Chapter 5

11 1 0
                                    

Naka-abang si Ama sa labas ng eskwelahan nang dumating kami galing Poblacion.

Sobrang tuwa ko nang kinwento ko sa kanya na nanalo ako at hindi ko inasahan. Sinakay niya ako sa kabayo na hiniram niya kila Tiyo Samuel. Bumaba pala siya ng bukid para ihatid ang mga mais na inani dun malapit sa'min. Tapos hinintay niya lang ako.

Habang nakasakay ako sa kabayo si Ama naman ay naglalakad. Tapos habang naka sakay ako kwento ako ng kwento kahit madalas  'Ha?' o tango ang makukuha kong sagot.

Mag-gagabi na ng masilayan namin ang Sitio pero ang kwento ko hindi pa rin nauubos. Hindi ko alam bakit kapag si Ama ang kausap ko kahit hindi naman ako sigurado kung naririnig niya ako, hindi pa rin ako nauubusan ng kwento.

"Ano Deth nanalo ka?" tanong ni Jojo ng makarating kami sa Sitio. Alam na ng buong Sitio na pumunta ako sa Poblacion para sa Oration.

"Syempre hindi. Tiyak kristyano nanalo." si Ida ang sumagot.

Binaba ako ni Ama sa kabayo dahil ibalik niya pa kay Tiyo Samuel ang kabayo. Agad siyang umalis pagkababa ko.

"Nanalo ako!" —buong pagmamalaki ko— "May medalya nga akong nakuha." at kinuha ko ang medalya sa bulsa ng bag na bitbit ko at pinakita sa kanila.

"Patingin!" sabay agaw ni Ida sa hawak kong medalya.

Tiningnan niya ng mabuti at kinagat.

"Teka, bakit mo kinakagat."

"Sinisiguro ko lang kung totoong ginto 'to." kakagatin niya sana ulit ng bigla kong hinablot.

Natigilan ako ng biglang naiwan sa kanya ang medal at nasa akin naman ang ribbon ng medal.

"Tingnan mo. Natanggal tuloy!" inis na sabi ko at kinuha sa kamay niya ang medal.

"Anong ako? Ikaw nga tong bigla biglang hinablot sa'kin. Tapos ako ang sisihin mo, parang medalya lang 'e. Hindi mo naman makakain yan."

Nainis ako sa sinagot niya. "Anong karapatan mo na sabihin na medalya lang to? Ano ngayon kung hindi 'to makain? Pinaghirapan kong makuha 'to. E ikaw may medal ka ba?"

"Aba ang yabang mo ah!" sabay tulak sa'kin.

Itutulak ko sana siya ng may narinig akong galit na boses. "Dedeth!"

Napalingon  ako kay Ina. "Uwi!"

Nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Ida at hindi ko napigilan ang pagtumba at mabilis siyang tumakbo bago pa man makaabot si Ina.

"Ina—"

Halos malagutan ako ng hininga nang hinila niya ako mula sa pagkatulak ni Ida.

Sa bilis ng paghila ni Ina hindi ko agad nabitbit ang isang plastic na maraming pagkain na pinadala ni Ma'am Lottie.

Pagpasok namin sa bahay agad niya akong binitawan.

"Anong ginawa mo kay Ida?" galit na tanong ni Ina.

"Wala po akong ginawa sa kanya."

"Anong wala! Bakit ka nya tinulak?"

"Nagkasagutan po kami. Minaliit niya kasi ang medalya na nakuha ko. Hindi ko naman daw 'to makain. Pero Ina nanalo po ako sa Oration—ako ang nag-champion—tapos sinabi niya, hindi naman daw ako mapapakain ng medalyang 'to." sumbong ko kay Ina habang pinapakita ang medalya na hawak ko.

Matalim niyang tiningnan ang hawak ko. "Tama naman pala si Ida. Anong gagawin mo dyan sa medalyang 'yan? Makakain mo ba?"

Kusa kong naibaba ang kamay ko at naramdaman ko na lang bigla ang paghulog ng medalya sa kamay ko.

Refugee of Love (2nd Game)Where stories live. Discover now