naramdaman ko na parang kinuryente ang buo kung katawan sa pag hawak palang niya sa pulsuhan ko.





Ang init init ng kamay niya, kinakabahan din ba siya?


hindi ko magawang lumingon dahil sa kahihiyan.




"Anong sabi mo aki? Hindi ko narinig." Kainis. Nang asar pa, narinig niya naman iyon e. Madadapa ba siya dyan kung hindi diba?




"Wala akong sinasabi." Pagpapalusot ni aki ngunit nginisihan lang siya ni sakuragi sabay higit sakanya paharap.






"hmm. Sabihin na nga nating narinig ko, pero... gusto ko ulit marinig e." Paglalambing na saad ni sakuragi. Napakagat labi si aki dahil doon at hindi niya na talaga alam gagawin niya sa mga oras na ito.






"N-narinig mo naman na pala e. O-okay na iyon." Saad pa ni aki, nalungkot naman si sakuragi at pagkuwan ay binitawan siya sa pagkakahawak.






Nabigla si aki dahil doon at nataranta, tumalikod na kasi bigla si sakuragi at maglalakad na sana palayo...





"OO NA.. LETSE KA!! GUSTO KITA.. GUSTONG GUSTO." Hinihingal na sigaw ni aki, dala ng kaba ay napapikit nalang siya sa nararamdamang kahihiyan.






nakarinig nalang siya ng yapak papalapit sakanya kaya lalo lang siyang nataranta. At ganon nalang gulat ni aki ng maramdaman niya ang mainit na yakap nito






"Gustong gusto rin kita. Simula 'nung sinu sundan sundan mo na ako, indenial pa ako sa nararamdaman ko ng mga oras na iyon kaya iniwasan kita at iniisip na baka hindi mo rin ako gusto. Pero ngayon na gusto mo rin pala ako, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. Akisha hayashi, pwede ba kitang ligawan?" Tanong ni sakuragi.






napasubsob naman ang mukha ni aki sa dibdib ni aki at hindi niya maintindihan kong bakit bigla nalang siyang naluha.





Sobrang saya sa pakiramdam na akin na si sakuragi.




"Shhh. Wag kana umiyak, tahan na." Malambing na saad ni sakuragi. Inalis din nito ang pagkakayakap ko kaya malaya na ako nitong natitignan sa mukha.



"Masaya lang ako." saad ni aki dito




"ako rin naman. Sobrang saya kasi akin ka na." Nakangiting saad ni sakuragi.



*Clap* *clap* *clap*



"yeheey! Congrats sa inyong dalawa, SS." saad  ni shintaro na kinatingin naman ng iba sakanya.



"Anong SS?" takang tanong ni captain tetsu kay shintaro.



Inabangan din ni sakuragi at aki ang sasabihin ni shintaro ng biglang mag salita si rukawa.



"Stay stroke." sagot nito bago umalis na dala ang bola at muling nag pashoot.



"hahaha siraulo talaga ang yelong iyon. Mali siya, stay strong yon." Natatawang pag tatama ni shintaro.



"err. Nililigawan palang naman ako ni sakuragi e. Tsaka na ang SS na yan kapag sinagot ko na siya." Masayang saad ni aki, napatingin siya kay takasugi na pilit na ngumiti sakanya bago tumalikod at naglakad palayo..




"Kausapin mo nalang siya mamaya, hmm." Saad ni sakuragi na kinagulat ni aki.



"Ayos lang sayo? Hindi ka magagalit?" Tanong ni aki kay sakuragi




"Bat may gagawin ka ba na ikakagalit ko?" Tanong pabalik ni sakuragi na kinailing naman ni aki. Napangiti naman si sakuragi bago pinang gigilan ang pisngi nito.



"Sige na. Kausapin mo muna si takasugi, mukhang may pag memeetingan din kami ni captain e." Saad ni sakuragi



"hmm. Sige." Tumakbo na si aki pahabol kay takasugi.


samantalang si sakuragi na kaninang masaya ay napalitan na naman ng malamig na aura. Nangilabot ang mga kateam nito dahil sa biglaang pagbabago ng mood nito.



"Captain tungkol ka ba yan sa laban?" Biglang pagbubukas ni sakuragi sa usapan. Napatingin sila kay sakuragi dahil alam kaagad nito.



"Oo, sa susunod na bukas.. ang una nating makakalaban ay ang... shohoku." napatingin din si rukawa sa sinabi ni captain tetsu.


Ang ibang teammates ni sakuragi ay napatingin kay sakuragi ng biglang dumilim lalo ang expression nito.



"Napag aralan mo naman na lahat diba? Naibigay na rin naman sayo ni kei ang mga pangalan at mga abilidad nila. Pag aralan mo nalang." saad pa ni captain sa kanila.


Tumango si sakuragi



"Balita ko natalo ng team shohoku ang nagoya at natambakan pa nila. Mas mataas ang score na nakuha nila kumpara sa laban na nagawa natin noon." Pag lalahad pa ni kazuko



"Noon iyon dahil baguhan pa ako, eh ngayon kaya? Sa tingin niyo hahayaan ko ulit na matalo nila." Saad ni sakuragi na matalim na nakatingin.



"Alam naman namin iyon. Ang kaso... ibang mitsui at miyagi na ang makakaharap mo." Ngumisi lang si sakuragi sa sinaad ni kiyo bago tumingin kay rukawa na naglalaro ulit.


"Iba na rin naman ako ngayon ah! At itong pagbabago ko sila ang naging dahilan. Tignan nalang natin sa susunod na araw." Saad ni sakuragi






*****

*****

(a/n: ito na po, pinilit ko na pong mag update kahit sobrang sakit ng ulo ko. Ayoko rin namang pag hintayin kayo e. Enjoy sana magustuhan niyo.)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now