ni mitsui dahil mabilis na sumugod si sakuragi sa harapan niya dahilan para mapatras siya at muntikan ng mapaupo. Ngunit nakatawa si sakuragi habang hindi parin umaatake sa depensa ni mitsui.



Nagdribble lang ito ng paulit ulit sa harapan ni mitsui at sa isang mabilis na pagdribble na sinabayan na ng atake ay doon na tuluyang napaupo si mitsui na may gulat na expression. Nakaawang pa ang labi nito habang nakatulala, nasa likod lang nito si sakuragi at walang pag aalinlangang itinira sa tres kahit na sinubukan ni kyoushi na iblock ito ngunit hindi alam ni kyoushi na plano din iyon ni sakuragi kaya ng matamaan siya sa pambablock ay napaupo din si sakuragi habang nakayuko.





"Intentional foul, jersey number 15 shohoku team. Counted. One free throw." Announce ng referee na kinahiyaw at kinatalon naman ng mga manunuod dahil sa galing na ginawa ni sakuragi.




nakaupo parin si sakuragi na medyo kalapit si mitsui at kazuko ng lapitan sila ng mga kamember nila.




tumawa si sakuragi ng mahina bago unti unting iniangat ang ulo para tignan si kyoushi na sobrang kunot na kunot ang noo.




"Iyon ang tinatawag na tratehiya kyoushi at gaya nga ng sabi ko sayo mitsui gagawin ko rin ang ginawa ko sa kaibigan mo." Saad ni sakuragi sa malamig na tono, tila hindi rin ito nakikipag lokohan sa mga kaharap niya. Sinubukan niyang tumayo kaya inilalayan siya ni rukawa na wala namang kaexpre- expression ang mukha.





"Next time na gagawa kayo ng ganon, asahan niyo na ibabalik ko yan ng doble." Saad ni sakuragi bago naglakad palayo.



Nang subukan ni mitsui na tumayo mula sa pagkakasalampak niya ay napaupo siyang muli ng maramdaman ang pangingirot ng paa niya.




"Tumayo ka, ilusyon mo lang yan na masakit ang paa mo, dala lang yan ng gulat na ginawa ni sakuragi sayo." Natatawang saad ni kazuko bago ito iniwan doon, sumunod naman ang mga kateam nito sa pag alis.





"bwesit! Bwesit! Nakakainis kang sakuragi ka, pinahiya mo na ako't lahat ikaw parin ang paborito ng lahat. Hindi kita mapapatawad." Galit na anas ni mitsui, nag alala naman si kyoushi sa sinabi ni mitsui kaya inilalayan niya na itong makatayo.



samantalang ang score ng bawat koponan ay...



Shohoku 59
Okaido 43



lamang na lamang na ang okaido team at alam na nila miyagi na hindi na sila makakahabol pa. Pero dahil pumunta sila doon para maglaro at mag enjoy, inisip nalang nila na makakabawi pa sila kahit paunti unti lang.





"sakuragi huh? Hindi ko akalain na ganito ka na pala kagaling ngayon." Anas ng isang babae na nanunuod din sa crowd. May ngising naka flastered sa mukha nito habang pinag mamasdan si sakuragi mula sa ibaba.




"Magkikita din tayo at mapapasakin karin."  Huling saad ng babae bago tumalikod at naglakad na palabas.








******
(a/n: Hope you'll like it. Pinag isipan ko talaga ang mga iyan para sainyo. Kaya sana please, mag comment kayo ng nakakainspire para ganahan ako. 🥺🙏🙏 Anyway, thank you so much sa mga nag votes and comments. Keep on supporting this story para may rason pa din akong gumawa. HAHA! Salamat🥰😍)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Место, где живут истории. Откройте их для себя