“But what can you do Chantal? He’s a jerk, and you can’t do anything about it,” Seri said.

“You have high standard when it comes to men Chantal. Think about it, ni hindi nga nakapasok kahit sa kalahati ng standard mo ang kuya ko.” I eyed Chloe, hindi ko alam kung pinapalapad ba ng babaeng ‘to ang atay ko dahil kapatid niya ang nanakit sa ‘kin o seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya.

“You don’t understand it Chloe, once you fall for someone, you fall! Automatically, your standard will vanish and that someone whom you’re falling for will be your standard.”

“Gano’n?” nakangusong aniya.

“So, you really fell in love for him, ha?” Tinaasan ako ng kilay ni Seri.

“Of course not! I’m just hurting this way kasi hindi ko siya maintindihan. He dumped me so easily kaya nagkakaganito ako.”

“Bakit ka nasasaktan kung hindi ka pa naman pala in love sa kanya?” tanong niya. Natigilan ako sa tanong na iyon.

Kailangan ba talagang in love ka sa taong ‘yon para masaktan?

“I’m not in love at him! Hindi ko lang talaga siya maintindihan. I’m hurting because. . . he did that so easily, I invisted my time on him pero napakadali lang niya na bitiwan ako for a lame excuse. Tinapakan niya ang pride ko kaya ako nagkakaganito. . . kaya ako nasasaktan.” Kasali na rin sa rason ang expectations kong hindi niya na-meet.

Siguro nandoon na rin ang panghihinayang para sa relasyon naming dalawa, kasi nandoon na ‘ko sa point na gusto kong subukan. Gusto kong sumugal ulit pero lang’ya! Hindi pa ‘ko tapos pumusta tapos na ang laban.

I expected too much from him but it faltered.

I have a lot of other reasons to feel this way. And I’m sure it’s not because I love him in that way. I define love as a sacred and mysterious thing. Love is deep for me, something unexplainable.

One thing I’m sure is, this is not love.

“Whatever it is. . . he’s a jerk for dumping you. Stop whining about him, it’s not your lost it’s his.” Ito na yata ang pinaka-comforting word na narinig ko from Seri ngayon.

“True— oh, sila Yijin ‘yon, ah!” Agad kaming napatingin sa itinuturo ni Chloe. My chest hammered when I saw Cruzel with them. He is Chloe’s brother, the guy I hate the most in this world as of this moment.

“Speaking of this jerk.” Seri smirked at me. Umayos ako ng upo when they saw us. Hindi na ‘ko bumaling pa sa kanila lalo na noong nakita kong papunta sila sa table namin.

“Uy, may gala rin pala kayo?” si Rio ang unang nag-approach sa ‘min. He’s tall for his age, seryoso ang mukha pero sobrang approachable na tao. Mapungay ang kanyang mga mata, it’s almost the same with the young Leonardo De Carpio’s eyes. Pareho sila ng mata ng pinsan niyang si Yijin, it’s just that Yijin’s eyes is more expressive than his cousin. Kung si Rio ay moreno, mistiso naman si Yijin. Rio is taller than Yijin. Halos the same lang ang kanilang features, mas expressive nga lang ang kay Yijin. One thing they are common of, pareho silang gwapo.

“Oo, kayo? Anong ganap sa inyo?” Seri asked them. Nakipag-fist bump sa ‘min sina Rio at Yijin, like our usual greetings.
Tango lang naman ang naging approach sa ‘min ni Klint. Si Cruzel ay hindi ko na pinansin.

Klint is also tall like them, seryoso rin ang mukha niya pero kung makapang-asar ay wagas. People always say na super intimidating niyang tao since lumaki siya sa mayamang pamilya. Ako rin noong una, nai-intimidate ako sa kanya, pero hindi naman pala dapat. He’s a cool person. Down to earth, pilyo nga lang.

And of course, Cruzel. Guwapo rin siya, mestizo at matangkad. Singkit ang mga mata at matangos ang ilong. Sa mukha niyang ‘yan, pwede na siyang mag-debut as korean boy group.

“Naghahanap ng damit,” Klint answered. “Kayo?”

“Wala, gala lang din. Manlibre naman kayo!” ani Seri.

“Akin na pera mo, ililibre kita.” Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Klint. Dumaan ang tingin ko kay Cruzel na obviously, nakaiwas ang tingin sa ‘kin. My eyes landed on Yijin, nagtama ang mata naming dalawa. He’s laughing at Klint’s joke habang nakatitig sa mga mata ko. Tumawa rin ako bago nag-iwas ng tingin.

“Kung hindi kayo manlilibre lumayas na lang kayo rito!” pantataboy sa kanila ni Seri.

“Tara na nga, may pupuntahan pa tayo.” Muntik na ‘kong mapasimangot sa sinabi ni Cruzel.

“Sige na, alis na kami,” paalam ni Yijin sa ‘min. I just wave my hand at them.

“Ang guwapo talaga ng apat na ‘yon,” Seri commented.

“True,” I seconded. Para silang F4. Literal na kapag dumadaan sila, napapatingin ang mga tao sa kanila. “Chloe, ang gwapo ni Rio ‘no?” I teased him. Crush niya kasi ‘yon, o tamang sabihin. . .  dating crush.

“Guwapo naman silang lahat, pero mas guwapo si Yijin,” ani Chloe.

“Para sa ‘kin din, mas guwapo talaga si Yijin,” ani Seri sabay papak ng chips na nasa table namin.

“Wee? Baka si, Klint kamo?” I teased her.

“Kahit may gusto ako kay Klint, mas gwapo talaga si Yijin, hindi mo maitatanggi ‘yon. Bakit, para sa ‘yo sino pinaka-gwapo sa kanila?”

Halata na masyado ang sagot para sa ‘kin. He’s a ten over ten guy. Almost perfect, hindi ko na iisa-isahin kasi parang nasa kanya na ang lahat. No doubt that he’s a crush ng bayan.

“Si Yijin,” I answered.

Nagkatinginan sina Seri at Chloe. Alam ko ang mga titig na ‘yan, may halong malisya.

“What?” Tinaasan ko sila ng kilay. Totoo naman kasi, kahit sino siguro ang tanongin majority pa rin sa sasagot na si Yijin ang pinaka-gwapo.

“Consistent, ah? ‘Yan din ang sagot mo noong tinanong ka ni Kuya Jace,” nanunuyang ani Seri.

“Bakit? Totoo naman, ah. Guwapo siya hindi lang dahil sa physical features niya, mabait siya at sobrang passionate na tao. Grabe rin ‘yung faith niya sa Dios and that makes him more handsome.”

“Hmm, you’re complementing him too much. Hindi naman kaya. . . ” Ngumisi si Seri.

“Fishy,” Chloe seconded sabay tawa.

“Do you want me to complement the two of you? Baka lagyan n’yo rin ng meaning?” masungit kong ani. Alam ko na saan papunta ang usapang ito. Tinawanan lang naman ako ng dalawa, ngumuso ako at kumuha na lang ng chips sa mesa.

“Do you know that Yijin had a crush on you?” Chloe brought out. Agad naman akong natigilan.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant