" A-Ayos naman siya naman siya ate. "

Napatingin ako sa kanya at tinusok ko yung dimple niyang lumalabas na ngayon dahil nakangiti siya

" Anong tinatawa-tawa mo d'yan para kamg timang ah!"

" Ano ba ate! Isa pang sundot babaliin ko yang daliri mo "

Natawa ako at tinigilan ko nalang s'ya dahil mukhang niinis na talaga siya. Naabutan kaming nagkukulitan ni tatay sa labas.

" Ang saya naman, pasali ako. "

Agad siyang pumagitna sa amin kaya natumba sa Eboy sa gilid kaya napuno na naman kami ng tawa. Lumipas ang ilang minuto ay tinawag na kami ni nanay para mananghalian na. Nasa hapag na yung mga pagkaing hiniling kong lutuin ni nanay. Mayroong mainit pang mais, itlog at tuyo. Mayroon ding dahon ng kamote na ginawang salad ni nanay at marami pang iba. Nagutom ako kaagad kaya nilantakan ko lahat ng pagkain sa mesa.

" Oh, dahan-dahan lang at inday at baka mabulunan ka!"

Tuwang tuwang saad ni nanay habang pinagmamasadan akong masaganang kumakain.

" Sobrang na miss ko lang talaga itong luto mo nay, pati itong mga gulay at mais!"

" Haha oh sigi, dahan dahan lang. Ito, tikman mo ang unang bunga ng mais natin ngayong buwan. "

Ani ni nanay sabay lagay ng mais sa plato ko. Patuloy kami sa pag kain habang nagkukwentohan at nagtatawanan hanggang sa matapos na kami. Matapos naming kumain ay naisipan kong bisitahin si Eva. Hindi niya pa alam na nakauwi na ako kaya balak kong i surprise ang gaga. Naglalakad ako ngayon, hindi ko na dinala ang kotse ko dahil lalo lang akong pagtitinginan ng mga tao kagaya ngayon. Marami silang mga bumati sa akin at minsan ay nagpapa picture pa. Hindi naman ako umangal at magiliw akong nakipag halubilo sa kanila. Nakatuwang ganun parin sila katulad ng dati.

" Inday may asawa ka na ba?, Mas lalo kang gumanda ah."

" Wala pa ho akong balak mag-asawa mang Jerry "

Sabi ko sa matandang nagtanong sa akin.

" Aba'y kung ganoon ay pakasalan mo nalang si Hogan na apo ko! Hehehe nang magkaroon kami ng lahi na kasing ganda katulad mo!"

Natawa nalang ako sa turan ng matanda, pati narin itong mga taong kasama namin ay nakitawa narin. Pasimple naman akong nagpa-alam at dahan-dahan nang naglakad papunta sa bakery nila Eva. Nakita ko na ito at masasabi kong malaki ang improvement ng panaderya. Ang dating maliit at hindi kalakihang harapan ng tindahan nila ay nagmistulang parang cafe na ngayon. Maraming mga customer sa araw ngayon at nakita kong may milkshake at milk tea narin silang inooffer. Agad kong kinuha yung menu at tinabon ko sa mukha ko para hindi ako diritsahang makita ni Eva.

Nasa may counter siya at busy kaya hindi niya ako napansin kaya agad akong lumapit. Dahan dahan akong naglakad palapit dito habang nakatabon parin ang menu sa mukha ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

" I would like some monay and a cappuccino please. "

Agad naman siyang nag angat ng tingin at gusto kong matawa dahil muntik pa siyang mahulog sa kina-uupuan niya.

" Ay hala! A-Ano po ang inyo madam? Pasensya na ho hindi ko kayo narinig kanina!"

Gusto kong humagalpak ng tawa habang natataranta siya sa harap ko.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now