✟ CHAPTER 13 ✟

Start bij het begin
                                    

Itinaas ko ang aking mga kamay. At saka humarap sa kanila. Nakita ko ang dalawang pulis na nakatutuk ng baril sa akin. Isang nasa 40 years old o higit pa na halatang matagal na serbisyo. At ang isa naman ay medyo bata pa. Ang tingin ko rito ay baguhan lang at hindi sanay sa ganitong eksena. Kitang-kita kasi sa kaniyang mukha ang takot.

Dahil dun ay napangisi ako. May tsansa akong makatakas dahil dito.

Dahan-dahan silang lumapit sa akin.

Nang makalapit na ito ay kaagad akong pinosasan ng isa sa mga ito, yung matanda. Pero habang ginagawa niya ito ay inilagay na muna niya ang baril sa lagayan kung saan nakasabit lang ito sa kaniyang gilid. Dito ko na gagawin ang pagtakas.

Kaya bago pa man niya tuluyang makuha ang isa kong kamay para sa  maposasan ng tuluyan ay nakuha ko kaagad ang baril nito.

Tinutukan ko siya ng baril. Nabigla pa nga siya at napaatras ng ilang hakbang. Mas lumapad ang ngiti ko.

Dahil sa ginawa ko ay tinutukan din ako ng isa niyang kasamahan.

"Ibaba mo iyan, kung hindi ay babarilin kita."

Pasilip kong tiningnan ang pulis at kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang takot. Medyo nanginginig pa nga siya. Mukhang bagong pulis lang talaga ito na ngayon lang nakatagpo ng ganitong sitwasyon.

Napangisi ako ulit ako, puwede ko ito gawing chance. Kaagad akong nagpaputok at pinaputukan ang pulis na nabawian ko ng baril sa may paa.

Bumagsak ito at namimilipit sa sakit, habang ang isa naman ay bumilog ang mata dahil siguro sa gulat. Itinutok ko sa kaniya ang baril. Mabuti na lang sila pa lang dalawa ang nandito kung hindi ay nahuli na talaga ako ng pulis.

"Ibaba mo iyan!" sigaw niya habang pagatol niyang bigkas.

Napahalakhak na ako. Itinaas ko ang baril at sabay putok ito sa kalangitan. Rinig na rinig ko ang sigaw mga tao naroon sa karenderya kahit medyo malayo iti.

"Ikaw ang dapat magbaba ng iyong baril." utos ko rito dahil nakatutok pa rin ito sa akin.

Nanginginig pa rin ito.

Tatalikod na sana ako nang makita ko na may dumating na iba pa nitong kasamahan. Siguro ay narinig nila ang putok ng baril kaya natunton nila kami. Napaismid ako dahil marami pala sila. At dahil dito ay nawalan na ako ng pag-asa pa na makatakas.

Marami ng nakatutok sa akin na baril at iyong iba naman ay inalalayan ang nakahandusay sa kalsada. Pero kahit wala na akong pag-asa na makatakas ay tinutok ko pa rin ang baril sa kung sino ang humahakbang papalaput sa akin. Wala sa akin ang bakas na pagkatakot, ang gusto ko lang ay patayin si Alexander at lahat ng pamilya nito. Dahil sa kanila ay nagkalitse-litse ang buhay ko!

"Mrs. Jessica, sumuko na po kayo!" Narinig kong sigaw ng isa sa kanila.

Umiling-iling lang ako at ngumisi ulit.

Kung hindi ko man lang magpahigante ang mga namatay ay mabuting—walang makadampot sa akin para ako ay ikulong.

Inangat ko ang  aking kamay at itinutok ang baril sa aking sentido. Tumawa ako, tawa na hindi alam kung ano ang pinagtatawanan.  Malakas ang halakhak ko kaya napansin ko rin ang iba ay kumunot ang mga noo at ang iba naman ay ibinaba ang baril. Hindi na gumagana ang utak ko dahil alam kong wala na akong lusot dahil marami ng nakapaligid sa akin.

"Misis, ibaba niyo po ang baril . . . Maghulos-dili kayo."

Tumawa ulit ako sa sinabi nito. At biglang tumulo ang luha habang tumatawa. Nakakatitig lang ako sa pulis na nagsabi nito at iginalaw ko na ang aking mga hinuturo para kalabitin ang ito.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (Self-Publish) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu