Part 37

6.2K 235 25
                                    

Erinrose




Isang lingo na ang nakalipas simula noong umalis siya. Ngunit sa kabila ng lahat ay pinilit kong ipagpatuloy ang buhay ko,kahit sa likod ng mga mata ko ay lungkot at pangungulila ang namumuhay.  Nasa kalsada ako ngayon at naglalako na naman ako ng gulay kagaya lang noong dati. Ngunit ang dating masayahin at masiglang Inday na laging nakikita ng mga tao ay biglang naglaho. Pakiramdam ko'y may malaking bahagi ng aking buhay ay nawala simula noong umalis siya. Naglalakad akong walang buhay at wala sa sarili at hindi ko na namamalayan yung mga taong tumatawag na pala sa akin.

" Uy inday, my darling ko! Pabili nga ako niyang kalabasa "

Napahigpit naman bigla ang hawak ko sa bilao nang marinig ko kung ano iyong tinawag niya sa akin. Kaya dahan dahan ko itong hinarap at binigyan ng napakasamang tingin sabay sabing

" HUWAG NA HUWAG MO AKONG TATAWAGING DARLING, KUNG AYAW MONG SUMABOG YANG MUKHA MO!"

Bigla naman itong napaatras dahil sa pag sigaw ko at tinutukan ko pa ito ng ampalaya,nakita kong si Badong pala ito.

" I-kaw naman Inday h-hindi ka na mabiro eh, hehehe pabili ako "

Binigyan ko naman agad siya ng gusto niyang bilhin at agad maman siyang nagbayad at nagmadaling umalis sa harap ko, muntik pa ngang matisod. Bandang hapon na nang maubos ang paninda ko at pauwi na ako ng bahay.

" Nay, punta lang po ako kina Eva "

Paalam ko sabay labas ulit ng bahay. At walang buhay na naglalakad patungo sa bakery nila Eva. Pagdating ko doon ay walang tao kaya saktong sakto at kami lang dalawa. Nakita niya ako at agad na bumati

" Kamusta ka naman?, Tsaka ba't ngayon ka lang, ang tagal mo ah "

Agad naman akong lumapit at umopo sa may upuan sa harap ng tindahan nila. Agad naman itong lumabas at may dala itong soft drinks na isinilid sa supot at agad na binigay sa akin, meron din sa kanya. Umupo siya kaagad na harap ko kaya para kaming mga tatay na tambay habang nagiinuman. Kaya lang soft drinks lang itong sa amin.

" Ilabas mo na yan... "

Bigla nitong saad sa akin, habang ako namay nakatitig lang sa lamesa at siya naman ay nakatingin sa akin habang sumisipsip ng inumin niya.

" Wala lang 'to,nababagot lang ako sa buhay ko. "

" Asus, kilala kita kaya sabihin mo na sa akin. Wag ka na mahiya at naiintindihan naman kita."

Napatingin pa ako dito. Wala talaga akong maitatago sa babaeng to eh. Alam na alam niya tumatakbo sa utak ko.

" Na'miss mo na ano?"

Nanunudyo pang tanong nito sa akin kaya sinamaan ko ng tingin

" Umamin ka na kasi!,para ka na tuloy iniwan ng jowa. Ay! Iniwan kana pala"

Binulong niya yung huli niyang sinabi sabay takip sa bibig. Agad ko itong sinamaan ng tingin sabay sipa sa paa nito aa ilalim ng mesa

" Nang-aasar ka ba ha!"

" Aray! Ano ba! Wala naman akong ginagawa eh, hiist ang sakit gagong to!"

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now