'Mag tatake na naman ako ng risk para sayo sakuragi, kailan mo ba ako papansin? Kailan mo ba ako magugustuhin din?' Bulong na saad ni aki sakanyang isipan bago pinakatitigan si sakuragi.




"Bakit ka umiiyak, hmm?" Malambing na tanong ni sakuragi sabay punas nito sa pisngi ni aki gamit ang mga daliri nito.




'gustong gusto kita, sakuragi. Gustong gusto kita.' Sigaw ni aki sakanyang isipan. Gustong gusto niya ng sabihin dito ang nararamdaman niya kaso naalala niya na hindi pala ako ang mahal nito kundi sa haruko.


Ang babaeng kinaiinggitan ko sa lahat, kahit walang siyang gawing effort nilalapitan siya agad ni sakuragi para lang kamustahin at pasayahin.



"Wala naman sakuragi, masaya lang ako para sayo kasi natupad mo na ang pangarap mo." Saad ni aki na nakangiti ng todo habang nakatingala kay sakuragi.

Ngumiti din si sakuragi sakin bago tumingin sa malayo at muling tumingin sakin, nagulat pa ako ng halikan ako nito sa noo. Tila nag rambulan ang puso ko dahil sa ginawa ni sakuragi.


siguro'y pulang pula na ang mukha ko.




"Sakuragi?" Natigilan ako at napatulala ng marinig ang boses ni haruko.


Tila nabasag ang pag asa at nawalan ng lakas si aki ng may marealize na isang bagay. Matapos niyang kiligin ganon din naman kabilis nawala at napalitan ng pagdududa sa ginawa ni sakuragi.



'kaya ba naging sweet si sakuragi sakin dahil nakikita niya na kanina pa si haruko? Kaya ba siya tumingin mula sa likod ko kasi nandoon na si haruko bago niya ako hinalikan sa noo?'


Mapait na napangiti si aki sa realisasyon, putek! Ginawa lang pala akong gamit para sa pagpapaselos effect niya kay haruko. Nice strategy sakuragi, hindi lang si haruko ang nakuha mo, pati narin ang puso ko.




Sinasaktan mo ako pero hindi mo nakikita yon, pinapakilig mo ko para lang sa wala. Pinapaasa mo ako sa wala, pero bakit kahit sobrang sakit gustong gusto parin kita.




Nakakatunaw sa kahihiyan ang nagawa ko, siguro iniisip mo ngayon sakuragi na napaka easy to get ko. Mabilis mahulog sa konting paglalambing mo lang, ang sweet mo pa kanina kaya lalo akong nagkaroon ng pag asa.



"Haruko? Ikaw pala." Gusto kong tumawa, iyong tawang may kasamang sakit kasi nasa harapan na niya ang totoong mahal ni sakuragi.




" Ah. Oo, may binili lang ako. Pero pauwi narin ako." Napatingin ito sakin sabay ngiti ng malamyos



"Sakuragi? Sino siya? Ang ganda naman niya?" Palihim akong napairap bago ngumiti din kay haruko ng pagkatamis tamis.



nagulat pa ako ng bigla akong akbayan ni sakuragi, yan sakuragi, dyan mo ako mabilis na nakukuha e. Sa mga pagpapakilig mo, sa pagakbay akbay mo na wala namang meaning para sayo.



"ah si aki, manager namin siya sa okaido, bestfriend ko rin at kapatid." Sige. Pagduldulan mo pa kay haruko kung hanggang saan lang ako sayo.



" Hi aki, haruko akagi nga pala. Second manager ng shohoku." Sabay lahad ng kamay nito sa harapan ko.


Kinamayan ko naman ito bago nginitian.



"Hi haruko, ang ganda ganda mo. Magka ano ano kayo ni sakuragi? Boyfriend mo ba si sakuragi?" Saktan mo lang sarili mo aki, masasanay ka rin dyan.



namula naman ng husto ang mukha ni haruko, hanggang sa biglang naalala ni aki ang sinabi ni rukawa sakanya kanina.


'Who knows, baka meron din siyang gusto pero tinatago niya lang katulad mo.'


"H-hindi aki, hindi ko boyfriend si sakuragi." Sagot nito, automatic namang napatingin si aki kay sakuragi at ganon nalang ang pag iwas niya ng mabilis ng makita niya ang expression nitong nasasaktan dahil sa sinagot ni haruko.

Shit!


Napatikhim si aki ng maramdaman niya na naman ang pangingirot ng puso niya at pangingilid ng luha sa mata niya.



"A-ano.. pasensya na, mauuna na pala ako sainyo ha? Ano.. may lakad pa akong pupuntahan." Hindi na siya nag paalam pa kay sakuragi dahil agad na siyang tumakbo paalis.


kasabay ng pagluha niya at hagulhol na rin. Naglalakad siya patungo sa park kung saan walang makakaalam.




'Gusto ko munang mapag isa. Kainis, sobrang nasasaktan talaga ako ngayon.' Anas ni aki sakanyang isipan bago pinunasan ang pisngi gamit ang likod ng kanyang palad.



Nang makarating siya sa taas kung saan nandoon ang park ay agad siyang naupo sa isang bench doon. Napakagat labi siya at muling hinayaan ang sarili na malunod sa sakit.



'Mukhang magiging ganito na ang routine ko sa twing makikita kong magkasama si haruko at sakuragi.' Anas ni aki sa kanyang isipan.



Napapikit si aki at dinama ang lamig ng simoy ng hangin, dapit hapon na at napakaganda ng araw ngayon.




"Sana ganito rin kapayapa ang nararamdaman ko ngayon." Saad ni aki sakanyang sarili




"Pfft. May mabigat kabang dinadala?"









*****
(Author note: pabitin ulit 😅😂 hulaan niyo ulit kung sino ang magiging kaagaw ni sakuragi kay aki. Pag nahulaan niyo imention ko kayo sa susunod na gagawin kong kabanata 20. Yiee, galingan niyo habaan ko rin iyon. Sige salamat po sainyong lahat.)



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now