Nagulat si aki doon kaya agad itong umiwas ng tingin sakanya. Ngumisi naman si rukawa bago inasar si sakuragi


"Tss. Mga indenial pa kasi.." bulong na saad ni rukawa pero sadyang pinapatamaan talaga nito si sakuragi.


"manahimik ka nga dyan. Daldal nito." Saad ni sakuragi sabay alis, patungo ito sa direksyon palabas.


Lumapit naman si aki kay rukawa bago tumingin sa direksyon na tinungo ni sakuragi.


"saan pupunta iyon?" Tanong ni aki, may naisip namang kalokohan itong si rukawa bago blangkong tumingin kay aki.

"Kay haruko. Sabi niya may sasabihin daw si haruko sakanya, sabi tungkol daw sa pagkakagusto nito kay sakuragi."


Saad ni rukawa na kinalungkot naman ng husto ni aki.


"Edi totoong may gusto si haruko kay sakuragi? Sabagay bagay silang dalawa." Napaface palm naman si rukawa bago hinila si aki ng aalis na sana ito.


"Tss. Iwan ko sainyo, puntahan mo nalang.. baka kasi umalis iyon dito, kapag nangyari iyon susunod din ako doon." Saad ni rukawa na nakangisi naman.



"Ganon ba. Sige, susundan ko nalang siya." Pilit na pinapasiglang saad ni aki kay rukawa bago tinungo ang labas..


Malaki namang napangisi si rukawa at narinig iyon ng ilang teammates na hindi pala nanunuod ng practice kundi nakikinig pala sakanila.

Hinihingal namang napatakbo si aki pasunod kay sakuragi, kahit na hindi niya alam kong saang direksyon ito dumaan kanina, pero dinaanan niya parin ang mahabang pasilyo patungo sa gate. May ilang estudyante rin na napapatingin sakanya habang sinisita siya na wag tatakbo sa koridor.



nang malapit na siya sa gate ng okaido, huminto na siya at nag pahinga dahil sa pagod na nararamdaman. Bumuntong hininga siya ng malalim bago lumunok.


Nilakad niya nalang ito patungo sa gate ng okaido, nang buksan niya at sinilip kong may nag hihintay ba sa waiting shed ngunit wala naman. Napaka tahimik ng kalsada ngayon dahil maaga pa naman para sa lunch.


napailing nalang si aki bago napapukpok sa ulo, kainis.


"Huli na ba ako? Wala na siya dito e. Hindi ko na agad siya nakita? Baka nandoon na iyon ngayon sa shohoku." Saad ni aki na sobrang kumikirot na ang puso sa sakit.

-Meanwhile

Bumalik si sakuragi sa loob ng gym, agad niyang hinahanap si aki ngunit hindi niya na ito nakita pa doon. Tanging si rukawa lamang ang nandoon habang blangkong nakatingin sakanya, wala namang choice kundi lumapit si sakuragi dito upang tanungin kong nasaan si aki ngayon.



"Saan ka galing?" tanong ni rukawa na blangko ang expression


'Tss. Sa CR, bakit masama bang umihi?" Maangas na saad ni sakuragi na kinatango naman ni rukawa. Napatingin din ang mga kasamahan nilang nasa bench lang at nakikinig sa usapan nila.


ilang saglit pa ay hindi rin nakatiis si sakuragi ay nagtanong na siya.. lihim namang napangisi si rukawa.


"Tsk. Nasaan si aki? Bakit wala siya dito?" Tanong mi


"Ha? Diba mo ba siya nakita kanina? Ang sabi niya makikipag kita siya e. Hindi naman niya sinabi kong sino." Tila nag pantig ang tenga ni sakuragi sa narinig at muling naalala ang eksena kagabi ng mag kasama ang mga ito.


"Fujima." Galit na bitaw ni sakuragi sa pangalan ni fujima. Napakunot naman ang noo ni rukawa.


"Anong kinalaman ni fujima dito?"takang tanong ni rukawa dito.

"Siya ang kikitain ni aki ngayon. Tss, lalabas lang ako." Aalis na sana si sakuragi ngunit mapaglaro talaga ngayon si rukawa, kaya pinigilan niya ito.


"Teka? Saan ka pupunta? Hayaan mo na si aki maging masaya, si fujima naman pala ang kikitain niya e." Saad ni rukawa na tila ginagatungan pa ang namumuong galit ni sakuragi.


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha? Anong si fujima pala.. tsk! Bitawan mo ako, susundan ko si aki." Singhal ni sakuragi.


"Teka nga lang? Akala ko ba walang kang gusto kay aki, bakit ngayon parang mas takot kapa sa tatay ni aki kung umasta ah? Tatay ka, tatay?" pamimilosopong saad ni rukawa na kinahagikhik naman ng mga nakarinig.


"tss. Sinong may sabing wala akong gusto sakanya. Bitawan mo ako, bibigwasan kita." Pang babanta na saad ni sakuragi.


"Oh! Ganon naman pala e." Sabay tango at bitaw ni rukawa kay sakuragi.


nang makawala ito mula sa pagkakahawak ni rukawa ay mabilis itong napatakbo patungo sa direksyon palabas ng gate.


"tsk. Aki? Bat ba napakalapitin mo sa mga lalaki?" bulong na saad ni sakuragi sa sarili.

nang malapit na siya sa gate ay hindi niya napansin na may makakasalubong pala siya dahilan para makabanggaan niya ito.


"Aray ko naman." Singhal ni aki

"Aki? Anong ginagawa mo dito? Diba makikipag kita ka ngayon?" Nagtaka naman si aki sa sinasabi ni sakuragi


"Pinag sasabi mo dyan? Ikaw nga itong makikipag kita kay haruko diba? Kasi.. ano papayag ka na sa gusto niyang bumalik kana sa shohoku?" Saad ni aki


"Ha? Anong si haruko? Hindi naman ako makikipag kita sakanya e. Nag CR lang ako. Eh ikaw nga ang makikipag kita kay fujima diba?"


"Luh! Pinag sasabi mo rin. Ikaw nga dahilan kung bakit ako nandito e." Natauhan naman si sakuragi sa sinagot ni aki at naalala ang nakakalokong ngiti ni rukawa kanina.

"So hindi ka talaga makikipag kita ngayon?" Umiling naman si aki bilang sagot


" Eh bakit mo pala ako sinundan dito?" Tanong muli ni sakuragi kay aki


"para pigilan ka.. aalis kana kasi once na mag makaawa si haruko sayo diba?" Sagot ni aki

"haha hindi mangyayari iyon no..nandito ang buhay ko e." Saad ni sakuragi


"Aki.. wag na wag kanang makikipag kita pa kay fujima.. naiintindihan mo ba ako?" istriktong utos ni sakuragi kay aki na kinatango naman ng huli.

"why?" Tanong ni aki

"tss. '𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑘𝑎 𝑒ℎ.' bulong na saad ni sakuragi.


"wag kana mag tanong pa dyan, sundin mo nalang ako."


"Oo na.. pero ikaw naman lapit ng lapit kay haruko." Bulong bulong na saad ni aki na narinig naman ni sakuragi.


"Ayaw mo ba akong nakikitang kasama si haruko? SIge.. hindi na ako makikipag kita sakanya." Saad ni sakuragi na kinanganga naman ni aki ng husto.


what the!!



******
(A/n: Hi/hello! Good day everyone. Have a bless sunday🥰🙏 sorry for the late update. May sakit po ako kahapon pa, pinilit ko lang po ngayon na mag update. Haha sakit ng ulo ko. Thank you po pala sainyo.)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now