Her face calmed down.

"Malay mo maging kagaya ka ni Gabrielle Bonheur Chanel..." ngisi ko.

"Chanel? That luxurious brand?"

Tumango akong muli.

"Mas kilala siya ngayon as Coco Chanel. She's one of the most influential designer and I am such a huge fan of her. Imagine... she was an orphan and she managed to create a luxurious brand!"

Her eyes widened again.

"Kaya huwag kang manliit, Nana. Purket hindi ka magaling sa pinasok mo ay wala kanang pag-asang makamit iyon. You're there because you want to learn. So what kung baduy ka ngayon manamit. Don't stop yourself and pursue your dream."

Nangingiti niya akong tiningnan.

"Don't let your past determine your future. Just keep trying..." dagdag ko.

She smiled and nodded.

"Malay din natin Cassey sisikat ka pala. Tapos magiging ambassador ka ng iniidolo mong Chanel..." hagikhik niya.

"Yes. Aattend ako sa Met Gala... maiimbitahan sa mga sikat na fashion shows... magiging VIP... at magt-trend ang pangalan ko lagi sa social media as a socialite," pagmamayabang ko kahit may parte sa akin ang iniisip na imposible iyon.

"Bagay ang ganoon sa'yo..."

"Ikaw ang magtatahi ng damit ko sa mga ganoong event lalo na't may brand kana niyan. Sikat kana rin for sure."

Namula siya, medyo ayaw pang tanggapin.

Nagpatuloy ang ganoong topic namin hanggang break time. Kasama na namin si Franca na nagkukwento na rin ng mga plano niya.

"Gusto kong magtayo ng sarili kong clinic. Siguro child psychiatrist total mahilig ako sa bata," Franca smiled.

Parehas sila ng kursong kinuha ni Naia na Psychology.

"Noong outing ang sabi mo gusto mong maging Pharmacist ah?" tanong ko.

"Pinag-iisipan ko rin kasi ang Psychology," aniya habang ginagalaw ang pagkain.

"Ako nga nagdadalawang isip ako noon sa kurso ko lalo na't baduy daw ako manamit. Baduy ba talaga ako manamit?" biglang tanong ni Nana at tiningnan kami ni Franca.

"Hindi naman as in baduy. Siguro may iba ka lang fashion taste at naiiba sa trend ngayon," sabi ko at ngumiti sa kanya para pagaanin ang loob niya.

"But Wayt told me they're fine. Suotin ko raw ang mga damit na komportable ako. At bagay naman daw sa akin..."

The sudden mention of his name made an impact to my system. Biglang nagsink-in ang nangyari noong Summer.

"Naniniwala ka diyan sa gago mong pinsan," irap ko.

"What's wrong? Tama naman ah. Kung komportable ka sa ganoong damit, suotin mo," si Franca.

Umirap pa rin ako. They both looked at me innocently. Franca's chinky eyes looked curious.

Hindi naman bago sa kanila ang galit ko kay Wayt. My pretentious act to hate him made it more realistic especially now that I am really mad at him for real after what he said to me.

"Hi Cassey! Nagawa mo na ba ang plates mo?" tanong ni Coleen, isa sa kaklase ko sa major subject ko.

Dala ko ang aking mga gamit at palabas na sa classroom para pumunta sa cafeteria. Doon ko  pag-iisipan ang inspirasyon ko sa Still Life na gagawin naming plates.

"Hindi pa nga eh. Ikaw?" tanong ko nang sumabay siya sa akin.

"Maybe fruits?"

Tumango ako habang iniisip ang basket ng mga prutas. Charcoal ang medium namin ngayon kaya medyo madali pa.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon