Chapter 27 (I don't know)

Start from the beginning
                                    

"Pano na 'to?"

"Ako bahala kay Mich."

"Teka, alam kong gusto mo si Mich pero wag mo naman akong payuhan na parang kailangan ko ng layuan si Mich?!" galit na sinabi ni Avan. Totoo naman talaga yung sinasabi ko eh.

"Avan—-"

"Wag na, Liam! Sa iba na lang hihingi ng payo. Salamat ah?!" binabaan na niya ko. Tinawagan ko uli siya pero hindi na niya sinagot. Bahala siya.

Louis' POV

I checked the time. 12pm na. I should probably get up but my body betrayed me. Napagod ako kagabi. After umalis nila Liam, ay kailangan ko pang tanggalin those stupid candles and lights. And I had to pay those stupid guys that set up those stupid fireworks for Liam and Mich. Budget ko dito ay lumagpas... and when I said na lumagpas, I mean really lumagpas. Stupid firework display. Ang mahal pala nun. Biglang nag ring yung phone. I swear kung si Liam nanaman 'to.

"Yeah?" I didn't bother checking kung sino yung tumatawag sakin. Basta ko na lang sinagot.

"Louis, thank God gising ka na."

"Avan?" napa upo na ko sa kama.

"Kailangan ko ng tulong."

"I swear if it involves fireworks and candles I'm not the man for that."

"Ano ba pinagsasabi mo? Kailangan ko ng payo!"

"Ahhh."

Inexplain ni Avan lahat lahat.

"So?" sabi niya.

"So what?" clueless kong sinagot.

"ANO BA LOUIS?!"

"Hey its too early! Hindi mo kailangang sumigaw!"

"Louis, 1pm na!"

"Oh." Huh, di pa ko gutom.

"Louis please?" nag sigh ako.

"Avan, ikaw may kasalanan niyan. Una pa lang, dapat hindi mo yun ginawa kay Mich. Pangalawa mahal mo si Claire, at pangatlo wag mong ideny na hindi mo na gusto yung si Claire kasi kung mahal mo talaga si Mich, hindi ka magkakagusto sa kahit sino. Pwera na lang kung si Megan Fox yun."

"Eh Louis..."

"Kung ako sayo, sabihin mo kay Mich lahat lahat. Oo, magagalit siya pero she deserves to know the truth. Mas okay na ikaw magsabi kaysa naman na malaman niya sa ibang tao. Pangalawa, aalis na si Claire, you still love her, Avan. Pero kung pipiliin mo si Mich, can you live with the fact that you didn't even said goodbye to someone that you still loved? What if one day you woke up, then realize that all along, you still loved Claire and you didn't really loved Mich? May isang masasaktan sa kanila, Avan. Kaya kung ako sayo, gawin mo na ang tama. At kung tatanungin mo ko kung sino ipiliin mo, piliin mo yung taong nagpapatibok sa puso mo."

"Louis.... Salamat. Alam ko na kung ano gagawin ko."

"Well, thank God for that! Bye and goodluck!" binabaan ko na siya at tumayo para maligo.

Avan's POV

Tinext ko si Mich.

"Alam kong galit ka sakin pero may kailangan akong sabihin sayo. Punta ka sa park na malapit sa inyo mga 2pm. Please, Mich? Xxx"

Maya maya nag reply siya.

"K." Galit nga to sakin.

Tinext ko din si Liam.

"Pre tulungan mo ko oh? Please???"

Nagreply siya.

"Tungkol?"

Tinawagan ko siya. At inexplain yung plano.

"Kaya mo ba gawin?" tanong ko sa sa kanya pagkatapos kong iexplain sa kanya.

"Avan sigurado ka ba diyan?"

"Oo, Liam."

"Pero Avan..."

"Liam sigurado ako kaya please." Naiirita na ko. Ba't ba ang dami niyang sinasabi??

"Sige." Nagpasalamat ako sa kanya at binaba na yung telepono. Napahiga ako at iniisip yung plano. Tama yung gagawin ko. Nang dahil sa payo ni Louis ay medyo alam ko na yung gagawin ko.

"May isang masasaktan sa kanila." Parang naririnig ko yung boses ni Louis nung time na nakahiga ako. Kaya ko 'to.

Mich's POV

Pumunta ako dun sa park malapit sa bahay namin. Onti lang mga tao nung time na yun at puro mga bata ang mga naglalaro dun sa playground. Napangiti ako at umupo dun sa isang swing.

Tiningan ko yung relo ko. 2:10pm. Asan na bay un?

"Hi Mich."

——

Claire's POV

Nag iimpake na ko ng mga gamit ko. My flight leaves tonight so kailangan mga 6pm andun na ko sa NAIA. Huh, back to Canada. Nung natapos na ko mag impake ay tinawagan ko yung room service ng hotel na tinuuluyan namin ni Mommy. Yung mama ko ay namili muna sa mall kaya mga 4pm pa balik niya pero tapos na siya mag impake.

"Hey can I have one of your pasta dishes to be delievered in room 202?"

"Sure Ma'am! Ano pong pasta dishes namin?"

"Hmm, may carbonara kayo?"

"Yes."

"Yun na lang, oh and a glass of iced tea please."

"Sure. It'll be delievered in about 10 to 15 minutes."

"Thank you." Binaba ko na yung telepono at binuksan muna yung tv.

Maya maya may kumatok sa pintuan. Room service, maybe? Bilis naman? Wala pang 5 minutes?

Binuksan ko yung pintuan.

"Hi."

VOTE AND COMMENT! Xxx

btw, wag niyo ko madaliin... mag uupdate ako pag time. May mga ginagawa din naman po kasi ako at hindi ito yung buhay ko. Salamat po sa mga nakakaintindi na hindi ako araw araw makakapag update :)

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Where stories live. Discover now