CTBC: Kabanata 37

Start from the beginning
                                    

Nang maramdaman ko na pumasok na sa kotse si Dior ay agad akong bumaling sa bintana upang iwasan ito. At no'ng magtangka ito na ikakabit ang aking seatbelt ay inunahan ko na ito. Nakakainis!

"Hey! Are you jealous, sweetheart? I'm just kidding when I said I need partner for girls hunting. I'm just teasing you" wika nito na halata naman sa boses na tuwang-tuwa itong asarin ako.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Hindi mo kailangang magpaliwanag dahil hindi naman ako nagseselos at wala namang tayo" walang emosiyon ang boses na wika ko.

Napansin ko na unti-unting nawala ang ngiti nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Wala na ngayong emosiyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

Nakaramdam ako bigla ng konsensiya kaya naman iniiwas ko nalang ang tingin ko dito at muling bumaling sa labas ng bintana. Lihim kong kinurot ang sarili ko dahil sa binitawan kong salita dito. Ramdam ko na nasaktan ko ito.

"Ok, I'm sorry" Narinig kong wika ni Dior bago nito pinaandar ang kotse nito.

Walang imikan na nakarating kami sa bahay nito. Nang makababa kami ng kotse ay isang babae ang agad na sumalubong kay Dior. Napaiwas nalang ako ng tingin no'ng mabilis na lumingkis ang mga braso ng babae sa leeg ni Dior.

"I miss you, my man?"

Jade Gomer.

"What the hell are you doing here?" May diin sa boses na tanong dito ni Dior habang pilit na inaalis ang pagkakalingkis ng babae.

"To pick you up. My dad want to see you, my man" sagot nito habang pilit inaabot ang labi ni Dior para halikan.

Nakakaramdam na ako ng inis para sa Jade Gomer na ito. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon ng mga ito. Nagtagumpay naman ako dahil inis na lumingon sa akin 'yung babae. Hindi ito nagtagumpay na halikan si Dior.

"Sino ka ba huh? Epal" Nakataas ang isang kilay na tanong nito sa akin. "Sino ba siya, my man?" Malambing naman ang boses na baling nito kay Dior.

"She is----" Tumingin sa akin si Dior na para bang nasa akin ang sagot. Napansin ko ang pag-asam sa mukha nito.

Napalunok-laway naman ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na isagot ko. "K-kaibigan niya ako" wala sa sarili na usal ko. Muli kong nakita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Dior.

"Ah ok, kaibigan lang naman pala" Nakangiting wika no'ng babae bago bumaling kay Dior. "Let's go na" Mataray na akit pa nito bago pinulupot ang mga kamay sa braso ni Dior.

"Ok" Walang emosiyon ang mukha na sagot naman ni Dior. Inalis na rin nito ang tingin sa akin.

Sinundan ko nalang ng tingin ang mga ito habang papunta ang mga ito sa kotse. Hindi na ako muling nilingon ni Dior. Bahagyang kumirot ang dibdib ko dahil doon.

Nasasaktan ako.

Nang mawala na sa paningin ko sina Dior at 'yung babae ay bumuntong-hininga muna ako bago naglakad papasok ng bahay.

Mabilis na lumipas ang oras, hatinggabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Dior. Kanina pa ako nakatanaw sa gate mula dito sa terrace ng aking kwarto para hintayin ang pagdating nito pero wala pa rin.

Tumingin ako sa orasan na nakadikit sa dingding. Napabuntong-hininga na naman ako no'ng malaman ko na alas dose na ng gabi. Nasaan na ba ang lalaking 'yun?

Napakagat ako sa kuko ko sa daliri para pakalmahin ang sarili. "Saan ba sila pumunta ng babaeng 'yun?" Hindi ko napigilan itanong sa aking sarili.

"Bakit hindi mo pa sagutin si señorito, anak? E halata namang gusto niyo ang isa't-isa. Bagay na bagay kayo, anak" Pukaw sa akin ni inay Besilda na noon ko lang napansin na naroon na pala sa aking kwarto. Inilapag nito ang dalang pagkain sa mesa na nasa gilid ng aking higaan.

Napabuntong-hininga ako sa tanong ni inay. Lumapit ako dito at umupo sa gilid ng kama. "N-nakakatakot po k-kasi inay, m-masyado pong malayo ang agwat namin ni Dior"

Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni inay.
"May requirements ba pagdating sa pag-ibig, iha?" Tanong nito na ikinatingin ko dito.

"Po?"

"Wala naman requirements pagdating sa pag-ibig, diba? Ang mahalaga lang naman ay masaya kayo sa piling ng isa't-isa. Hindi niyo na dapat pahirapan pa ang mga sarili niyo, iha" Tumingin ito sa akin para ngitian ako. "Pinapahirapan na nga kayo ng mga taong nasa paligid niyo, pati ba naman sarili niyo pahihirapan niyo pa rin? Hindi dapat gano'n, iha. Kung tanggap ka niya, dapat tanggap mo rin siya" Dagdag pa nito.

Napaisip naman ako ng malalim sa sinabi ni inay. "Salamat po-----"  Hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil nakarinig ako ng busina ng sasakyan. "Nandiyan na siya, inay"

"Ang saya mo, anak" Narinig kong wika ni inay Besilda kaya napagtanto ko na nakangiti na nga ako.

Napapahiyang bumaling ako kay inay. "Ha-ha, pasensiya na po inay" Napapakamot sa batok na wika ko pa dito.

Ngumiti naman sa akin si inay Besilda. "Masaya ako para sa inyo, anak. Sige, matutulog na rin ako, maiwan na kita dito" wika ni inay bago tumungo sa pinto.

"Salamat po, inay" Pahabol ko pa kay inay.

Bumalik ako sa terrace para tanawin ang gate. Napasimangot ako no'ng wala akong Dior na nakita doon.

Nawala lang ang atensiyon ko sa gate no'ng makarinig ako ng mga katok mula sa pinto ng aking kwarto. Mabilis akong tumungo roon.

"B-bakit po kayo bumalik i----" Natulala ako sa lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan.

"Flowers for you, sweetheart" wika ni Dior habang may bahagyang ngiti sa labi.

Walang imik na tinanggap ko ang malaking bungkos ng rosas na inaabot nito sa akin. Napatingin ako sa mga mata nito pagkatapos.

"I'm sorry for what I've said earlier, sweetheart. I'm just really teasing you. Actually, I like he to be our first child for me to have partner in protecting the woman I love. I want my son and me to protect you"

"Huh? Diba dapat 'yung anak natin ang dapat na protektahan natin?" Naguguluhan na tanong ko dito.

Napakamot ito sa batok at ngumiti ng alanganin. Nasira ko yata ang moment nito. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti sa itsura nito ngayon.

"Yes. We will protect our son first, then if he grows up, me together with him will protect you. We will protect each other" sagot nito dahilan para matunaw ang nararamdaman kong inis para dito. "Goodnight, sweetheart. Take your rest now" wika nito bago ko naramdaman ang paglapat ng labi nito sa noo ko. Naglakad na rin ito patungong kwarto nito pagkatapos.

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko no'ng mawala ito sa aking paningin.

🌞 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Where stories live. Discover now