Chapter 20

18.9K 663 524
                                    

DAHIL sa sinabi ni Marilyn na pag-uwi niya sa Maynila sa susunod na linggo ay hindi na siya halos kausapin ng magkakapatid na Monroe maliban lang kina Diego at Israel na naiintindihan ang pasya niya.

Naiintindihan rin niya ang pagtatampo sa kanya ng magkakapatid dahil sa loob ng isang buwan na pagtira niya sa San Lorenzo ay naging mas malapit na siya sa mga ito at ayaw na rin sa kanyang mawalay.

But she decided what's best for her and to her future. Hangga't tinatakasan niya ang sarili niyang problema ay mas lalo lang magiging komplikado ang lahat.

She needs to talk to her family and Euzon's para na rin sa ikakapanatag ng puso't-isipan niya.

She doesn't want an unwanted marriage with her former best friend na tatraydor rin pala sa kanya sa huli.

"Marilyn,"

Marilyn look at Gabriel na pumasok sa loob ng kubo kung nasaan siya. Hindi niya alam kung nasaan ngayon ang magkakapatid na Monroe at kaninang umaga pa wala ang mga ito.

"Gab, ikaw pala." Marilyn smiled at Gabriel.

"Mukhang nagtatampo sila sa'yo dahil iiwan mo na 'tong San Lorenzo. I see, they were already attached and closer with you." Gabriel said and smiled.

She sighed. "I understand them, Gab. Ako ang naging katuwang nila nang mamatay sina Lola Adele at Lolo Defonsi. Kung wala ako sa tabi nila, maybe they're still mourning from the death of their grandparents. Ang lolo at lola nila ang tumayong magulang ng magkakapatid nang mamatay rin sa isang road accident ang mga magulang nila."

Nalulungkot si Marilyn para sa magkakapatid na Monroe. They are big and stronger guys but she can see how soft and sometimes weak they are. Hindi naman kasi ibig sabihin na matapang at matigas ka lang tignan ay matigas na rin ang puso at personalidad mo.

Monroe brothers are not. In fact, napakabait ng mga ito, maingat sa kanilang mga galaw at ni wala siyang matandaang nagreklamo ang mga ito sa ibang kapalpakang nagagawa niya. She feels secured with them because they are like overprotective brothers to her.

Overprotective brothers my ass! Umamin na nga iyong tatlo na may gusto sila sa'yo tapos may overprotective brothers ka pang nalalaman dyan, Marilyn. Really?

"You made a great impact on their lives. And you like them. Pero tama lang ang desisyon mong bumalik na ng Maynila. You need to fix everything and don't worry dahil tutulungan kita sa mga problema mo." Gabriel held her one hand.

She's so lucky to met Gabriel. Pinsan lang ito ng bestfriend niya pero sa huli ay ito pa pala ang mas makakaintindi at makakaunawa sa desisyon niya.

He's not pushing himself anymore to court her at kahit alam niyang nasasaktan ito dahil nagkagusto siya sa magkakapatid na Monroe ay inunawa pa rin siya nito dahil mahal siya ng binata.

Gabriel deserves a better girl who can love him unconditionally.

"Thank you and I'm sorry for hurting you," Marilyn said almost in tears.

"Don't start again, Marilyn. Ayoko na ng drama ngayon. Sige ka at baka agawin pa kita sa kanila kung gaganyan ka na naman." Gabriel joked na ikinatawa nalang niya.

Pagkatapos ng heart-to-heart talk nila ni Gabriel ay lumabas na rin sila sa labas ng kubo. Marilyn was about to wave at Archie and Julie na papalapit sa kanya pero hindi niya iyon nagawa nang mapansin niyang masama ang tingin ni Julie sa kanya.

"Ano, Marilyn? Masaya ka na ba, ha?! Lahat nalang ba talaga ay aagawin mo sa amin?" Julie shouted at her na ikinagulat niya maging pati na rin ang kasama niyang si Gabriel.

"What do you mean, Julie?" naguguluhan namang tanong ni Marilyn.

Tumawa ng sarkastiko si Julie. "Magde-deny ka pa na hindi mo alam ang balak nila Gael? Aalis na sila dito sa San Lorenzo kapag pupunta na kayo niyang manliligaw mo sa Maynila. Susundan ka nila!"

Marilyn and the Seven MonroeWhere stories live. Discover now