Chapter Twenty-Four

Start from the beginning
                                    

Napatingin ako kay Vince, nilapitan niya naman ako at saka tumabi sa akin.

Kinuha niya ang vital signs ko saka umalis.

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, ano ba ang nakaraan ko para mas gusto ko itong kalimutan?

"Ginusto kong kalimutan ang nakaraan ko?" Tanong ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga naman si Vince at muling niyakap ako. "No, babe, it's just your brain. Sometimes they're uncontrollable. Don't be confused, okay. Take your time, we'll figure this out."

Kahit na anong sabihin niya ay hindi ko kayang matahimik, gusto kong malaman anong nangyari sa akin.

"Gusto ko ng makaalala." Dahil nais kong makilala si Aurelia, paano ako naging Pauline? Sino ang tunay kong pamilya, sino si Sylvia?

Naguguluhan ako.

"Yes, unti-unti. ‘Wag mong biglain ang sarili mo, okay?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa kaniya.

"O-okay..." Tumango ako.

"Good girl." Hinalikan niya ang noo ko saka ako muling niyakap.








"Tell me, Aurelia, kanino ka sasama? Kay Daddy or kay Mommy?" She asked, crying.

"D-don't do this to me, mommy..." My voice broke. Ang hirap pumili dahil mahal ko silang dalawa.

Even though dad betrayed us, I can't be mad at him, I love him too much.

"Baby, you know I don't like this either. Your father destroyed our family." She still cried, hindi ko na rin mapigilan ang paghagulgol ko, paano kami humantong sa ganito.

"M-mommy..." I begged, I don't want to choose.

"Sa akin ka ba sasama o sa kaniya?" Muling tanong niya.

I looked at her eyes, this broke my heart. "S-sa ‘yo."

My anger at dad disappeared, dapat galit ako sa kaniya kasi niloko niya kami pero hindi ko magawa but I'm choosing mom.

I know she needs me more, she's hurt and devastated. I can't leave her at this stage.

"Good, now pack your things and we'll leave this house tomorrow morning." She smiled as she walked out.

This scene broke my heart, I looked at Daddy who's listening at us. Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa amin kanina.

His bloodshot eyes broke me more. Alam niyang hindi na niya mapipigilan ang pag alis namin ni mommy. Tuloy tuloy ang paghagulgol ko.

I can't believe at the age of 15, I lost everything.











Kinabukasan ay nakauwi na kami, hindi ako iniwanan ni Vince. Hindi ako nakatulog nang maayos. May mga napapanaginipan ako pero hindi naman malinaw sa akin. Hindi rin malinaw ang mga mukha ng naroon.

"Ma! Okay ka na po, ma?" Malaking ngiting niyakap ako ni Xyphere.

"Oo, ayos na ako, ‘nak." Ginantihan ko naman siya ng yakap.

Kahit na isang araw ko lang siyang hindi nakakasama ay namimiss ko ang anak ko.

Magkatabi kaming dalawa ng anak ko sa hapagkainan, si Vince naman ay naroon sa harap namin.

"Ma, nandito ‘yong friend ko po kahapon." Masiglang pagkukwento naman si Xyphere.

Napakunot naman ang noo ko, wala naman akong naalalang kaibigan niya dahil hindi naman siya lumalabas ng bahay. "Sino?"

"Si Elliana." Nakangiting aniya.

Hindi ba’t ‘yon ang nakalaro niya noong birthday niya.

"Sinong kasama niya?" Tanong ko na lang.

"Wala po, mag isa niya lang po." Inosenteng saad niya saka kumagat sa chicken niya.

Napatango na lang ako.

"We'll go to the States next week, Pauline." Si Vince na ang nagsalita.

"Bakit?" Tanong ko at uminom ng tubig.

"Naasikaso ko na ang lahat. Ooperahan na nila ang anak natin. I'm sorry this took us so long." Sabi niya.

Napangiti naman ako, napatagal nga ang operasyon niya pero ayos na ‘yon dahil hindi naman talaga biro ang perang ggastusin para sa operasyon niya. "Ayos lang, ang mahalaga ooperahan na siya."

"I made sure the operation shall be done immediately. Kailangang mai-safety si Xyphere and then we'll get through all of those shits happening to us." Aniya.

Mahinang napabuntong hininga ako.

Hindi pwedeng maging mahina ako ngayon dahil may anak ako.

Matapos ang operasyon ng anak ko ay kikilalanin ko naman ang sarili ko.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now