Ang mga bisita ay malapit na tao sa pamilya tulad ng Montenegro, McLlado at ang pamilya ni Tita Jewel.

"Are you ready?" Tanong ni Uncle sa akin.

"This is the time," sagot ko at tumayo na rin.

Tahimik lang ako sa gilid at hinayaan silang magsaya habang hindi pa ako nag-uumpisa.

Habang nakatingin ako sa kanila hindi ko mapigilang masaktan dahil 'yan ang pamilya ko pero ni isang beses wala akong matandaan na masayang okasyon na kasama nila ako.

They are so happy without me.

Napatingin ako kay Uncle ng pahiran niya ang pisngi ko.

"You look so gorgeous tonight, precious. Don't cry," sabi nito. "This is the time. Wipe your tears."

Tumango ako at binantayan ang pagpunta ni Uncle Shawn sa harap.

"Good evening everyone, thank you for coming tonight. Naghanda ako ng maikling video para sa lahat, this is my gift to my family."

Zhaika's pov

"... This is my gift to my family."

Pagkasabi nun ni Tito nakita ko sa malaking TV Ang video kung saan pinanganak sila Serene at Serenity.

Nagtataka man ang lahat pero kita ko rin sa mga mata nila ang saya.

Tumingin ako kay Serene na walang emosyon na nanunuod sa harap.

Every birthday rin ng kambal ay nasa video pero pansin rin na si Serenity lang ang Kasama ng bawat pamilya sa birthday ng mga ito. Wala si Serene sa litrato.

Kita ko si Serenity na nakayakap ngayon kay Jhezter habang nakangiti.

Alam ko na ang plano. Nilapitan ko si Serene para maalalayan.

Akala ko tapos na dahil biglang dumilin pero pinalabas ang video ni Serene habang Malaki ang tiyan na tumatawa si  Uncle Shawn.

"Buntis siya?"

"Si Serene?"

"Buhay siya?"

Ilan lang 'yan sa naririnig ko.

Tumingin ako sa pamilya at kita ko ang gulat sa kanilang lahat maliban kay Serene, grandma, sa akin at si Uncle Shawn.

Tumingin ako kay Tita Shannie na naguguluhan sa pinapanuod.

"Couz-"

"I will make them pay, Zhaika. Sobr sobra ang sakit na binigay nila sa akin," mariing bulong nito.

Ang video ay napunta sa araw ng panganganak ni Serene habang nasa coma.

Kitang kita nilang lahat ang madaming doctor na nakapalibot kay Serene-- ilang Segundo ring video na binabago Ang mukha nito-- duon natapos ang video.

Puno ng katanungan ang lahat.

Napatingin kami kay Tita Shannie na umiiyak na pinuntahan sa stage si Uncle Shawn.

"N-nasaan ang anak ko? Shawn a-ang anak ko 'yun! B-buhay siya! Nasaan... "

Hindi sumagot si Uncle at tumingin sa lahat.

"Yeah my niece Serene is alive-"

Napuno ng katanungan para sa lahat. Nagulat na lang kami ng sinuntok ni Uncle Drey si Uncle Shawn.

"GAGO KA ILABAS MO ANG ANAK KO!"

Hindi sumagot si Uncle Shawn.

Pumunta si Serene sa harap at tinulak ang Daddy niya

"Don't hurt my uncle!"

"Wag kang maki-alam dito!" Galit na sigaw ni Uncle Drey.

"Makiki-alam ako dahil sinasaktan mo ang taong promotekta sa akin! Sinasaktan mo ang taong nagpakaama sa akin, Daddy!"

Sa sinabing 'yun ni Serene nagulat sila. Alam kong nasasaktan siya pero ayaw niyang ipakita 'yun.

" Daddy?" Bulong ni Uncle Drey.

Ngumisi si Serene at kinuha ang mike malapit dito. Tinignan pa nito ang magulang bago tumingin sa lahat. Napako ang tingin ni Serene kay Jhezter.

"I'M SERENE EVANS-MONTEVERDE. IT'S NICE TO BE BACK!"

Naguguluhan ako kung sino ang tignan ko dahil lahat ay umiiyak.

Lalapit na sana sila Tita Shannie at Uncle Drey kay Serene ng maglabasan Ang tauhan ni Uncle Shawn at pinalibutan ito.

"T-totoo ba? I-ikaw Ang anak ko? B-buhay ka? Serene anak," umiiyak na sabi ni Tita Shannie.

"Anak? Yes, I'm Serene pero wala akong kinikilalang Ina. I hate you Mrs. Evans, I hate you so damn much!" Puno ng Galit na sabi ni Serene.

Ang bilis ng pangyayari at nakita ko na lang si Grandpa na kinuha si Serene at hinila sa loob ng bahay.

"Wife! Damn, bitawan niyo ako! Ang Asawa ko! Bullshit!" Nagwawalang Sabi ni Jhezter na hawak ng mga tauhan ni Uncle Shawn na nagpipilit lumapit kay Serene.

Sobrang gulo ng paligid. Sigawan at iyakan ang nakikita ko.

Napansin ko si Serene na tulala sa gilid habang nakatingin sa nagwawalang si Jhezter.

Nilapitan ko siya.

"Your time is up my evil cousin. Kukunin ni Serene ang lahat sayo."

Pagkatapos kong sabihin ay pumasok ako sa loob, kitang kita ko kung paano itulak ni Serene si Tita Shannie.

"Wag mo akong hawakan-"

"Anak patawarin mo ako Hindi ko alam-"

"Enough! Ilang beses ko kayong pinatawad, ilang beses ko kayong iniintindi pero ni isang beses hindi ka nagpaka-ina sa akin. I hate you so much, I will never forgive all of you! This family sucks!"



Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora