PROLOGUE

304 23 0
                                        

"XIA!"






Napalingon ako sa taong tumawag sa 'kin. Nakita ko si Akio na tumatakbo papunta sa 'kin, ngayong araw ang huli naming pagkikita ng childhood best friend ko. Paglapit niya sa 'kin yinakap niya ako ng mahigpit, yinakap ko din siya pabalik. Ang akala ko umalis na sila ng family niya, hindi pa pala.






"Babalik ako, promise," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa 'kin. May nagbabadyang luha na kanina pang gustong pumatak sa mga mata ko kaso 'di ko tinuloy baka kase hindi siya umalis at baka ako pa ang dahilan kung bakit hindi siya makakaalis. Napansin niya 'ata 'yon kaya yinakap niya uli ako at pagkatapos may isinuot siyang necklace sa 'kin, na may initial naming dalawa tsaka na siya umalis at nagpaalam.






***






Ngayong nakatungtong na 'ko ng grade 11 at malapit na naman akong maka-graduate, hanggang ngayon inaantay ko pa rin siya pati ang pangako niya sa 'kin ngunit parang imposibleng bumalik pa siya sa 'kin. Ilang years din ang nakalipas, mahigit apat na taon na akong naghihintay sa kaniya pero hindi siya dumarating.






First day ng pasok ko bilang grade 11-GAS student. May mga transferee akong makikilala uli. Ang tanging iniisip ng mga kaklase ko ay ang mga transferee, ako ito iniisip pa rin si Akio. Kailan kaya siya babalik? Aasa pa rin ba 'ko sa sa pagdating niya?






***




After 6 years bumalik na uli siya, sobrang saya ng puso ko no'ng mabalitaan kong nandito na siya uli sa Pilipinas. Nalaman ko lamang no'ng nag-post si Tita Ivanne sa facebook. Napa-isip ako na hindi niya binigo ang kaniyang promise sa akin. Hanggang sa mag-college kami, hindi na niya 'ko iniwan. May mga times na kailangan namin maghiwalay ng landas for college purposes naman 'yon kaya okay lang sa akin. May tiwala naman kami sa isa't-isa kaya panatag ang loob ko.






After few years, we decided to buy a condo in BGC, dito na kami titira. Pumayag naman ang mga parents namin sa desisyon namin. Hindi naman sila humadlang at todo support pa nga sa amin. No'ng makalipat kami sa condo agad namang nag-chat ang mga kaibigan ko para ayain kaming mamasyal kaso palagi akong 'di sumasama dahil sobrang busy sa work. May araw na natyempuhan nilang wala akong ginagawa kaya nag-aya silang mag-inoman malapit dito sa 'min.






Nauna kaming pumunta ni Akio, dapat ako lang talaga ang pupunta kaso makulit 'tong si Akio gustong sumama, 'di naman daw siya manggugulo sa amin dahil inaya niya din sila Alfred mag-inom. No'ng makita niya sila Alia, umalis na siya sa table namin para pumunta kila Clive.






"Xia, thank you for coming, babi," Alia said, and they all laughed, including Ivy. They sat down and started drinking alcohol. They even suggested dancing in the middle; they looked like they were already drunk. While we were dancing, I noticed that Lyza was always staring at Caden, but Caden immediately looked away. Is there a problem between these two? Oh, those two are fighting again.






***





May napapansin lang ako kay Akio, para bang may tinatago siya sa 'kin na 'di ko p'wedeng malaman. Hindi kaya may girlfriend na siya? Edi ayos 'di nagsasabi, okay lang kung meron 'di naman ako magagalit 'wag niya lang tinatago pero ano ba'ng karapatan ko para malaman 'yon? Eh kaibigan lang naman niya ako. Masakit sa part ko na isiping may nagugustuhan siya pero ano'ng magagawa ko? 'Di naman ako umaamin.






"Akio, may tinatago ka ba sa 'kin?" I asked, and he looked at me.






"Nothing, why would I hide something from you?" He looked serious when he said that.






"Wala lang, hunch ko lang ha-ha." I faked a laugh.






"Is there something bothering you?" Umiling lang ako sa tanong niya at nagtungo sa kwarto ko. Sinundan niya 'ko kaso isinarado ko na ang pinto.







***






"We need a break, Akio."






Tinigil niya ang pagbabasa para tignan ako ng masama, na para bang nagtataka sa sinabi ko, alam kong pagod na rin siya kaya kailangan talaga namin mag-rest muna. Alam namin pareho na mahirap kalabanin ang pamilya Gomez pero kinalaban pa rin namin para sa katarungan ng pamilya Vias.






"Don't you dare say that, Xia. I need you right now" He said at tila mahigpit ang hawak niya sa mga papel na binabasa niya kanina. Kailangan din kita pero kailangan muna nating magpahinga.






"'Wag naman ganito o, please lang Xia," humalukipkip siya at tumayo para lumapit sa 'kin, hinarap niya 'ko at may mga luhang nagbabadyang pumatak sa mata niya pero pinipigilan niya lang. Alam niya kaseng masasaktan ako kapag nakikita siyang nasasaktan.






"Kailangan natin parehas 'yon, Akio. Hindi ka ba napapagod o sumusuko?"






"Napapagod, pero hindi ako susuko kase alam kong kasama kita." He seriously said. Hindi ako makapagsalita na para bang may nakabara sa lalamunan ko.







"Gusto mo bang umalis?" He asked.






"Hindi ako aalis, dito lang ako. Ang gusto ko lang naman ay magpahinga tayo sa case na hawak natin." I said. Tumango siya at mukhang hindi kumbinsido sa sagot ko. No'ng araw na 'yon hindi niya ako kinibo kahit kausapin ko siya. Ang tanging sagot niya lamang sa 'kin ay tumango at umiling.





***






"Akio, can we talk?" I asked at tumayo siya para magpunta kami sa living room at mag-usap.






"Ayoko na, let's break up." I seriously said at hindi ko kinakaya ang sinabi ko. Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kaniya na nasasaktan ako sa gagawin ko.






"Ang sabi mo, hindi mo 'ko iiwan," sabi niya habang umiiyak. I'm sorry hui. Kailangan ko 'tong gawin para sa atin.






"I'm sorry," 'yon na lang ang alam kong sabihin para lumayo siya sa 'kin.






"Why? B-bakit kailangan mong gawin sa 'kin 'to?" Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak niya kaya tumayo ako at nag-decide na, ako na lang ang aalis.






"For the last time, I love you so much, my hui." I said at yinakap siya ng mahigpit at kumalas din agad ako para pumunta sa pinto at umalis.







"XIA! PLEASE DON'T LEAVE ME!" Sigaw niya ngunit nakalabas na 'ko at naririnig ko pa rin ang pag-iyak niya. Narinig ko ding nagwawala siya sa loob, dito na tumulo ang mga luha ko....







I'll be back, I promise. My Hui.....



________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________




(Thanks for reading <3)

Because of 8 Letters (Y.T.C. Series #1)Stories to obsess over. Discover now