Part 35

6.3K 259 23
                                    

Erinrose POV

Tinanghali ako ng gising dahil hindi agad ako nakatulog kagabi, hindi ko alam kung bakit na b'bother ako sa kilos ni Ana at parang may kung ano sa kanya na ayaw niyang ipaalam sa akin. Isa pang bagay na hindi nagpatulog sa akin ay yung pag sayaw namin sa gitna ng maraming taong nakapalibot sa amin. Napangiti naman ako ng maalala ko kung gaano niya ako kagaang halikan, yung haplos niya sa batok ko habang yakap niya ako habang nagsasayaw kami.

Bumaba na ako sabay kuha ng Milo sabay timpla nito. Dumiritso ako sa labas habang bitbit ko yung tinunaw kong Milo. Naabutan ko doon si tatay at Eboy na nagsasabong ng mga manok.

" Good morning ate, happy birthday nga pala "

Napangiti naman ako sa turan nito binati din ako ni tatay sabay ginulo pa yung buhok ko.

" Matanda ka na Inday. Parang kaylan lang ay uhugin ka pa, at itong si boy naman ay walang pang tuli hahaha "

" Tay naman! "

" Hindi kaya ako uhugin dati!, Umiiyak lang ako noon kasi itong si Eboy binigay lahat ng jolens ko kay Bogart eh"

Nag asaran pa kaming mag tatay habang nasa labas. Dumating naman si nanay ma may dalang hipon at alimasag at mga rekados.

" Abaaa gising na pala ang ating birthday girl!"

Sigaw ni nanay habang papalapit sa akin at agad naman ako nitong hinalikan sa noo

" Asus, kay laki na talaga ng unica hija ko "

Anya habang bini'baby ako

" Nay naman eh, pinaparamdam niyo naman sakin kung gaano na ako ka tanda "

" Ito naman hindi na mabiro eh, halika nga dito at pakiss si nanay "

Sabay hapit sa akin at niyakap akong mahigpit habang kinukurot yung mga pisngi ko. Nainggit pa nga yung isa kaya nakisali na pati narin si tatay kaya ang ending nag group hug kami sa labas ng bahay. Ganito talaga kami kahit pa noong mga bata pa kami nitong kapatid ko.

Wala namang masyadong ganap sa araw na ito, maliban sa handa ni nanay na turon at cassava cake. Isinilid lang yun sa ref dahil mamayang hapunan pa namin yun kakainin. Nasa kwarto ako ngayon at nagbibihis dahil pupunta akong simbahan at magdadasal lang saglit tapos uuwi rin para mailako yung mga gulay na harvest ni tatay kahapon sa bukid.

Nasa simbahan na ako ngayon habang nakatiklop ang mga palad at taimtim na nagdadasal.

"Ama, narito na naman po ako tumatawag at nagpapasalamat at dinugtungan niyo pa ang buhay ko. Maraming salamat po sa lahat ng grasya na binubuhos mo sa pamilya ko,sa mga hayop at pananim namin na masaganang namumunga. Sa mga magulang kong napaka responsible sa aming magkapatid, sana po ay tumagal pa ang mga buhay nila dito sa mundo Ama. Naway mapatawad niyo po ako sa aking mga kasalanan, lalong lalo na nang dumating si Ana sa buhay ko. Alam ko pong mali itong nararamdaman ko sa kanya, ngunit anong magagawa ko Ama kung siya ang tinitibok at nilalaman ng aking puso. Pero kahit ganoon ay nagpapasalamat parin po ako na nakilala ko siya, gusto ko pong umamin sa kanya pero inu-unahan po ako ng takot ko. Kaya ngayong araw, sa mismong birthday ko ay sana magkaroon ako ng lakas na loob upang umamin sa kanya. Yun lang po. Amen "

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Where stories live. Discover now