Chapter 10

13 1 0
                                    

Third Person's POV

Natapos ang meeting ni Mew, tinext niya ang binata para sabihin sa isang restaurant nalang sila mag-kita. Excited pa nga si Mew ni hindi niya pa alam saan niya dadalin ang binata.

Tinext ni Mew si Gulf para itanong kung nasaan na ito, ano na ba ang ginagawa niya pero wala pang reply kaya naupo muna siya sa swivel chair niya.

Tumunog ang cellphone nito, kakamadali na umaasang si Gulf ito ay agad naman niyang binuksan at 'di nga ito nabigo.

Text Message:
Gulf: Im done na with shoot, nandito ako sa SJ Company sa may labas lang, hindi na ako papasok. I'll wait here.

Agad na bumalikwas si Mew sa upuan para puntahan si Gulf, dali dali nitong pinindot ang button para magbukas ang elevator.

"Hi kitten! How's your day?" Malambing na tanong ni Mew.

Nginitian muna si Gulf bago sumagot, "Hi! Im great naman".

Nag-lakad ang dalawa papunta sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ni Mew.

"Saan tayo kakain? May Alam ka ba?" habang hawak ni mew ang nape. Nahihiya ito kasi wala siyang alam talaga na gawin basta nalang niya inaya si Gulf sa kagustuhan masilayan ang muhka ng binata.

"Wala eh siguro kung saan nalang dalin ng paa" sagot ni Gulf.

Sa hindi nila alam saan sila pupunta ay nahinto ito sa Ayala mall.

"Starbucks nalang tayo?" tanong ni mew.

Tutal nasa harapan na rin naman sila ng Starbucks bakit pa sila lalayo, masarap din naman ang sineserve dito.

Pag-upo nilang dalawa ay tinanong ni mew si Gulf kung ano ba ang gusto nito.

"Anything with strawberry nalang"

"Okay boss!" sabay salute ni Mew.

Natawa si Gulf sa inasal nito. Habang hinihintay niya si Mew ay nagcheck ito ng gmail niya for work.

"Here" sabay abot ni Mew ng strawberry frappe.

"Thank you!"

"So you like strawberry pala?" tanong ni Mew pagkatapos sumipsip ng Ice Americano neto.

"Yeah comfort food bukod sa chocolate. Why?"

"Wala lang for future purposes lang" sagot ni mew.

"Future purposes ka dyan!" natatawang sabi ni Gulf.

"Kasi ang off naman na magiging boyfriend kita in the future, tapos hindi ko alam ano favorite mo diba?"

"MEW STOPPPP!" Sabay takip ng muhka ni Gulf.

Halata sa binata ang pagkatomato ng muhka nito dahil sa sinabi ni mew. Kilig na kilig yarn?

Natigil ang kasiyahan ng tumunog ang phone ni Mew.

"Yeah hahaha wait, I'll answer this call" sabay tayo nito.

Agad din bumalik si Mew pagkatapos ng call. It's cristensen miss na daw siya nito. Napakaclingy ng kapatid niya.

Nagkwentuhan lang ito ng random stuffs na tungkol sa life nilang dalawa, getting to know each other kumbaga.

-

Nakarating na si Gulf sa condo niya, these days dito ito nagsstay dahil ang nanay at kapatid niya ay wala naman doon.

Tinext nito si Mew para ipaalam na nakauwi na ito.

Samantalang si Mew, ay nasa biyahe pa pauwi palang may dinaanan pa kasi ito. Noong nabasa nito ang text ni Gulf ay nagdalawang isip pa itong replyan dahil nga nagdrdrive ito.

Lumipas ang ilang linggo at 'di nakakapagkita ang dalawa dahil parehas na busy sa mga ganap nila sa buhay. Si Mew, umalis ng bansa at pumunta sa Thailand para asikasuhin ang company ng dad niya kasama niya ang mom niya papuntang Thailand. Samantalang si Gulf naman ay walang humpay na kakashoot, interview doon at interview dito.

Naghahapunan si Mew at nakita niya ang strawberry cake nasa hapag kainan bigay ng tiyahin niya, naisipan niya itong picturan at isend kay Gulf.

Agad naman nagreply si Gulf.

Text Message:
Mew: Naalala lang kita kaya sinend ko sayo.
Gulf: Hala ang yummy naman nyan 🤤
           Wag moko inggitin mew!
           Saan yan?
Mew: Why? Kay tita nandito ako sa Thailand with mom. You want some?
           Uuwian kita kuhanan nalang kita ng isa uuwi na rin naman ako tom.
Gulf: Hala nakakahiya
Mew: No. it's okay. Marami pa naman. I'll give it to you tomorrow
Gulf: thank you 🥺
          parang 'di na chocolate favorite ko parang strawberry na ulit
Mew: Hmmm. I'll take note of that.
Gulf: Ng alin?
Mew: Your favorite.

Hindi nakapagreply si Gulf dahil nag-wawala ito dahil sa kilig niya.

"Ano ba 'to wala man lang pa-warning!!!" Reklamo ni Gulf.

"Bakit ka ba ganyan???!!!"

Pagkarating ni Mew, agad itong dumiretcho sa condo ni Gulf para ihatid ang strawberry cake na dala niya mula pa sa Thailand. Effort yarn?

Pagkatok ni Mew agad naman bumukas ang pinto bumungad ang Gulf na kakagising lamang.

"Good morning sunshine!" ngiting sabi ni mew, ginulo pa ang buhok ng binata.

Napasimangot naman si Gulf dahil sa anv gulo na nga ng buhok lalo pang ginulo ni Mew.

"Pasok ka" binuksan nitong malaki ang pinto.

"Upo ka muna dyan, magwash lang ako ng face" paalam nito.

Habang hinihintay niya si Gulf, Naisipan ni mew na magluto ng umagahan para kay Gulf. Naghalungkat lang ito sa ref ng nakakita ito ng pwedeng lutuin ay nagumpisa na ito.

Natapos na ni mew lutuin ang almusal simpleng Fried rice, bacon and egg dessert nila ang dala nitong strawberry cake.

Paglabas ni gulf nagulat ito may nakahain na sa lamesa, "Hala dapat ako na nagluto" sabay ang pout nito.

Natawa si Mew sa inasta ni Gulf, "No, it's fine kitten. Soon ako pa rin naman magluluto for you" sabay kindat nito.

Kinilig nanaman si Gulf. Ang aga kasing bumanat ni Mew. Sino bang hindi kikiligin? Asawa material ba naman!

Umupo ang dalawa at inumpisahan na kumain, tamang kwentuhan lang ng mga nangyare sa buhay nila nitong nakalipas na linggo.

"Hala ang sarap!!!!" masayang sabi ni Gulf at sumubo ulit ng strawberry cake.

Nakatingin lang si Mew kay Gulf, lunod na lunod na kasi ito sa pagkaka-gusto sa binata. Para bang hindi na kaya pang-ihaon. Hulog na hulog yarn?

"Mew thank you so muh!!!" bigla nalang nitong niyakap si Mew.

Nagulat si Mew at hindi nakagalaw sa kinauupuan, napansin ni gulf iyon at bigla naman itong kumulas parang nahiya.

"Hala sorry sobrang saya ko lang dahil sa binigay mo" sabi nito.

"No it's fine kitten. It's just im shocked na niyakap mo ako" sabay hinawakan ang kamay ni Gulf.

Pagkatapos non, naging awkward silang dalawa na naka-upo sa sala. Walang nagsasalita ag nakakabingi ang katahimikan nila.

"Hey kitten look at me, ayokong mag-isip ka ng kung ano dahil lang sa nangyare. I want you to know na Im happy na niyakap mo ako. Gusto ko bago ka hawakan I want your consent, ayokong gumalaw ng walang consent mo okay?" sabi nito habang hawak ang kamay ni Gulf.

"Kaya ba 'di mo ako niyakap pabalik?" tanong nito.

Kanina pa kasi iyon iniisip ni Gulf noong niyakap nito si Mew, hindi siya niyakap nito pabalik nasaktan siya kasi naattach na siya tapos biglang ganon ang reaskyon ni Mew.

Pero hindi niya masisi si Mew, Ika nga consent is sexy.

Tumango si Mew, "If consent lang. I'm fine with it" sabi ni Gulf.

Physical touch ang Love language ni Gulf yan ang unang pumasok sa utak ni Mew.

"Okay po" sabi nito at niyakap si Gulf.

Masaya naman si Gulf na nirerespeto siya nito. Isang malaking Green flag si Mew para sa kanya.

Bago Mahuli Ang LahatWhere stories live. Discover now