Sundo

12 3 0
                                    

CHAPTER 8

"Tao po!" Sambit ng taong kumakatok sa may gate namin. Kahit hindi ko man silipin kung sino iyon, ang tinig niya ay napakapamilyar para makilala ko agad. "Sandali lang!" Sagot ko. Hindi pa ko tapos magayos dahil kakagising ko pa lamang. "Pumasok ka muna Ed, bukas amg pinto" Natataranta na ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napuyat kasi ako kagabi, nahirapan akong makatulog.

"Pumunta ka bukas ah?" Ipinatong niya ang kanan niyang braso upang akbayan ako. "Hmmm" Tumingin ako sa aking mga paang pinaglalaruan ko ng mga panahon na iyon. Pinag-iisipan ko pa rin kung pupunta ako sa basketball game nila. Wala naman talaga akong alam sa basketball.

"Di ka pupunta?" Ipinatong naman niya ang baba niya sa kaliwa kong balikat. Medyo na paatras ako, hindi pa ako sanay na kami. "Hmmm" kinagat ko ang ibaba ng labi ko. "Di ko pa kasi talaga alam. Wala kasi akong alam sa basketball"

Tumawa siya ng marahan. "Ano ka ba" Bumaba ang kanyang mga kamay sa aking mga bewang. Iniikot niya dito ang kanyang mga kamay at hinawakan ng mahigpit. "Di mo kailangan magkaroon ng alam sa basketball. Baby, your presence all I need" Ibinulong nya ito sa aking mga tenga na nagdulot ng sensasyon sa akin. Parang may mga nagwawalang buhaya sa aking tiyan. Nagdulot ito ng madaming emosyon sa aking katawan na nagig dahilan ng aking pamumula at pagtawa ng mahina. "Pupunta ka na?" Tinignan ako ni Ed na may matang para bang nagmamakaawa na bata. "Oo na, pupunta na ko" tumawa akong muli at tinakpang ang aking mga labi. "Ang cute mo talaga" Hinalikan niya ang aking mga pisngi. Naramdaman ko ang pag-init ng aking katawan. Ito ba ang resulta ng mga halik? O baka dahil lamang ito sa pag-daloy ng mga dugo sa aking katawan.

Umuwi ako ng bahay na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ang aking mga ngiti ay abot langit na ata. Naabutan ko sa aming sala si Ami, ang nakakabata kong kapatid. Siya ay nasa ika-10 baitang na ng elementarya o pinakanataas na baitang sa middle school kung tawagin. "Bakit ka nakangit? Nanalo ka ba sa loto? Ah! wag ka munang sumagot, huhulaan ko! Baliw ka na no!" Tumawa siya ng malakas. Mukhang nag-enjoy siya sa pangaasar sa akin. Umupo ako sa kanyang tabi at inihagis ang aking back pack sa sahig. Inagaw ko na din ang remote at inilipat ito sa basketball. "Bakit ka nanonood niyan? Hindi pa ayaw mo ng basketball?" Tanong niya sakin. "Wala lang" Iling ko. "Psh, may crush ka diyan no? Akin si Tiu!" Dinilaan niya ako. Tinawanan ko na lang siya at nag-focus sa panonood.

Matapos kong manood ay dumirecho na ako sa aking kwarto. Doon naman ay nag-research ako ng mga bagay na related sa basketball. Alam kong hindi naman talaga iyon kailangan, ngunit gusto kong magustuhan ang mga bagay na gusto ni Ed. Gusto kong mas tumibay ang aming koneksyon.

Pagkatapos ng aking research ay kinuha ko ang aking phone. Nakita ko ang mga mensahe ni Ed. 'Kami na nga pala' Naisip ko.

Alfred Santos

Baby, nkauwi k n? :)
19:50

Baby magtxt ka pagnkauwi ka na ha?
20:00

Wla ka pa sa inyo????
20:05

Uy....nagaalala ko.. wla ka pa sa bhay nyo?
20:07

Wla k p rin?
20:11

Wla sna nangyaring msama sau. Nagalala ko baby.
20:14

Mag-ingat ka baby. Love u... :) :*
20:26

Andami na pala niyang text. Hindi ko na malayan. Hindi naman kasi ako madalas mag-phone. Tinignan ko ang oras. 20:48 na pala.

To: Alfred Santos

Nakauwi na ko. Huwag kang magalala. Nalimutan ko lang magtext. Sorry :(

From: Alfred Santos

Ok lng, atleast u are safe :)
Kumain k na? Kain k n wag ka papagutom :3

Buong magdamag ay nagpalitan lamang kami ng mga text messages. Nakalimutan kong mag-ala-una na pala kung hindi lang pinaalala ni Ed.

Natapos na din akong mag-ayos ng aking sarili. Nag-lagay ako ng kaonting make-up. Lip gloss at face powder. Nag-suot din ako ng pink na polo shirt at itim na badminton skirt. Upang magkaroon ng "sporty" look ang porma ko kahit papaano. Lumabas na ako ng aking kwarto.

"Tadaaaaa~~!" Pagbati ko kay Ed nang ako ay makalabas. Nanlaki ang mata niya. Ganoon din naman ako, ito ay dahil sa magkamukang magkamuka ang suot namin polo shirt. "Di naman tayo nag-usap... pero..." natawa siya at napailing iling. Ganoon din ako. "Oo nga eh. Di kita sinilip sa bintana kaya hindi ko alam"

"Puso na natin ang nag-usap. Ay! Mali, utak pala." Natawa siya. "Ang puso nga pala ay para lang sa dugo ang utak ang nag-bibigay emosyon." Dagdag pa niya. Tumayo siya at kinuha ang aking mga kamay.

Naglakad na kami palabas ng subdivision namin. Napag-usapan na din namin na kami ay maglalakad na lamang patungo sa subdivision nila Aisha dahil malapit lamang iyon.

Tinitignan ko ang mga kamay naming dalawa. Masyadong maliit ang mga kamay ko para sa mga kamay niya. "Anliit ng mga kamay mo." Napansin nya din pala. "Oo nga eh. Maliit din naman kasi ako"

"Maliit ka. Matangkad ako. Bagay na bagay." Mas hinigpitan niya ang hawak sa aking mga kamay. "Kay tagal kong sinuyod ang buong mundo, para mahanap ka lang"

"Huh?" Napatingin ako sa kanya. Nagtataka.

"Kung saan saan kita hinanap. Buti nga nakita na kita eh. Nasundo na din kita sa wakas"

"Asahan mo, mula ngayon pag-ibig ko'y sa'yo. Sa'yo lang ito. We will go and reach our dreams together"

Initaas niya ang kamay naming mag-kahawak. Hinalikan niya ang aking mga daliri. Nakatingin lang ako ng matuon sa kanya. Siya naman ay nakatigin sa malayo. Ibinaling ko na din ang aking tingin sa daanan.

Hindi ko maipangakong masasanay ako sa mga pambubulabog ng mga buhaya sa aking tiyan. Nagwawala sila palagi.

"Whenever you will fall down, andito lang ako. Sa'yong sa'yo ako, Momorin Tolentino. Mahal na mahal kita"

Nag-lalakad pa rin kami kasabay ang mga kotse at mga jeep.

"Ang saya saya ko Ed, kasi hindi ko alam..." Iniiling ko ang ulo ko "basta. Parang sasabog yung puso ko"

Tumigil si Ed sa pag-lalakad na nagdahilan upang ako ay mapatigil din.

"Huwag...." tumingin siya sa sahig. Hinigpitan ang hawak sa aking mga kamay. "Bakit mo sinasabi yan?" Tinignan niya ako ng mataimtim at nag-pout. "Pag-pumutok yung puso mo.... wala ng yung mahal ko." Natawa naman ako sakanya. Pinalo ko siya ng marahan. "Ano ka ba Ed, it was just an expression"

"Pag-tapos ng game mamaya at pag-nanalo kami, may reward ako ah?" Nginitian niya ako ng mapalad. Bumilis ng sobra ang tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay naririnig niya ito. Tumango lamang ako. "Tara na, baka naiinip na yung tropa ko" hinalikan niya ang aking noo.

Sino ba naman ang hindi matutuwa o kikiligin sa mga salitang binitawan ng taong mahal mo sa iyo hindi ba?
Dahil sa sobrang emotion, hindi mo na pansin ang posibilidad na may mga mangyayaring bagay na malayo sa imahinasyon mo.
Na may mga bagay na pang-matagalan at may mga bagay na natatapos pagkatapos ng isang kanta.

---------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Hi. Hello. Comment naman po kayo. Sabihin nyo yung mga nakita niyong mali at medyo magulo. Pag nagsulat ba ko ng isa pang kwento babasahin nyo? Naiisip ko kasi talaga na gawaan ng kwento si Aisha eh. Anyways, please read my other stories;
Captured - about a pretentious girl and a photographer who was captured by her eye's secrets.
Timeline - a one shot about love.
I'm right here- about a girl who is "sister-zoned"

Map to the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon