Ngunit minsan parang pakiramdam ko ay may gusto rin ang kaibigan ko kay Cedrick.
Dahil nahahalata ko iyon sa mata ng isang tao. Nag-kunwari nalang ako na hindi ko nahahalata iyon pag kasama si Alice.

Sa bawat paglabas namin ni Cedrick mas nagiging comfortable akong kasama siya. At napaka-maunawain rin niya, handa ka ring ipagtanggol.

~*~

Muling lumipas ang buwan, na umabot na ng taon.

3rd year College na ko ngayon. Balak ko na ring sagutin si Cedrick ngayon.

Nang sagutin ko siya, hindi ito makapaniwala at mababakas ang saya niya sa kanyang mga mata. Then he kissed my forehead.

Habang patagal ng patagal ang relasyon namin, ang dami ng struggles na dumarating lalo na sa studies. Pero kahit ganon kinakaya pa rin namin.

Si Alice naman ay lilipat na raw ng University. Dahil ba sa kami na ni Cedrick? Hindi naman ata tama 'yon, isang taon nalang naman makakatapos na siya rito. Pero wala naman akong magagawa at choice niya 'yon.

Tinawagan naman ako ni Cedrick at may pupuntahan daw kami. Pumayag ako since bakasyon naman na.

Hindi ko in-expect na sa Bar pala kami pupunta. Birthday daw ng kaibigan niya kaya ininvite siya nito.

Nabibingi ako sa lakas ng mga sounds dito sa bar. Habang si Cedrick naman ay masayang nakikipag-inuman.

Uminom rin ako dahil pinilit niya ako. Mabuti at hindi naman heavy ang nainom ko, ngunit 'yung sa kanila ay heavy alcohol.

"Cedrick lasing kana! tama na!" suway ko kay Cedrick na ayaw pa tumigil sa pag-inom.
"Isa nalang Alice pls? Love." pag-pipilit niya sa'kin.

"Hindi pwede, ipapahatid na kita sa dorm niyo." sagot ko.
"Hays okay susunod nako, basta ikaw nalang maghatid sa'kin." sambit niya.

Hindi nako sumagot at nagpa-assist na sa mga kaibigan niya na alalayan siya papuntang sasakyan.

Kinabukasan naalala kong may nangyari sa'min ni Cedrick.

Nagsisisi ako sa nangyari at hindi naman namin sinasadya iyon. Humingi rin ng tawad si Cedrick at hindi niya talaga ginusto iyon. Sana lang walang mabuo.

*end of flashback*

Ngunit may nabuo. Hindi niya ko ma-contact si Cedrick. Tinanong ko rin iyon dati sa mga kaibigan niya. Nagpunta rin ako sa bahay nila ngunit wala siya ron.

Sobra akong nasaktan bakit ba nangyari pa ang lahat ng 'yon. Napakatanga ko. Naisipan ko ring ipalaglag ang anak ko ngunit may pumigil sa'kin. Ang ate ko.

Itinago muna namin ito, mabuti at bakasyon pa kaya maaasikaso namin ito.
Alam kong matitigil ako sa pag-aaral ngunit babalik ako at magtatapos pa rin.

Ipapamukha ko sa kanya na kaya ko kahit wala siya. At wala siyang anak dahil ako, kami ang magtataguyod sa anak ko. Nadala rin ako ng galit kaya marami akong masasakit na salitang binitawan.

Ngayon successful nako sa buhay, at lumaki rin ng maayos ang anak ko. Sa tulong ni Ate Jancheska napakalaki ng utang na loob ko sakanya. Dinala niya rin sa states si Avery nung maliit pa ito.

At nanirahan sila ron for almost 8 years. Talagang itinago namin si Avery sa ama niya, kung sakali mang hanapin niya ito.

But two months ago, nalaman ko kung saang kompanya nagtatrabaho si Cedrick. Dahil one time na nagpunta ako ron binisita ko ang kaibigan ko. Hanggang sa makilala ko kung sino ang CEO nila. Sa sobrang pagkabigla ko, dali dali akong umalis at pumasok sa loob ng kotse.

Wish We Never MetWhere stories live. Discover now