Hiro bothered me so much. Hindi ko alam kung anong trip niya para sabihin iyon ngunit nababahala ako.

I didn't appreciate my last dance very well. Siguro dala na rin ng iniisip kaya medyo wala ako sa sarili but I enjoyed the whole party. I enjoyed the messages. I enjoyed entertaining my visitors, and most especially the gifts!

The afterparty was a blast. Kami kami nalang ng mga friends ko kaya mas lalo akong nag-enjoy. I couldn't bring some of my friends like Nana and Franca because they're not yet eighteen plus their parents are strict. Sa December pa si Franca, iyon ang natatandaan ko.

"Nasa isang sikat ka na site. Na featured ang birthday mo," ani Chey kinabukasan habang hang over ako kinabukasan.

The Bacardi knocked me out last night. Hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi ngunit hindi na iyon mahalaga. I need to cure this hang over!

"I didn't know some of your guests are models and actresses?" patuloy ni Chey habang hinihimas ko ang aking ulo.

"Instead of talking, can you please get me some meds?"

Doon lamang siya natigil at nagtawag na ng kasambahay. Noong bumalik ulit sa aking harapan ay balik ulit siya sa kanyang concern.

"May media pala sa birthday mo?" she asked and showed some taken pictures.

Nasa isang twitter account siya. Hindi naman trending ngunit may mga nagpost ng birthday party ko galing sa mga kilalang modelo at kilalang artistang kaedaran ko.

"Grabe. Alam ko naman na sociable ka pero hindi ko alam na ganito ka ka wellknown..." she said like I am not normal like her.

Well I am not normal. I am a Fortalejo. It's a bigdeal and I am an elite that's why I am like this. Chey thinks we're normal that's why she's living a normal life. Meanwhile, Naia thinks we're a bigdeal that's why she's very private because she doesn't like the idea of exposing herself on the public.

Pagkatapos ng aking eighteenth birthday ay para na lamang kidlat na dumating ang ang summer. Excited ako lalo na't college na sa susunod na pasukan.

We spent the first month of April on the beach. Nagbilad ako sa araw para magpa tan-skin. I need a new look. I'm so sick of being paper white.

"Huy! Balak mo bang maging barbeque ngayong summer?" tampal ni Chey sa aking pwetan habang nakakulob pa rin ako sa lounger.

My eyes squinted when I tried to looked at her. Bihis na bihis na siya suot ang mahabang puting dress. Nilingon ko sa gilid si Naia at balot na balot na rin habang nakahiga pa rin sa lounger habang nagiging detalyado na sa kanyang pisngi ang kanyang freckles.

"Magbihis kana kaya, Cass..." si Chey na inukupa ang isang lounger at tiningnan ang katawan ko.

I'm still wearing my two piece bikini.

"I want a new look for this summer before college," sabi ko.

"And why?" humalukipkip siya.

"Coz morena girls are pretty? And I want to look prettier?"

Nanliit ang mga mata niya sa akin.

"Dahil na naman ba 'yan sa crush mo? Gusto ng morena girls kaya mo binabago ang sarili mo? That's not how love works, Cassey," pangaral ng isa ring tanga sa pag-ibig.

"Toshi's last ex is liberated. You're Westernized, Chey. Kung bigla kang naging liberated pwede ko na ring sabihin na dahil 'yon kay Toshi, gano'n ba ang logic mo?"

"Bakit ko naman babaguhin ang sarili ko para sa lalake?" angat ng kanyang kilay.

My eyes drifted to her pulse. Kuminang ang suot niyang bracelet na Cartier.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon