CHAPTER 11 - Memory

Start from the beginning
                                    

Virgo really thought that Lucien is asleep, so when he spoke, she jolted in shock.

"Is that breakfast?" Lucien asked in a sexy sleepy voice, his eyes still close.

"Yes."

His eyes slightly cracked opened and looked at her. "Pinagluto mo ako ng agahan?"

Tumango siya.

Biglang bumangon ang binata na ikinagulat niya. Ang bilis ng kilos nito na halos hindi na makita ng mata niya.

Masayang kumakain si Lucien habang nakatalikod sa kanya. Walang itong suot na pang itaas kaya naman nasilayan na naman niya ang nakakaakit nitong tattoo.

Virgo trailed her finger on his tribal tattoo. Naramdaman niyang natigilan si Lucien kapagkuwan ay pinagpatuloy din ang pagkain.

"Parang gustong-gusto mo ang tattoo ko." Sabi nito. "Why?"

"It's cool." Simpling sagot niya. "Ang ganda. Nakakahalinang pagmasdan."

Mapaklang tumawa ang binata. "Alam mo ba kung anong halaga ng tattoo na iyan?"

"Ano?" Tanong niya habang abala pa rin ang daliri niya sa tattoo nito.

"That tattoo is made to conceal the beast inside of me."

Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa binata na nakatalikod. "Anong ibig mong sabihin?"

Humarap sa kanya si Lucien at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Virgo, something lives inside of me. A monster. At ang tattoo na iyan ang isa sa mga pumipigil sa halimaw na iyon na kumawala at manakit ng tao. Inilagay 'yan ni Daddy panigurado na hindi siya lalabas. But from time to time, i can feel it. Nagiging okay lang naman ako kapag nasa malapit ka o kapag nahahawakan kita at nayayakap."

Her face saddened. It's a metaphor. Alam niyang hindi literal na halimaw ang itinatago nito sa loob. Maybe an attitude problem? Pero parang wala naman itong halimaw na tinatago. The Lucien she came to know is sweet and hot and sexy and sometimes, intense. Lalo na kapag magkalapat ang mga labi nila.

She softly cupped his face. "Ano bang klaseng halimaw ang mayroon ka?" She smiled. "Tell me at nang mapatay natin ang halimaw na iyan."

Napailing-iling si Lucien at bumuga ng marahas na hangin. "You are not taking me seriously, Virgo. I am fucking serious. There is a monster inside of me that wanted to come out to own and claim you."

Virgo sighed. "What kind of monster?" Tanong niya. "Hindi kita maintindihan e."

Nagbaba ng tingin si Lucien. "Wala. Basta ayoko lang na dumating ang panahon na tumakbo ka dahil nalaman mo ang tunay na ako."

"Ano ba ang tunay na ikaw, Lucien?" Naguguluhang tanong niya sa binata. "Hindi ba katutuhanan ang pinapakita mo sa'kin ngayon?"

He runs his finger through his already messy hair. "You can't take the truth. Matatakot ka at iiwan mo ako."

Virgo scoffed. "I can't take the truth? Matatakot ako at iiwan ka? Lucien, tatlong taon na akong nabubuhay sa takot. Mula ng mamatay ang mga magulang ko, halos gabi-gabi ay hindi ako mapakali. Takot akong lumabas ng bahay. I took pills just so i could have a good night sleep. I have anxiety attack. Tumigil lang 'yon ng makilala kita, Lucien. Kaya please, kung balak mo akong lokohin o paglaruan, spare me. I've been through hell already. Huwag mo nang dagdagan pa."

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha niya. "Virgo, i know what you've been through—"

"No, you don't."

"Yes, i do." He looked deep into her eyes. "Kasi naroon ako ng mamamatay ang mga magulang mo. After that incident in the bathroom on Leo Guano's house, i saw you leaving. Sinundan ko kayo. And i witness it all. Kaya alam ko kung anong pinagdaanan mo."

Favorite Obsession Where stories live. Discover now