FINDING COMFORT IN HIM

1 1 1
                                    


7:28am ko isinulat ito sa cellphone ko, dahil nagising ako sa isang panaginip, napanaginipan ko siya at ang mga kapatid ko, hindi ko alam kung ano ang meaning nito, pero ang kwentong panaginip ko ay:
namasyal kami ng x ko, di ko alam kung saang lugar iyon, kasi sobrang ganda at kakaiba, parang Ek (Enchanted Kingdom) siya na katabi lang mismo ng dagat, at may mga tao at sa kabilang ibayo, matatanaw mo yung pinakamalaking rides na nakaduktong sa lugar na kung saan nakatungtong ang dalawang paa ko. Nagulat ako nang makita ko yung dalawang kapatid ko, yung pangalawang at pangatlo kong kapatid, naalala ko, sobrang saya ng puso ko nuon, magaan pakiramdam ko, sobrang komportable ako sa kaniya, naalala ko nagiisip kami pumunta dun sa malaking rides sa sa natatanaw namin mula sa aming kinatatayuan hanggang sa kabilang ibayo. Ang saya namin kasi excited, kaso, naalala ko, kulang nga pala pera ko, dahil 600 lang pera ko nun, sabi ng panaginip ko, 600 lang pala ang binigay sa akin ni papa at mama. Dahil dun, bilang isang bf, at alam kong kilala ko ang ugali ng x ko, siya ay maparaan, madiskarte at higit sa lahat hindi maarte. kaya nagdecide siyang dumiskarte para makapunta kami duon, hindi ko alam kung bakit siya pa yung gumawa ng diskrte para lang duon. Pero, going back sa nakita ko yung dalawa kong kapatid, parang naaawa ako sa mukha nila, dahil parang silang nalugi, gusto rin nila mamasyal at magenjoy pero dahil nga kulang rin ang pera nila at naka bike lang sila. kaya nagdecide nalang kaming kumain ng masarap, like mang inasal etc.. Kaya nag decide kaming mag bike.
Nung nag bike na kami paalis, 5 kami, naalala ko, yung x ko hindi umangkas sa akin, duon siya sa isang kasama ng mga kapatid ko, hahah, tas tagiisa na kaming bike, bali 4 na bike, tapos nuong papunta na kami, bigla akong nawala sa kalagitnaan nang pagbabike namin, hindi ko na sila nakita, kaya lumiko liko ako sa mga kanto at nagbakasakali na nandun sila, pero hindi ko na sila nasundan, at kinakabahan na ako at nagaalala sa kanila, talagang parang malalaglag na ang puso ko, pero naisipan ko bumalik, sabi ko, baka nandun lang sila sa mga nadaanan namin at inaantay ako. At sa aking pag balik, may nakita ako mga boys at girls na nakaupo sa kanto, mga nagcecellphone at naglalaro, nagtanong ako kung nakita ba nila ang mga kapatid ko, at sabay biglang tinuro nila, dun ko nalaman na nanduduon lang pala sila nakaupo, di ko alam kung bakit di nila ako nakita dumaan duon, or di' man lang napansin, kaya nagalit ako nang konti at naasar sa kanila, dahil nalungkot na ang puso ko nung hinahanap ko sila, duon lang pala sila matatagpuan, nakaupo at parang nag cecellphone sila at naglalaro. kasama ang x ko. Magkakatabi pa sila. Kaya sa galit at asar ko, napigilan ko ito at talagang masaya dahil nakita ko sila, ramdam ko ang pigil ko dahil mahal ko sila, kaya pagkatapos ay bigla na akong nagising. at sa pag gising ko, nalungkot ako, at parang bang napaisip kung bakit ko siya naiisip, at napanaginipan, cluecless ako pero naisip ko na siguro hindi pa nga ako naka move on, or hindi ko lang inaalala yung mga mabibigat na problema ko nuon at mga dinadala ko noon. Nakalimutan ko na sobrang minahal ko nga pala yung taong yun, at sobrang laki ng nagawa kong pagkakamali at kasalanan sa kaniya, kaya bigla nalang akong napadasal agad, sincerely kinausap ko ang Panginoon, Ipinagdasal ko ang buhay niya, na sana masaya at nasa mabuting sitwasyon na siya ngayon at nasa mabuting tao. na sana okay lang siya at masaya siya nuon, habang nagdadasal ako, kumokontra yung emosyon ko na maging malungkot ako at umiyak, pero muntik na ako madala pero napigilan ko. Sabi ko sa sarili ko na, mag focus lang ako sa panginoon at mag pray. kaya pagkatapos nuon. Na parealize ako kung gaano at kalayo na yung narating ko ngayon, hindi man sa kayamanan pero sa kung paano ako at kami niligtas ng Panginoon, kundi dahil kaniya, hindi ako mag grogrow. Bigla ako napaisip, at sinabi na, sana mature nalang ako nung time na yun Lord, sana ganito ako ka mature, para hindi ko siya nasaktan nuon at napahirapan. Sana pala Lord, nasa mga kamay mo ako nuon habang nasa relasyon ako, naisip ko rin sa sarili ko na, talaga palang nag grogrow na ako, parang gusto ko ulitin ang lahat ng pangyayari nuon at itama ang lahat ng pagkakamali ko. di' niyo man alam yung buong kwento ng relasyon namin. Kung sasabihin ko, mahabang kwento at storya. going back pagkatapos ko mag pray. I open my bible, and suddenly, binasa ko ulit yung Quiet time ko kagabi, the book of genesis, Genesis Chapter 1, dito nakasulat kung paano nag simula at nabuo ang ating mundo at kung paano ni Lord ginawa ang mundong ito sa kaniyang mga kamay at sariling kapangyarihan. napareflect ako, at may isang word na tumatak sa isip ko, at ito iyon, "God is bigger than everything", "God is bigger than our problems". Bigla pumasok ito sa isipan ko at talagang nag comfort sa akin habang binabasa ko ito. at ang kwento kung bakit ko kaagad binuksan ang bible sa phone ko, usually gabi gabi ako nagbabasa ng bibile at nagkataon na nagising ako ng maaga at binuksan kaagad bible ko dahil sa curiosity ko, tinanong ko ang panginoon kung bakit siya pa naisip ko, at bakit siya napanaginipan ko. Kaya ayun, parang sinasabi sa akin ng panginoon na magfocus ka sa mga magagandang bagay na ginawa ko sa iyo, sobrang sakto kasi talagang naappreciate ko yung mga ginawa ni Lord, biruin mo ang laki laki nitong mundo, at paano niya naisip gawin lahat ng bagay na ito, kung gaano ka creative ang panginoon, at binigyan niya tayong buhay para pangalagaan ito at ang mga kasama natin dito sa mundo na nilikha na kaanyo ni Lord. sobrang solid, kasi parang biglang nawala lungkot ko nuong nag focus ako sa Lord, napatingin ako sa good sides at mga nagawa niya sa buhay ko. naniniwala ako sa kasabihan "everything happens for a reason" talagang may dahilan lahat ng mga nangyayari sa buhay natin. Maaring, nagbreak kami, dahil may magandang plano sa atin ang panginoon at nasa mabuting kalagayan tayo kapag si Lord ang lalapitan mo at pagtitiwalaan.
grabe lang, kasi may mga taong nag papakamatay dahil sa pag ibig, sinasaktan yung sarili, inaisolate sarili. tandaan niyo, ang tunay na pagibig ay nasa panginoon lang makikita at mararamdaman. Magkaroon ka muna ng relationship kay God bago ka makipag relationship sa iba. totoong tutulungan ka ni Lord mag grow. Kaya nga sabi ni Lord, be patient.

Ephesians 4:2-3 NIV:
Be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love. Make every effort to keep the unity of the spirit through the bond of peace.

God didn't say rush your relationship, he says be patient, kasi you'll ever know kung talaga bang mahal ka ng tao, malalaman mo lang na tunay siya kung mahal niya rin ang panginoon at kaya ka niyang ipagdasal. Seek first the kingdom of God broo at sis! God knows what's best for you. Just trust him and continue to obey him for you to grow and mould you into Chirst-Like. Be the best version of yourself muna, for sure, mas makikita mo worth mo. learn to set your standard. siguraduhin mo kung may God yan sa buhay niya at totoo siya sa Lord. dahil kung ganun. Safe yannn, basta galing kay Lord.
Amen!.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FIND YOUR COMFORT IN HIMWhere stories live. Discover now