Chapter Thirty-seven

Magsimula sa umpisa
                                    

Kahit mukha na talaga akong tanga sa mga ginagawa ko at nagiging desisyon ko sa buhay.

While he's crying and explaining to me, I can see that I hurt him, too. Sa aming dalawa, hindi lang ako ang nasaktan, siya rin.

I sighed when I remembered how messed he was. For almost two decades that we know each other, that was the first time I saw him down on his knees and wrecked. Sobrang layo sa Cai na una kong nakilala na inakala kong bato at walang pakialam sa paligid.

He's ruthless like what other people often describe him, but I met the other side of him who's soft and fragile. Sa akin lang siya ganoon.

Like what he said to me, he will court me again and he's really true to his words. He often goes here from work, almost every day. Palagi rin siyang may dalang bulaklak pero hindi na pink daisies katulad nang palagi niyang ibinibigay sa akin noon.

White roses na ang dala niya that symbolizes loyalty and purity. He wants me to know that he's loyal and what he feels for me is pure.

He says to me how his day went. I talk to him casually. Hindi ko naman siya kayang balewalain o hindi pansinin. Palagi niya ring sinasabi na handa siyang maghintay kung kailan ulit ako babalik sa kaniya.

And I can say that I really miss my home-I miss him so much.

Umiling ako para maalis ang mga iniisip ko. Hindi dapat ako masyadong nagpapaka-stress. Kinuha ko na lang ang phone ko para sana tawagan sila Kylei kaso hindi naman siya online sa private account niya. Iyon lang ang binubuksan niya dahil nagtatago pa rin siya kay Jai.

Nakausap ko na siya noong nakaraang araw at nag-sorry siya dahil doon sa message niya. Napilitan lang daw siyang i-message ako dahil kinukulit siya nila Mommy.

I understand him naman. Sadyang hindi lang talaga namin ma-reach ang trip ng mga magulang namin.

He asked me about Kylei, too.

"Where in France, Mil? I want to see her," he begged, while following me to the kitchen.

"I won't tell even a single word about where she is, Jai. But I can tell that she's okay there. Don't worry about her. She's literally fine," I said and munched an apple. "Pero kung gusto mo talaga siyang makita, halughugin mo ang buong France tutal mayaman ka naman. Basta hindi ko sasabihin kung nasaan siya dahil pinangako ko 'yon sa kaniya."

"Galit ba siya sa akin kaya ayaw niyang magpakita? Does she hate me because I had a fight with her dad?"

I looked at him intently and shook my head slowly. "She loves you, Jai. But she can't disobey Tito Reynald. Ayaw niyang magkita kayo dahil ayaw niyang lalong lumala ang sitwasyon."

He sighed. Yumuko siya at malalim na nag-isip. Pinagmamasdan ko lang siya habang abala ang bunganga ko sa pagnguya ng mga prutas na mahawakan ko.

"What am I going to do to have her back, Mil?" he asked sadly.

I clicked my tongue. He looked at me, so I smiled. "Maybe you need to settle your things with her dad. Prove yourself to him that you're worthy of his daughter. Siguro kailangan mo ring mag-sorry tungkol sa kung ano man ang pinag-awayan n'yo." My brows furrowed. "Teka, ano nga bang pinagtalunan n'yo ni Tito?"

"About her dream to be a lawyer. Sinabi ko lang naman na hindi niya dapat pinipigilan ang anak niya sa kung ano ang gusto niyang gawin, lalo na kung wala naman siyang ginagawang masama. If it's her dream, he should support her."

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon