"Dun kami ni Maeng sa pitch tsaka rhythm." Biglang singit ni Elhomer.

" Do'n nga kayo 'di ba? Paulit ulit? " nakapamewang na saad ni Kath sa kanya. "Basta ayusin nalang natin. Tsaka lakihan ang boses."

" Mahinhin pa naman ako. " ipit na boses na sabi ni Syrhine.

"Talaga ba, Syrhine? Pakyu." Binatukan siya ni Kath. Oh diba, napaka friendly.

Sumimangot si Syrhine. "Parang hindi kapatid ah?"

Inirapan nalang siya mi Kath at humarap kay Scarlet, ang pinakatahimik sa grupo. Literal na tahimik. I mean, nakikitawa siya, oo. Pero hindi yung tawa na katulad ng iba naming ka grupo. Siya ang mahinhin style.

Dumaan ang oras na puro plano ang kami at paghahanda para sa presentation. Bumalik na din kami sa mga pwesto namin nang mapagod.

"Tara canteen. Ubos na tubig ko, huhulugan ko lang." Biglang aya ni Faith. Ewan kung sino amg niyayaya. Nakatingin kasi sa bag niya at may kinakalkal.

" Oh, tara. Bilis. " Tumayo si Kath at kinuha ang tubigan niyang paubos na din ang lamang tubig.

"Uy, canteen kayo? Bilhan nyoko piattos." Nag abot ng bente si Cedric kay Kath. Napangiwi naman ang babae.

" Utusan lang? Nag utos ka lang ng isang beses, umulit kana ah. Hobby, tol? " note the sarcasm in Kath's voice. "Akin na sukli ah."

Ngumisi lang si Cedric at umalis. nag chichismisan sila ni Niña.

"Gly, tara na!" Sigaw mo Kath sa may pinto. Agad nalang sumunod si Faith pero dahil nadaanan niya ako, nadali ako.

Oo, nasama ako!

Sa hallway kami ng main building dumaan kasi medyo mainit kung sa quadrangle kami dadaan. Short cut yun pero mainit talaga. Hindi naman kami nagmamadali kaya ayos lang medyo mapalayo.

Napakadami naman palang kakilala nitong dalawa kong kasama. Si Faith, mostly mga nasa higher grade level amg kakilala dahil sa pagka SSG officer niya. Si Kath naman, mix yata. Sa tuwing mau makakasalubong, may nababati or babati sa kanila ni Faith.

Pagdating namin sa canteen, madaming tao. Mahaba ang pila at may sumisingit pa.

"Tara sa likod. Kunwari magpapaluto tayo ng pancit canton." Hinila kami ni Kath papunta sa likod ng canteen. Entrance yun papasok sa mismong tindahan. Dito din naghihintay ang ibamg magpapaluto.

" Ate Grace, may piyaya pa? " tanong kaagad ni Kath pagpasok.

"Ate Grace, yung pillows po na violet tsaka piyaya isa. " si Faith.

Mahina akong natawa nang bigyan kaagad sila ng tindera. Special treatment lang.

"Yung piattos ni Cede, ubos na. Hahaha! Ate, Bingo nalang po, yung puti, dalawa na."

Nang maibigay ang binili, umalis na din kami.

"Anong ganap mo sa friday, Sin?" Biglang tanong no Faith sa akin. Busy naman si Kath sa pagpansin sa mga nakakakilala sa kanya.

" Wala naman. Bahay lang. "

"Parehas. Bantay bata ako. Ewan ang sa isang 'to, " tinuro niya si Kath. "Palagala eh. Baka may lakad, hindi nagsasabi." Mukhang narinig ni Kath yun kaya napatingin siya kay Faith.

" Ha? Bakit? "

"May lakad ka daw sa friday." I said that to her as a statement. Not a question.

She shook her head. "Wala. Bahay lang ako."

"Maglalakad ulit kayo?" Biglang tanong ni Faith.

" Ako, oo. Palagi naman. Ewan kay Sin, 'di na nahagilap kahapon pagtapos ilebre si Josh ng tempura. " My eyes widened. Oh, damn! Akala ko hindi na mauungkat pa 'yon!

"Manong dalawang tig sampu. Siya po ang magbabayad." Tinuro niya ako.

Walanghiya!!!

Pangalawa na 'yan ah. Peste!

Nang lingunin ko si Kath, busy siya sa pakikipag usap sa isang lalaki na estudyante din. Bumibili yata ng mangga. Sina Syrhine at Trisha naman ay nakasakay na pauwi. Bale, ako nalang mag isa ang kaharap ng dalawa.

Wala na akong choice kundi ang bayaran ang pinabili nila. Ngisi naman nila akong pinasalamatan habang lumalamon.

"Dadaan naman kami sa inyo bukas, sunduin ka namin. Una na kami." Bago pa man ako nakapagsalita, nakaalis na sila.

Nakalimutan ko yatang susunduin nila ako dahil sa nilbre ko sila. Yun din ang naging dahilan kung bakit naiissue ang ginawa nilang pagsundo sa akin na nakalimutan ko.

Oo, planado, pero nakalimutan ko. Mabuti nalang pala at nalate ako ng gising.

Skies in Between (High School Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt