Sinunod ko nalang siya nagstart nako bumaba ng 4th floor at naglakad papuntang elevator pagdating ko naghihintay nga siya sa loob ng elevator at hindi lang siyang mag-isa ah may ibang naka sakay

"Ang tagal mo" sabi niya


"Nagsorry nako diba kuya?" Sabi ko wala ako sa mood makipagtalo

"Ano ba kasing ginagawa mo ? 1 out mo diba? Ang tagal mo may gagawin pako" reklamo niya

"Sino ba kasing nagsabing maghintay ka? Diba sabi ko naman wag niyo nakong ihatid kasi nakakaabala pako ayan tuloy sinisisi mo pa ko!" Sabi ko problema ni Kuya OJ? Sobrang sungit niya

"Bakit ba ang sungit mo?" Tanong niya

"Wow kuya ikaw pa yung nagtanong niyan?" Ako

"Meron ka ba ngayon?" Halos lumuwa yung mata ko nang tanongin niya ko niyan kasi naman okay lang sana kung kaming dalawa lang nandito pero hindi. Madami kayang tao -.-"

Tinignan ko lang siya na para bang hindi ako makapaniwala tapos bumukas na yung elevator nasa first floor nakami.


"So meron ka nga?" Tanong niya habang naglalakad kami

" wala ako kuya okay? Hindi bako pwedeng magsungit nalang? Pag nagsusungit ako ibig sabihin ba meron na agad ako? Hindi ba pwedeng naffrustrate muna ko?"


"Bakit ka naman na ffrustrate?" Tanong niya ng nakataas ang kilay

"Busy din ako madami kaming ginagawa. Hindi pako uuwi wag mo nakong ihatid!" Sabi ko tapos binilisan kong maglakad diko alam pero naiinis na talaga ako

"Saan ka pupunta? Hahatid kita" habol niya sakin tapos nabigla ako nung bigla siyang umakbay sakin. Bipolar ba siya? Kanina ang sungit niya ngayon may paakbay akbay pa siya

"Sa library lang ako kuya hindi na kailangan. Ayoko namang abalahin kapa . Diba madami kang ginagawa? Kaya ko na yung sarili ko." Sabi ko tapos inalis ko yung akbay niya sakin

"Fine frustrated kana. Pero ihahatid kita sa library sa ayaw at sa gusto mo" sabi niya sakin tapos nauuna na siya maglakad

"Edi wow" bulong ko nalang may naghahatid bang nauuna?!

"Amina yang gamit mo" sabi niya habang nakapila kami sa baggage counter

"Bakit?" Tanong ko

"Ako mag-aabot" sabi niya weirdo niya kaya tinignan ko anong meron si Marion pala yung nag-aassist

"Ako na kaya ko naman" sabi ko

"Pag-inabot mo yan kinausap ka at nakitang na awkwardan ka sasapakin ko siya" si kuya OJ

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya babae lang ba talaga ang nagkakaperiod o pati lalaki?

"Inaya ka niya sa ball? Bakit hindi mo tinanggap? Kasi nalaman mong yung kaibigan mo ang unang inaya? YOU'RE NOT AN EFFIN' OPTION!" Ako naman nabigla kasi parang nang gigigil si kuya OJ nung sinabi niya yon gusto ko sanang malaman pano niya nalaman pero hinayaan ko nalang. Ayan pano ako magagalit sa kanya kung ganyan siya T.T

Binigay ko nalang yung bag ko hindi nako nakipagtalo

Pagpasok namin ng library hinanap ko agad sina kyle pag kakita sakin ni kyle meron siyang puzzled look

"Uy sorry na late ako ang dami pa kasing pinagawa ni ma'am perez" sabi ko na pinanlalakihan siya ng mata baka ibuking niya ko eh. Mahina lang ah

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon