Chapter 9

24 14 0
                                    

Kabanata 9: Visitors

Nagising ako dahil sa bigat nang katawan ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahapon.

Pinilit kong matulog ulit pero hindi nakikisabay ang diwa ko kaya napilitan akong imulat ang mata ko at tignan ang bintana sa kaliwang bahagi ng kwarto ko.

Nang humangin ay gumalaw ang kurtina doon kaya nakita kong medyo madilim pa.

“Ang unti lang yata ng tulog ko” mahinang reklamo ko at umayos ng higa para makaidlip ulit ako.

Kaya pala ang bigat pa ng katawan ko, kulang pala ako sa tulog.

Akmang iidlip na sana ako nang bigla na lamang may kumatok sa pintuan dahilan para mapaayos ako ng upo.

“Ano baaaa?! Patulugin niyo naman akooo!” reklamo ko habang nakapikit at nagpapadyak.

“Lize?! Ayos ka lang ba riyan?” napamulat ako nang marinig ko ang boses ni ate tel sa labas.

Nandito siya nang ganitong disoras na ng gabi?

Nagmamadali akong bumaba sa kama at tumungo sa pintuan ng kwarto para buksan si ate tel.

“Ate, bakit nandito ka? Ang lalim pa ng gabi oh” ani ko pa at inanyayahan siyang pumasok na ginawa niya naman, “Maupo ka muna ate at lilinisin ko muna ang sarili ko. Hindi kasi ako nakapaglinis pagkauwi ko kanina dahil sa sobrang pagod” paalam ko at hindi na hinintay ang sagot niya at umalis na papuntang banyo.

“Umaga kana palang umuwi lize?” tanong ni ate tel sa labas, “Hindi po, kaninang alas dose ng madaling araw pa po ako nakauwi” sagot ko habang nag-aayos sa loob ng banyo, “Hindi ka kumain ng umagahan at tanghalian?” tanong nito sa naguguluhang boses na nagpakunot ng noo ko at kaagad akong lumabas sa banyo.

“Huh? Diba't madaling araw pa naman ate? Paangat pa nga ang araw oh” ani ko nang makalabas sa banyo at itinuro ang bintana ng kwarto ko.

“Naku lize parang napahaba yata ang tulog mo. Alas sinco na ng hapon kaya palubog na ang araw at saka paanong paangat e makulimlim nga dahil sa nagbabadyang ulan.” natatawang ani ni ate tel na ikinangiwi ko.

“Eh? Patapos na ang araw? Hindi ako nakapasok? Pagod na pagod ba ako kahapon? Hindi naman ah” sunod-sunod na ani ko sa sarili ko na ikina-iling lamang ni ate tel bago siya tumayo at ibinaba ang kumot na hawak niya.

“Oh sya, hihintayin kita sa baba ha. Hinanda ko na ang hapunan natin dahil iyon ang bilin ni nanay Flor” ani nito na ikinatango ko lang dahil hindi pa talaga matanggap ng isip ko na halos buong araw akong tulog. Kung hindi lang talaga ako ginising ni ate tel, ewan ko nalang talaga kung magigising pa ako para kumain.

At iyon pa! Wala akong kain. Kaya pala nanghihina ako't pagod. Kasalanan talaga ito ng promotion e— iyong promotion! Na promote nga pala ako!

Napatigil ako sa pagsasalita nang kumalam ang sikmura ko. Wala pa nga pala akong kain.

Nagmamadali akong lumabas at ini-lock ang pintuan ng silid ko bago bumaba at dumiretso sa kusina kung saan naghihintay si ate tel.

“Ma upo kana lize para makakain kana” bungad na ani nito nang tuluyan akong maupo. “Salamat ate” ani ko at nagsimula ng kumain.

“Ano bang nangyari kahapon?” tanong ni ate tel sa gitna ng pagkain namin, “Napromote lang naman ako ate” ani ko at ngumiti ng malapad bago nagpatuloy sa pagkain.

“Napromote ka?” gulat na tanong nito na tinagunan ko ng tango habang nakangiti, “E kung ganon dapat ay i-celebratre mo yan” ani nito, “Iyon nga ang plano ko ngayong araw pero tulog ako ih” ani ko habang nakangiwi na nagpatawa sa kanya.

I Have Found the Almond Eyes Where stories live. Discover now