"Kaleb! Help me, dalhin na natin si Ma'am sa Hospital!" Sigaw ni Yel.

Binuhat ako ng lalaki at agad isinakay sa sasakyan, "Aaaahhhh!! S-si Gin.. tawagan niyo si Gin. Aahh!!!" Inda ko habang umiiyak sa sakit.

"Malapit na tayo, ma'am Aicey, kapit lang! Tinatawagan na po namin ang Asawa niyo." Natatarantang sambit ni Yel.

"Aaahh!!" Umiiyak na daing ko. "Ang sakit... Ang sakit sakit!" Dagdag ko pa.

Ilang sandali pa'y nasa Hospital na kami, sinugod agad ako sa emergency room. "Aaahh!! Doc... Mangaganak na ba 'ko?" Tanong ko sa pagitan ng pag iyak.

"Keep calm, Mrs. Venzuela. Inhale... Exhale." Pagpapakalma sakin ng Doctor. Agad naman ako nitong chineck at tila nag panic rin pagkatapos.

"Nurse!" Sigaw nito. Agad namang lumapit ang Isa sa medical staffs. "The cervix is already 100% effaced and it's 10 cm dilated, ready the operating room and the patient." Utos ng doctor.

Nasan si Gin? Nasan na ba ang lalaki yon!?

"Aaahh..." Inda ko, binihisan lang ako ng nurse saka umupo sa wheel chair. Tinulak ako nito upang ilipat sa ibang kuwarto. Nakita ko si Sin na nakaupo sa gilid ng hospital at tila nagulat pa ng makita ako.

"Ate! Kamusta? Kamusta ka? Mangaganak kana ba? Kasama ko sila Tats, nasan ang Asawa mo?" Sunod sunod na tanong nito habang sinasabayan ang mabilis na paglakad ng nurse habang tinutulak ako.

"T-tawagan mo si Gin... Aaahh!!! Sabihin mo kapag wala siya sa tabi ko habang nagllabor, hinding hindi ko ipapakita sakanya ang anak niya! Aaahh!!" Inis nang sambit ko.

Pagpasok sa Operating room ay agad ako ihiniga sa kama. Tinurukan na ako ng anesthesia upang hindi maramdaman ang kahit anong sakit.

Ilang saglit pa ay nandito na ang mga doctor at inihanda na ko para mag labor.

Gail's

"Paki sabi nalang kay Kuya Gin, salamat." Yun lang at ibinaba na ni Sin ang telepono.

Tangina naman, bakit sabay sabay. Fuck. Tumingin ako kay Gin na Hanggang ngayo'y wala pa ring malay. Comatose si gago pagtapos ng ginawa naming Plano.

"Tangina mo naman, Gin. Nanganganak na yung asawa mo! Gumising kana kaya dyan? Hina mo talaga!" Natatarantang sambit ko.

Lumabas ako ng kwarto upang icheck sina Jay, magkakasama ang mga mokong sa kwarto. Nakita kong nakatayo si Jay at Grey sa harap ng kama nina Light at Kael habang si Luke ay tulog pa.

"M-multo? Multo ba to?" Sambit ni Jay. Lumingon naman saakin si Grey na may pagtatakang Mukha.

"Buhay sila Kael?" Tanong nito sakin. "E sino yung namatay na pinagluksaan namin? Gago?" Dagdag pa nito.

"Pinalabas lang ni Gin na namatay sina Kael at Light para mag muka talaga akong masama sa mga mata ni Adolfo. Sa ganon mas mapapabilis ang Plano dahil iisipin ni Adolfo na mahina ang Kampo ni Gin dahil wala ako at ang dalawa." Paliwanag ko.

"Ibig sabihin, Hindi ka talaga nag traydor?" Tanong ni Jay.

"Hindi, gago ka ba? Nandito ba ko sa harap mo ngayon kung traydor ako?" Pamimilosopo ko.

Humarap naman si Jay kay Grey upang tanungin ito, "E Ikaw na gago ka?"

"Hindi ako traydor, tanga. Dalawang taon rin naming Pinlano ni Gin ang tungkol kay Adolfo matapos niyang mabalik yung mga alaala niya sa nakaraan. Hindi ko lang talaga alam yung tungkol kay Gail at kina Kael. Masyadong mabilis at wala sa Plano." Paliwanag nito.

"E sya nga pala, si Aicey? Kamusta?" Tanong ni Jay. Agad ko namang naalala na nanganganak na nga pala yon. Natataranta na naman ako.

"Ay shet, oo nga pala! Si Aicey nanganganak na!" Napasigaw pa ko.

"Gago, bat ngayon mo lang sinabi?!" Napasigaw rin si Grey.

"H-huh?? Si Aicey mangaganak na?" Napabalikwas na tanong ni Kael.

"Ganito, uhh... Hatiin natin sinong maiiwan Dito para mag bantay kay Gin?" Tanong ko. Walang nag boluntaryo.

"Ina niyo, wala ba kayong pakielam kay Gin?" Sarkastikong tanong ko. Lahat sila ay sinabing wala.

"Bale si Grey, Jay at Kael. Gamitin niyo yung Chopper tapos ittext ko sainyo yung location Nina Aicey. Kami nalang nila Luke dito kay Gin." Utos ko.

Agad namang nag bihis sina Grey para pumuntang Pampanga.

Napansin kong nagpapanic yung mga nurse sa kwarto ni Gin kaya naman tumakbo ako agad papunta. Fuck.

"Vital signs?" Tanong ng nurse. "All stable." Sagot nung Isa. Gising na si Gin.


Arranged Married With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon