Prologue

267 3 2
                                    

PANAY ang lingon ni Isabella sa kaniyang likuran habang tumatakbo ng mabilis papalayo sa kanilang bahay. Wala siyang pakialam kahit ilang beses pa siyang matumba dahil sa pagkakapatid mula sa mga naka angat na sangga mula sa kaniyang dinaraanan. Panay din ang tulo ng luha sa kaniyang mga mata kasabay ng pagtulo ng malalamig na pawis mula sa kaniyang noo.

‘N-No please! Tulungan niyo po ako!’ piping sigaw ni Isabella sa isip ng muli nanaman siyang matumba at sa pagkakataong iyon ay masaganang dugo ang umaagos sa kaniyang tuhod dahil sa hiwa mula sa matulis na kaniyang nabagsakan na mukang bubog.

“Nandito lang siya! Hanapin niyo sa paligid!” naalerto siya sa narinig ang malakas na boses na iyon na nag-eco sa buong paligid. Naroroon sila sa likod bahay nila Isabella na kung saan ang likuran ay malawak na kagubatan. Nakatira sila sa isang liblib na lugar ngunit mayroon silang malaking bahay dahil sila ay nakaka-angat sa buhay.

Dali-dali siyang tumayo kahit pa na masakit na ang kaniyang tuhod para lamang maiwasan ang mga humahabol sa kaniya. Nagising siya sa himbing na pagkakatulog dahil sa kalampag na nanggagaling sa ibaba ng bahay, nang tignan niya ito ay mga armadong lalaki ang papaakyat ng hagdan. Dahil sa kagustuhan na tumakas ay sa veranda siya dumaan at ginamit ang bubong upang mag daus-os pababa ng bahay.

Muli ay palingon-lingon siyang tumatakbo papalayo. “Kyahhh!” napatili siya at napahawak sa kaniyang magkabilang tenga ng biglang may magpaputok ng baril. “Nandito siya!” nanlaki ang mata niya sa narinig na sigaw kaya kahit natatakot sa putok ng baril ay lakas loob siyang tumakbong muli.

“H’wag ka nang tumakbo pa babae! Lalo kang masasaktan saamin!” hindi niya pinakinggan ang sinabi ng isang lalaki ngunit mas napaiyak siya dahil doon. Bigla niyang naalala ang kaniyang kapatid na si Kim, iniisip niya na mabuti at wala ito sa kanilang bahay dahil simula nang mamatay ang kanilang magulang isang linggo na ang nakakaraan ay palagi itong wala sa bahay at kapag umuuwi ay lasing.

“Nakita ko na siya!” napahinto siya sa sigaw na iyon at nilingon kung sino ang nakakita sa kaniya. Kita niya ang isang lalaki na itinuturo siya kaya tumalikod na siyang muli at tumakbo paalis doon. Ginawa niya ang kaniyang makakaya upang makalayo ngunit dahil sa dami na niyang sugat at kung ano-ano pa sa katawan ay kusa na siyang napatumba hanggang sa abutan siya ng mga humahabol sa kaniya.

Ramdam na ramdam niya ang pagod at sakit ng katawan at panandalian na tila na bingi siya sa paligid dahil sa lakas ng tibok ng kaniyang puso. “Pinahirapan mo pa kaming babae ka!” napatili siya ng biglang may humila sa kaniyang buhok paangat at kusang napadilat ang kaniyang mga mata.

Nakita niya ang isang lalaki na mayroong tattoo sa muka ang may hawak sa kaniyang buhok. “Hindi ka na sana masasaktan kung sumama ka saamin ng maayos e!” bigla nalamang siyang sinuntok ng lalaki sa sikmura at dahil nga nanghihina na siya ay hindi na kinaya ng katawan niya at unti-unting bumigat ang kaniyang pilik mata’t nakatulog.

NAGISING si Isabella dahil sa ingay nang paligid na kaniyang naririnig. Sumalubong sa kaniya ang nakakasilaw na liwanag kaya nag-adjust pa siya sandali. Nang maging maayos ay kusa siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga at nakita niya ang mga babaeng nagkakagulo sa loob ng kwarto na iyon.

Ang ilan ay pabalik-balik sa kabilang parte at papunta sa kabilang parte na tila nanghihiram ng mga make-up. Maraming salamin sa dingding na mayroong kaniya-kaniyang ilaw at kaniya-kaniya ding mga babaeng naka pwesto. Ang soot ng mga ito ay sobrang iiksi na halos makita na ang kanilang puwet sa sobrang iksi ngunit pawang mapuputi.

Napatingin siya sa kaniyang sarili at laking gulat niya ng maging siya ay nakasoot ng isang kakaibang damit. Hindi tulad ng mga babaeng kasama niya na sobrang iksi ng damit, siya ay nakasoot ng isang black fitted gown na mayroong mahabang slit sa kaniyang beywang at nakasoot din siya ng gloves na itim na hanggang siko niya. Pawang kumikinang ang mga itim na iyon dahil sa nakikita niyang diamonds na nakakabit doon.

Hot night with a Mafia BossWhere stories live. Discover now