Chapter 2

34 1 0
                                    

GULF POV

Napabangon ako dahil sa sobrang lakas ng kumakatok sa kwarto ko, kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para icheck kung anong oras na ba. 10:37 AM na pala.

Agad akong tumayo para pag-buksan ang kung sino man sisira sa pintuan ko. Sa totoo lang wala akong plano buong araw kundi sana matulog lang kaso parang 'di iyon ang nakatadhana.

Pag-bukas ko pintuan, may biglang kumapit sa hita ko.

"Tuyaaa!!(Kuya)" sabay taas ng dalawang kamay na senyales na nagpapabuhat ito.

"Good mowning!" masayang bati nito sabay yakap ng mahigpit saakin.

"Good morning din po" malambing kong bati.

Pumasok kami sa loob ng kwarto sabay akong humiga, habang si alisean ay nakaupo lamang sa kama.

"Tuya? Why di ikaw nag-uup?" Tanong nito.

"Maaga pa alisean eh" sagot ko.

Hinihintay ko pang sumagot ito pero wala na, paglinga ko sa kanya ay nag-lalaro na ito ng lego niya.

-

"Gulf! Alisean!" sigaw ni mom.

Umidlip lang ako kanina, ngayon nakikipaglaro na ako kay alisean binubuo niya kasi itong lego na regalo sa kanya ni kuya ivan.

"Alisean stop that one muna, mom is calling us." Sabay bangon ko at agad ko na itong binuhat.

Nagulat nalang ako ng bigla akong kagatin ni alisean sa balikat.

"Why did you bite kuya?" Tanong ko, shet medyo masakit yung kagat na iyon pinong pino ba naman.

"Why didn't inform me tuya, bigla nalang ako buhat" sabi nito habang naka-pout na parang nagtatampo kahit ang totoo hindi at nagpapalambing lang.

"Sorry, kasi mom will get mad." sagot ko habang pababa ng hadgan namin.

Nilapag ko si alisean sa pwesto niya, habang tinutulungan ni aling ana si kom maghain. Lahat kami nasa hapag na kumakain nagkwkwentuhan at nakikinig sa walang katapusang kwento ni alisean tungkol sa kanyang favorite na movie na Toy Story. 

-

Katatapos lang namin kumain nanditi kani ni alisean sa salas naglalaro ulit ng lego niya. Habang si mom ay umalis kasi may important meeting daw siya.

Nang bigla nalang tumunog ng malakas yung front door namin dahilan para magulat kaming dalawa ng kapatid ko.

"Hoy!" Sigaw ng malakas ni win mula sa front door namin. Halos magiba ito sa lakas ng pagbukas niya.

"Para ka namang tanga nakakagulat ka!!!" Inis kong bulyaw dito.

"Namiss lang kita, sumama ka samin sa saturday mag-bar tayo at 'di ka pwedeng mag-no!" Dire diretchong sabi ni win.

"Ichcheck ko pa schedule ko kita mong busy ako lagi 'di ba?" Tanong ko.

"Hoy! Tigilan mo ko 'di ako pupunta rito ng 'di ko nachcheck yung schedule mo at sabi din ni mild na wala kang sched non!" Tuloy tuloy niyang sabi. Akala mo 'to lagi may ka-away ang bilis bilis magsalita.

"Tyaka nandoon mga tropa natin! Ano baa!? Ayaw mo din ba makita boyfriend ko? Akala ko ba gusto mo makilala?!" Asik nito.

"Susunduin niyo ba ako? Hindi ko isasama si kuya ivan." Yan nalang ang naitanong ko.

"Oo, i'll text you nalang. O siya! Aalis na ako yun lang pinunta ko rito" Sabay kiss kay alisean at inabot nanaman ang panibagong laruan na remote car.

I'm very very thankful to win kasi kung hindi kwarto ko ang nakaka-kita ng kahinaan ko, siya rin ang laging nandyan para sakin. Bata palang kami mag-kaibigan na kami, My mom and win's mom are high school friends. Naalala ko pa noon tuwing nagkikita kami ni win sa office ni mom lagi agad namin kinakalat yung laruan para maglaro.

Bago Mahuli Ang LahatWhere stories live. Discover now