Ika-25

21 0 0
                                    

Napatayo si Luis upang ibigay ang papel sa babaeng kanyang kaharap ngayon. Nakita ni Luis na purong tinta ang panulat na ginamit sa pagsulat. At nagawi ang kanyang tingin sa huling bahagi ng papel. Naroon ang pangalan at lagda ni Naveen. Senyales na ito ang orihinal na manuscripto.

Mabilis na kinuha ni Grasiya sa kamay ni Luis ang papel at kaagad na naglakad palabas ng pagawaan. Pinagmasdan niya ang paglayo ng babaeng ngayon lamang niya nakita.

"Iho, nakalabas na ang amo ko sa silid ni Mang Celso maaari ka na pumasok." Wika ng Guwardya na pumasok at sinundo siya.

"Maraming Salamat po." Ani ni Luis at lumakad na patungo sa silid ng kanyang Ama. Pagpasok niya ay sumalubong sa kanya ang mukha nito na balisa.

"Tay" Ani niya at iniangat nito ang tingin sa kanya. May bahid ng pangamba sa mga tingin nito. "Anong sadya mo dito Luis?" At saka tumayo ito at nagsindi ng sigarilyo. Lumakad papalapit sa isang bakanteng silya si Luis at doon ay naupo.

"Dinaanan na kita dito Tay dahil ayon sa balita ay nagbabadya ang pag-ulan. Tila may paparating na bagyo." Hindi umimik kaagad si Mang Celso at tinanaw sa labas ng bintana ang kalangitan.

"Delubyo ang nalalapit na mangyari Luis at hindi lamang basta bagyo." Seryosong napatingin si Luis kay Mang Celso dahil tila nagpapahiwatig ang kanyang ama sa mga sinasabi nito.

"Anong ibig mo sabihin tay?" usisa ni Luis. Humarap si Mang Celso sa kanya at bakas sa mga mata nito ang pangamba.

Nanumbalik ang isip ni Luis ng marinig ang mabilis na pagdating ng isang sasakyan. Hawak parin ni Miguel ang damit niya at ang namumuhing tinginan nila sa isa't-isa. Kumakaripas na bumaba ng sasakyan si Naveen at nakitang puno ng armadong tauhan ng Pamilya Cruz ang Casa Sorbetes.

"Jaime! dumaan kayo sa likod na bahagi ng Casa." Bulong ni Naveen sa radyo bago isa-isa nilang hinampas ng baril sa ulo ang mga bantay sa labas.

Nabigla si Jaime nang masilip sa pinto ng silid ni Naveen ang nangyayari sa gitnang bahagi ng Casa Sorbetes. Naroon at nakita niyang hawak si Tiana ng dalawang armadong lalaki habang si Luis at Miguel ay patuloy sa pag-aaway. Ngunit ang labis na nagpalambot sa kanyang tuhod ay ang makitang duguan at wala nang malay na si Grasiya.

"Na...veen! Roger! Ilayo mo si Basilyo dito!" Sigaw ni Jaime habang pinipigil ang paggaralgal ng kanyang boses. Hindi kaagad nakasagot si Naveen. "Anong nangyayari sa loob Jaime!?" Paglilinaw ni Naveen.

"Si Grasiya..."
"Anong nangyari sa kapatid ko!" Nagulat si Naveen nang agawin ni Basilyo ang radyo sa kanyang kamay. Hindi niya inaasahang mabilis na makakasunod ito sa kanila mula sa Mansion ng Pamilya Cruz.
"Basilyo!?" Ani ni Jaime.
"Anong nangyari sa kapatid ko!" Sigaw na ulit ni Basilyo.
Hindi kaagad nakapagsalita si Jaime bagkus ay marahan na dumaloy ang luha sa mga mata nito habang pinagmamasdan si Grasiya.
"Wala na siya... Wala na siya Basilyo!" Garalgal na tugon ni Jaime. Napayuko si Naveen sa kanyang narinig. Hindi rin maipinta ang lungkot sa mga mata ng iba pa nilang kasama na naroon.

Mabilis na sinugod ni Basilyo ang malakas na ulan at binuksan ang pinto ng Casa Sorbetes. Nabigla ang lahat ng nasa loob at nakatuon ang kanilang tingin sa lalaking patuloy ang pagdaloy ng luha habang naglalakad papalapit sa babaeng nakahiga at wala nang buhay.

Agad na tinutukan ng baril ng mga armadong lalaki si Basilyo. Wala ito sa sariling niyakap ang kapatid.

"Grasiya...Grasiya!!!" Nagsusumamong isinigaw ni Basilyo ang pangalan ng kapatid. Ang babaeng lubos na nagpatibay sa kanilang samahan. Ang bunso ng Casa Sorbetes.

"Jaime, Ihanda ninyo ang inyong sarili." Bulong ni Naveen sa radyo. Sumenyas siya sa mga kasama na dumaan sa magkabilang gilid ng Casa Sorbetes. May tatlong bantay na nasa bandang pinto nito habang apat sa kanan at kaliwang bahagi.

Naglakad papasok ng kaliwang bahagi ng Casa Sorbetes sina Lucio, Pilo, Carlo, at Willy. Habang naglakad naman patungo sa kanang bahagi ang gropo nina Marcelo, Gaspar, Vincent, at Kiko. Nasa unahan nina Marcelo si Naveen at habang binabaybay nila ang masikip na daan patungo sa kusina ng Casa Sorbetes ay dinig nila ang labis na pag dadalamhati ni Basilyo.

"Grasiya!!!" Patuloy ito sa pagbigkas sa pangalan ng kapatid. Natahimik at nagtataka na pinagmasdan ni Miguel ang lalaking walang hinto sa pag sigaw sa pangalan ng babaeng kaniyang binaril. Iwinasiwas ni Luis ang kamay ni Miguel upang maalis 'yon sa kanyang damit sa dibdib.

Mabilis na nilapitan nito si Basilyo. Iniangat ni Basilyo ang kanyang tingin at pinagmasdan si Luis na lumapit. Galit na nasuntok ni Basilyo si Luis. Napapiglas naman si Tiana dahil sa ginawang pananakit ni Basilyo kay Luis.

"Wala kang kwenta!!! Hindi sana ikaw ang minahal niya!!!" Sigaw ni Basilyo.

"Nais ko na ipaalam sayo na pumapayag ako't masaya kong malaman na may pagtingin ka rin sa akin." Naalala ni Tiana ang liham na nakasuksok sa uniporme ng kanyang kapatid ilang buwan na ang nakakaraan.

Napansin ni Tiana na napakuyom ang kamao ni Luis dahil sa sinabi ni Basilyo. "Tama na yan! Masyado nang nagiging madrama! Dalhin niyo na siya." Utos ni Miguel at saka pilit na kinaladkad ng mga tauhan nito si Tiana palabas. Tumayo si Basilyo at kinuha ang baril sa kanyang likuran at itinutok 'yon sa nakatalikod na si Miguel.

Nanlaki ang mga mata ni Luis sa nasaksihan. Maaaring matamaan si Tiana na nasa likuran nito bago pa man umabot ang bala kay Miguel. Subalit bago pa man mapigilan ni Luis ay nagawa na nitong paputukin ang baril. Mabilis na natamaan ng bala sa balikat si Miguel na nagawang hilahin si Tiana at iharang ang kanyang sarili.

Gulat na napalingon si Tiana. Hindi naalis ang tingin ni Miguel sa kanya habang pilit iniinda ang sakit at pagdurugo ng sugat mula sa tama ng bala. Kaagad inihanda ng mga armadong lalaki ang kanilang baril at itinutok 'yon kay Basilyo at Luis.

Malakas na tunog ng bumukas na pinto ang nagpatigil sa mga armadong lalaki mula sa silid ay lumabas ang gropo ni Jaime. Itinutok rin ng mga ito ang baril sa mga armadong lalaki.

"Bitawan niyo sila!" Sigaw ni Jaime. Tatlo sa mga armadong lalaki ang nakatutok ang baril kay Basilyo at Luis samantala ang apat sa magkabilang gilid ay nakatutok sa gropo ni Jaime.

Agad na kumilos si Basilyo upang agawin ang baril sa isa sa armadong lalaki. Pinaputokan ng armadong lalaki ang paa ni Basilyo ngunit agad na nakaiwas ito at gumanti ng putok. Agad humandusay ang armadong lalaki. Tumakbo naman palabas si Miguel habang hila si Tiana.

"Saan ka pupunta!?Miguel!" Napahinto si Miguel nang marinig ang pamilyar na boses sa kanyang likuran. Humarap ito at napakurap ng makita ng malapitan ang inakala niyang patay na.

"Patay ka na!" Sigaw nito.
"Buhay na buhay ako! At hindi ako papayag na ilayo mo sa akin si Tiana." Mariing saad ni Naveen at itinutok ang baril kay Miguel.

Walang ibang tauhan ang nasa tabi ni Miguel dahil ang mga ito ay nasa loob ng Casa Sorbetes na nakikipag palitan ng putok ng baril. Tanging sila lamang tatlo ang patuloy na binabagsakan ng malakas na ulan.

"Kung hindi siya mapapasaakin ay hindi rin siya mapapasaiyo." Galit na hinila at niyakap ni Miguel patalikod sa kanya si Tiana habang itinututok ang baril sa ulo nito.


---------
#InTheMiddleOfRevolution

In The Middle of Revolution (COMPLETED)Where stories live. Discover now