Chapter 1

15 6 0
                                    

Lerina's POV

Nandito lang naman ako sa bahay naka upo habang nagbabasa ng mga libro na tinago pala ni tita sa may karton tapos nilagay sa ilalim ng cabinet.

Ang gaganda ng mga libro ang sarap ibenta haha pero joke only, baka mapagalitan pa ako nito ni tita ehh itapon pa ako sa pluto.

"Rina! Nasaan ka bang bata ka, tulungan mo ako dito sa mga dala ko" agad ko naman tinago yung mga libro na nakita ko at bumaba para tulungan si tita.

"Bakit ang dami mong dala tita? Tapos puro pagkain halatang masasarap kainin" natatakam na sabi ko habang isa isang nilalagay ang mga tupperware na may mga laman na desserts at ulam.

"Dumaan ako sa kapitbahay natin dahil inutusan ako ni kapitan na ihatid yung mga water jag sa water refill station kaya ayon lalabas na sana ako ng tinawag ako ni tita mo Cynthia na may dalang apat na plastic bags tapos binigay sa akin sabi daw dalhin ko raw dito sa bahay" sabi ni tita na tinutulungan niya na din ako ilabas lahat ng mga tupperware.

Pagkatapos namin mailabas lahat ng tupperware ay inutusan niya akong tawagin na ang dalawa kong maliliit na pinsan na naglalaro sa labas kasama ang kanilang mga kalaro.

"Aria! Ashira! Umuwi muna kayo dito sa bahay!"

Agad naman silang nagpaalam sa kanilang mga kalaro upang umuwi. Napaka masunurin talaga nilang dalawa.

"Bakit po ate Rina?" tanong ni Aria na nakasunod  din kay Ashira.

"Sabi ni tita tawagin ko raw kayo dahil kakainin, may dala siyang pagkain kaya maghugas na kayo ng mga kamay niyo" sabi ko sa kanilang dalawa na agad naman nilang sinunod.

Pagkatapos nilang maghugas ng kamay ay binigyan ko na sila ng pagkain para makakain na din sila. Syempre kumain din ako dahil gutom na mga bulate ko sa tiyan pero joke only haha.

"Rina! Pinakialaman mo na naman ang mga libro dito no? Ikaw talagang bata ka mahilig ka talaga makiusisa sa lahat ng bagay ipapadala talaga kita doon sa kapatid ko sa malayong lugar" sabi niya na may panenermon na may dalang pambabanta sa akin.

"Tita ang boring naman po kasi dito sa bahay, lahat ng gawaing bahay tapos ko na and isa pa deserve ko magkaroon ng mapaglilibangan kaya hinahanap ko mga libro mong nakatago hehe"

"Hay ewan ko talaga sayo ang sakit mo minsan sa ulo, yung una pinakialaman mo yung mga love letter na natatanggap ko noon, pangalawa pinakialaman mo ang mga gamit ng kapitbahay natin at kung ano ano pa, tapos ngayon yung mga libro na tinago ko  alam mo bang may sentimental value ang mga ito sa akin? Rina h'wag kang pasaway please lang ipapadala na talaga kita sa isa mong tita"

"Sorry na po tita hindi na po mauulit, boring lang talaga kaya naghanap lang ako ng mga bagay na pwedeng magawa pampawala lang ng boredom ko"

"Ah ano ate Rina bakit po mahilig kayo mangialam ng mga gamit?" tanong ni Ashira.

"Alam mo kasi bhie the more than you explore the more than you learned so explore more and more and mo--- Aray ko tita!!!!! Huhuhuhu ang sakit huhuhu" pagmamaktol ko habang hawak ko ang ulo ko na binatukan ni tita.

"Tumigil ka Rina ha matatamaan ka ulit sa akin kung ano ano na lang pinagtuturo mo sa dalawa, kaya binansagan kang si "curious girl" dahil pinanggagawa mo at  tumigil ka sa ka ka English ng English mo puro ka English mali  mali naman"

"Auntie I know how to speak English no dzuhh sinadya ko lang talaga maliin yung English spokening para unique"

"Ewan ko sayong bata ka ang dami mong kaartehan"

"HAHAHAHAH kawawa ka naman ate Rina binatukan ni mama HAHAHA" sabi ni Ashira na natatawa gano'n din si Aria na tawa ng tawa.

Napairap na lamang ako sa kanila, kahit kailan talaga pinagtatawanan ako ng dalawang to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beyond the Rhythm (On Going)Where stories live. Discover now