CTBC: Kabanata 36

57.5K 1.2K 60
                                    

"My Gem?"

Agad na sumikbo ng mabilis ang puso ko no'ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon mula sa pintuan. Pigilan ko man ang aking pagngiti ay pilit pa rin iyong kumakawala sa aking labi.

Sa mga nakalipas na araw ay hindi na bago sa akin na puntahan ni Dior sa aking kwarto para lang bigyan ako ng bulaklak sa tuwing umuuwi ito. Pinipigilan kong mahulog dito pero dahil sa mga ginagawa nito ay sa tingin ko ay hulog na hulog na ako. Ayoko lang iyong sabihin dito, natatakot pa rin ako.

Nang sa tingin ko ay kaya ko nang pigilan ang pagngiti ko ay naglakad na ako patungong pinto. "Ba----"

Hindi ko natuloy ang pagtatanong ko dahil halos dumikit sa mukha ko ang hawak na supot ni Dior. Agad rin naman nitong inalis iyon dahil sumilip ito sa akin para ngitian ako. Bahagya pa nga akong natulala dahil sa kagwapuhan nito. "I bought strawberry ice cream for us, sweetheart" wika nito bago tumuloy sa aking kwarto.

"Hoy b-bakit kailangan may pagpasok sa kwarto?" Sa nakalipas na araw ay medyo naging komportable na rin ako sa presensiya nito. Nasasanay na rin ako na makasama ito.

"Let's eat the ice cream together, sweetheart" wika pa nito bago dumiretso sa terrace ng aking kwarto.

Bahagya pa akong lumingon sa may pinto para alamin kung may dala itong bulaklak pero sa tingin ko ay wala. Napakibit-balikat nalang ako.

"Hindi ako bumili ng bulaklak ngayon, my Gem" Narinig kong wika ni Dior dahilan para bumaling ako nito. Inaayos nito ang mga upuan na nasa terrace.

Pagkatapos nitong ayusin ang upuan na naroon ay naglakad ito pabalik sa akin. "But I bought something for you" Dagdag nito bago may inihulog mula sa palad nito. Isang kwentas na may pendant na maliit na bulaklak. Kuminang pa ang bato sa kwentas no'ng matamaan 'yun ng sinag ng buwan. Sa tingin ko ay yari sa diamante ang pendant na 'yun.

No'ng akmang isusuot na nito sa akin iyong kwentas ay mabilis akong humakbang paatras. "H-hindi ko matatanggap 'yan" Alam kong sobrang mahal no'ng kwentas na iyon kaya hindi ko iyon kayang tanggapin.

"Tsk!" Asik lang nito bago maingat na hinigit ang aking braso. Wala na akong nagawa no'ng dahan-dahan nitong inilagay sa leeg ko ang kwentas.

Hindi na rin ako makagalaw dahil sa presensiya nito. Masyadong malapit ang mukha nito sa may leeg ko. Nararamdaman ko pa nga ang hininga nitong tumatama sa aking balat.

"I want to kiss you, sweetheart" Narinig kong wika nito na halos ibulong nalang sa aking tainga. Sunod-sunod ang naging paglunok ko.

"Then kiss me" wala sa sarili na sagot ko. Para akong nahihipnotismo sa kakaibang kiliti na dulot ng pagkakalapit nito sa akin.

Sa mga nakalipas na araw ay hindi ko na rin makontrol ang bibig ko sa kung anong idinidikta sa akin ng isip ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dior kaya bumalik ako sa katinuan.

Mabilis akong lumayo dito no'ng mapagtanto ko ang aking sinabi. Napayuko ako at napakagat sa aking labi dahil sa kahihiyan. "K-kalimutan mo nalang 'yung-----"

"The necklace suits you well, my Gem" Putol nito sa iba ko pang sasabihin na alam ko namang ginawa nito para hindi ako mapahiya. Lihim naman akong napausal ng pasasalamat dahil doon.

Hinawakan ni Dior ang baba ko para iangat ang aking mukha at magkasalubong ang mga tingin namin. Muli akong napalunok-laway no'ng maingat nitong haplusin ang aking pisngi kasabay ng pagsilay ng maganda nitong ngiti.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Where stories live. Discover now