Nagliliparan paikot kay Lucifer ang mga demonyo bago pabulusok na susugod sa mga anghel na naghihintay lang sa mga iyon na sumugod

Gumawa siya ng buwan na gawa sa apoy at hangin na puro apoy kaya halos ang lahat ng mga halaman at may buhay sa kapaligiram ay nangamatay, pati ang ilang ibon ay namamatay sa tindi ng init na nililikha ni Lucifer

Ang lupa ay tuyot na tuyot at nagkabitak bitak dahil sa napakatindi ng init na dadaigin pa ang El Niño ng mga sandaling iyon

"Katapusan naba natin?," tanong ni Kate na napayakap sa asawa nito

"Hindi,"tugon naman nito,"Nandiyan pa ang mga angjel at ang Diyos kaya magtiwala lang tayo,"

"Tama siya, Kaye,"pagsang ayon ni Anthony,"Magtiwala lang tayo at hindi tayo matatalo,"

Napalingon si Gwen sa mga kasama nila, halos ang iba ay mag kanya kanyang partner

"Magigunaw na ang mundo pero ako single pa din,"pagpaparinig nito sa kanila,"Sana all may yumayakap at nagko comfort diba?,"

"Inggit ka lang,"pasaring ni Akira na nasa tabi na nito si Rohan at inaalalayan siya hanggang sa makapanganak siya,"Pihikan ka kasi eh,"

"Oh eh di kayo na ang may forever,"ani nito sabay tawa kaya nagkatawanan nalang silang lahat,"Sana pagkatapos nito may lovelife na din ako,"

"Ayan si Gudo oh,"ani ni Yuri,"Single yan, kaso mapangji at maantot lang,"sabay tawa

"Grabe ka, Yuri sa akin,"nagtatampong saad ni Gudo,"Kahit kalahating kambing ako hindi ako mapanghi at mabaho,"

"Sige, Gudo ipagmalaki mo,"dagdag pa ni Yuri,"Ayan, Gwen, may manliligaw kana,"

"Sige, Gudo,"ani ni Gwen,"Hihintayin kita pagkatapos ng labanan ha?!,"

"Ayon oh, may lovelife na silang dalawa,"pang aasar ni Yuri sa dalawa habang nagtatawanan silang lahat, hindi na nila alintana ang mga nagaganap sa kapaligiran nila

Kahit na walang kasiguraduhan angbkaligtasan nila ay nagagawa pa nilang magbiruan, harutan at magtawanan, iyon nalang kasi ang nagpapalakas sa kanila para lumaban

"Magpalakas kayo para sa labana natin, marami pang kalaban sa labas,"ani ni Yuri

"Nakahanda na kami,"ani naman ni Khael na nasa kanyang tabi, nilalagyan ng benda ang kanyang braso

Bumalik na siya sa dati niyang kaanyuan bilang si Yuri at hindi na ang tatlong kaanyuan niya bilang demonyo

"Huwag ka ng lumaban,"ani ni Khael,"Kaya na namin sila,"

"Hindi,"tanggi niya

"Mag lola nga kayo,"singit ni Rohan,"Pareho kayong matigas nag ulo at pasaway,"

"Oo nga,"pagsang ayon ni Khael

"Ganoon?!,"masungit na kuro nina Akira at Yuri na umani ng kantiyaw sa mga kaibigan nila

Napapailing nalang sina Amang Gannu at Haring Karry sa pagbibiruan ng magkakaibigan, alam nila dinadaan lang ng mga iyon sa ganoong sitwasyon para maiiwas ang kanilang isip na baka hindi na nila iyon kakayanin

"Maglalaban na sila,"ani ni Tatang na pumutol sa kanilang pag uusap, kaya napatingin silang lahat s adalawang anghel na nasa di kalayuan

"Sana manalo si Arkanghel Mikael laban kay Lucifer,"dalangin nilang lahat

"Magtiwala lang kayo,"ani ni Haring Karry sa kanilang lahat

Napatango nalang sila habang nagdarsal na sana ay matalo nito si Lucifer para ang mga aswang ay bampira nalang ang kanilang kakalabanin
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala

"ITO NA ANG KATAPUSAN NG LAHAT, MIKAEL!!," saad ni Lucifer sa kaharap na Anghel,"KAYA SUMUKO NA KAYO BAGO PA KAYO MAUBOS!,"

"Kahit kailan ay hindi kami susuko,"ani ni Mikael,"Lalaban kami at ibabalik ka namin sa impyerno kung saan ka nababagay,"

"UMPISAHAN NA NATIN ITO,"yaya ni Lucifer kay Mikael na kaagad naman inolabas ang mahaba nitong sandata na kukay ginto bago ibinuka ang pakpk papasugod kay Lucifer na nakangisi ng mga sandaling iyon papasugod sa anghel

Naglaban ang dalawang anghel habang ang iba naman ay abala din sa kani kanilang mga kaharap na demonyo

Nagkikislpan ang sandata ng dalawang anghel habang naglalaban ang mga iyon sa himpapawid, lumilikha ngvapoy at kidlat ang bawat pagtama ng kanilang sandata sa sandata ng bawat isa

Hindi magpapatalo si Lucifer dahil ayaw na nitong bumalik pa sa impyerno kaya gagawin nito ang lahat para lang matalo ang anghel na nagtapon sa kanya sa impyerno

Hindi naman magpapatalo ang anghel dahil obligasyon niya si Lucifer at ang mga umaasang tao at elemento na nakipaglaban din sa mga iyon

Buong lakas niyang nilalaban si Lucifer, bawat bitaw niya ng kanyang sandata ay sinisigurado niyang mapipinsala nito ang kakayahan at katawan ni Lucifer
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy

Kapit kapit na po tayo sa nalalabing katapusan

Maybe two or three chapters to go ay wakas na po

Please leave a Comment, reaction and dont forget to Vote po

Thank you

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora