Chapter 23

506 44 4
                                    


°°°°°°°°°°

Isang Hapon iyon

Nang yayain ng kanyamg mga kaibigan si Lino para mangisda at pumalaot sa dagat

Iyon ang mga oras na hindi pa lumalabas ang mga sirena para mambiktima

Pumuwesto sila sa pinakagitnang bahagi ng karagatan at doon ay inihinto nila ang malaking bangkang kanilang gamit

Inihanda nila ang mga kagamitan sa panghuli ng mga isda,

At ilang sandali pa ay mukhang pinalad yata ang grupo nila, dahil sa loob lang ng kalahating oras na pagtambay nila doon ay marami rami na ang kanilang nakuhang isda

Mas marami ang nahuli nilang isda kumpara noong mga nagdaang araw

Sa kalagitnaan ng kanilang trabaho ay biglang lumubog ang bangka, na tila ay may kung anong pwersa ang humila dito mula sa ilalim

Dahil dito ay nataranta ang grupo at nagsi sigaw ang mga iyon para humingi ng tulong, pero wala na silang nagawa pa para tumakas kung pati sila ay lamunin na ng dagat

Sa ilalim, nakita ni Lino kung paano lapain ng mga sirena ang kanyang mga kasama, halos bumaliktad ang sikmura niya ng makita kung paano butasin ng isang sirena ang katawan ng isa sa mga kasama niya

Na pinag aagawan pa ng mga ito ang katawan at lamang loob

Sinubukang lumangoy ni Lino, papalayo para iligtas ang kanyang sarili, subalit naramdaman niyang may biglang humablot sa mga paa niya na papunta sa pinakamalalim na bahagi ng tubig

Doon ay nagsipaglapitan ang mga sirena na may mababangis na kaanyuan, nagbabaga sa galit ang kanilang mga mata at tila naglalaway na sa kanya

Ang mga sumunod na pangyayari ay kagimbal gimbal para sa kanya, pinagtulungan ng tatlong sirena ang paghila sa mga bahagi ng katawan ni Lino hanggang sa ito ay mahati na

Lumutang ang mga lamang loob niya na agad ding pinag agawan ng tatlong halimaw

Ilang sandali pa, ang bahaging iyon ng dagat ay naging kulay pula

Mga likidong pula na kumawala mula sa mga katawan ng grupo ni Lino matapos silang gawing tanghalian ng mga halimaw na sirena

Agad namang nakarating sa kaalaman nina Dan ang balita, tungkol sa bagong biktima ng mga sirena, na nakita nila mula sa gitna ng karagatan, ang putol putol na mga katawang lumulutang

Nang maiahon iyon mula sa kalupaan, ay sunod sunod na paghagulgol ng mga kaanak ng makita ang mga bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay

Na kabilang sa apat na grupong lumaot, na nakitang hiwa hiwalay ang mga parte ng katawan ay ang pinaka malalala dito ay si Lino, dahil kalahating katawan nalang nito ang tanging natagpuan

Dahil ang kalahating katawan naman nito ay nawawala at kung hindi pa nakita ang marka nito na nasa kanyang braso

Na hindi malalaman na siya iyon, pagkat ang kanyang ulo ay wala na din sa pinagkakabitan nito

Si Dan naman ng mga sandaling iyon, ay gusto ng maiyak ng makita ang kalunos lunos na sinapit ng kaibigan

Halos maisuka niya ang kanyang mga kinain at halos hindi din niya ito kayang lapitan

Hindi nakatulog ng gabing iyon si Dan, dahil sa labis na itong nakokonsensiya, dahil ngayon pati ang kanyang matalik na kaibigan ay nawala na din dahil sa kanyang kagagawan

Hindi na niya hihintayin na pati ang sariling pamilya niya ay kunin na din sa kanya ng mga halimaw na iyon
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon