"Wala na tayong magagawa pa sa bagay na yan," saad ni rukawa ng mapadaan ito sa tatlong nagkukumpulan at narinig ang sinabi ni kiyo.



"Ano ibig mong sabihin?" Tanong ni takasugi



"Pag ang isang mabait nagalit, mahihirapan na itong patigilan oa. Prinovoke ni mitsui si sakuragi kanina dahilan para damdamin ito nu sakuragi." Sagot ni tetsu na dapat si rukawa ng sasagot. Napatango tango si rukawa sa sinabi ng kanilang captain dahil tama mismo ang sinabi nito.



Sa ibang team naman na nakasaksi sa mga pang yayari ay gulat na gulat din. Wala na silang ibang masabi pa kundi 'mahihirapan silang talaga kay sakuragi sa laban nila.'




'Sakuragi'

'sakuragi'

'sakuragi'


sigawan ng mga tao pero wala namang karea reaction si sakuragi habang muling binabantayan ang kaharap niya na wala namang sinasabi sakanya kundi nanahimik nalang.




"Sakuragi!" Hindi pinansin ni sakuragi ang pagtawag sakanya ng mga kakampi. Bagkus ay nag ready nalang siya sa laban at sa kaharap niya mismong hindi na siya matignan ng deretso.




Nang muling ipasa ni miyagi kay mitsui ang bola ay agad na nag ready si sakuragi, ngunit agad din naman siyang na screenan ni kyoushi at ryo pero tila wala naman pakialam si sakuragi doon dahil blangko lang itong nakatayo at hinahayaan ang mga nag babantay sakanya.




Nagtaka man ang dalawa sa kinikilos ni sakuragi ay hindi nila ito hinayaang makatakas hanggang sa maipasok nga ni mitsui ang tira mula sa three point line.




Okaido 41
shohoku 33


Nasa okaido na ang bola at hawak na ito ni tetsu, balak kasi nitong hindi ipasa kay sakuragi ang bola dahil alam niyang idouble team lamang siya ng mga kalaban.



Ngunit napatingin lamang si sakuragi sa kanya na may malamig na titig kaya nangilabutan si tetsu. Ngunit kay rukawa niya na lang ito pinasa at hindi kay sakuragi na lalong naging madilim ang anyo. .



Akala nila hahayaan na lang ni sakuragi ang nangyari ngunit tumakbo ito patungo sa binabantayan ni akagi na kinagulat din ng huli.


Ito na kasi ang nag babantay kay akagi samantalang si kiyo ay napailing nalang habang paalis sa pwesto niya dapat. Nang itira ni rukawa ang bola ay agad naging alerto si sakuragi sa bola, maging si akagi ay napatingin din doon.



Pero dahil si rukawa ang tumira ng bola ay successful nitong naipasok. Kaya muling naging lamang ang okaido sa team shohoku.




'Hindi kami makakalamang kung nandito si sakuragi at rukawa.' Anas ni miyagi sakanyang isipan. Hinihingal na rin siya dala ng sobrang pagod.




"Sabing ipasa niyo sakin ang bola e." Anas ni sakuragi sa malamig na tono. Narinig iyon ng buong shohoku kaya nabahala sila, ngunit wala namang pakialam ang mga okaido team sa sinabi ni sakuragi  dahil kapag pinansin nila ang sinasabi nito baka mas lalo lang humaba ang usapan.




ngayon pa namang mainit na naman ang ulo nito. Baka maagawan lang sila ng bola, alam naman ng lahat na hindi iyon hahayaan ni sakuragi ngunit dala dalawa ang nag babantay sakanya kaya pinapahupa na muna nila ang depensa ng shohoku.




"Sakuragi, ipapasa naman namin sayo ang bola pero sana huminahon ka naman. Baka maapektuhan ang laro natin kapag pinairal mo naman iyang pagiging mainitin mo." Saad ni takasugi na kinakausap si sakuragi sa mahinahon na paraan.




"Tss. Ano tingin niyo sakin ganon ganon nalang kadaling maistealan ng bola. Nag practice ako ng walang tigil para sa laban na ito at para MATALO ang mga nakakalaban ko. Ayoko na ulit masabihan na walang kwenta." Buong buo ang boses na saad ni sakuragi na titig na titig kay takasugi. Napaiwas naman ng tingin ang huli dahil sa walang masabi dahil naramdaman niya rin bigla ang sakit na nararamdaman ni sakuragi.





"Naiintindihan namin sakuragi, pero hindi kami iyong taong sasabihan ka ng ganyan dahil kaibigan mo kami e. Pinapahalagahan ka namin. Kaya sana ibalik mo na iyong sakuragi na nakilala namin 'nung nag uumpisa ka palang." Pag singit ni kiyo sa usapan bago ito tinap sa balikat.






"Hindi niyo ako naiintindihan hanggat hindi niyo pa nararanasan ang pinag daanan ko." Saad ni sakuragi na sarado na talaga ang isipan para pakinggan ang mga ito.





wala nang nagawa pa ang mga ito at sabay sabay na napabuntong hininga.



'Wala akong pakialam.' Saad ni sakuragi bago tumalikod at umalis palayo sa kanila.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now