KABANATA 1

4 0 0
                                    


Naglalakad ako papunta sa kwarto ni daddy dahil papasok na kami ni Naomi. Naomi is my bestfriend since i was a kid. Her lola is a friend of my lola also. Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto ni daddy ay naririnig ko ang usapan ng tatlong tao sa silid. My dad, mom and lola is having a conversation but i don't understand them. ''Hindi ako papayag na umapak ang paa niya sa lugar na iyon ma!'' Rinig kong sabi ni daddy

Bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto kaya't kitang kita ko sila. ''Ma, please itigil niyo na ito. Hindi na magbabago ang desisiyon ko. Hinding hindi siya aapak sa lugar na iyon.'' Matigas na sabi ng aking ama. Pilit na ngiti ang isinukli ni lola sakaniya at sa ka mommy na tahimik lang.

''Anak, hindi ikaw ang magdedesiyon para sakanya-''

''Kung hindi ako sino? Sino ma?!'' Napapitlag ako ng tumaas ang boses ni daddy. Hinawakan ni mommy ang braso ni daddy para kumalma. I was about to open the door when lola speak again.

''Kung noon natakasan mo nakaatang na responsibilidad sa iyo sa lugar na 'yon, ngayon hindi na. Maaulit at mauulit lang ang mangyayari sa pamilya natin anak. Kailangan ka ng Arvish noon pero mas pinili mong magbulag bulagan. Nirespeto ko iyon ngunit mas lalong lumala ang situwaisiyon roon anak. Kailangan siya ng Arvish. Kailangan sila ng buong mamamayan ng Arvish.'' Hindi ko sila maintindihan, ni hindi ko alam kung sino at ano ang tinutukoy nila.

''Paano kung mali kayo ma? Paano kung hindi lang tayo ang may simbulo ng itinakda? Sila ang dahilan ng pagkamatay ni papa, ma. Ayokong mawalan ng mahal sa buhay muli. Hindi ako papayag.'' Sagot ni daddy. Lumapit si lola sakaniya at niyakap habang hinahaplos ang buhok.

''Naniniwala akong gagabayan siya ng Mahal na Reyna, may tiwala ako sakaniya Anak, gaya ng pagtitiwala ko sayo.'' Nang namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto ay dahan dahan akong kumatok at nagkunwaring walang narinig.

''Mom, dad, lola papasok na po kami no Naomi.'' Paalam ko. Napako ang sa kinatatayuan ko ng bigla akong yakapin ni mommy ng mahigpit.

''Magingat ka Arim,  we'll wait for you.'' Kasabay noon ng pagyakap sakin nv mahigpit ni dad at halik sa noo ko.

''Lola ano po bang nangyayari? Para naman pong matagal tayong hindi magkikita nito eh'' naguguluhan kong sambit. Sa halip na sumagot ay nginitian lang niya ako at hinaplos sa pisnge.

''Sige na apo, palagi mong tatandaan na sa bawat problema at pagsubok na dumating ay may sulusiyon na darating.'' She said. Tumango nalang ako sakanila dahil hindi ko talaga maintindihan ang ibig nilang sabihin. Magulo.
-----

''Naomi tara na! Ang bagal mo mahuhuli tayo sa klase, masungit pa naman si sir magsayo!'' Sigaw ko dahil sa bagal niyang gumalaw!

''Oo na Arim saglita, Teka naman oh naiwan o yata yung libro ko!''

''Ano? Wala ba diyan sa bag mo?'' Tanong ko at sinilip rin ang loob. Grabe naman ang laman ng bag nitong babaeng 'to napaka gulo!

''Ahh-pasensiya na po.'' Paghingi ko ng paumanhin sa babaeng nakabunggo ko. Pinulot ko ang susi na nahulog niya

''Teka miss! May mahulog po kayo!'' Tawag ko sakaniya pero paglingon ko ay bigla itong nawala. Kumunot ang noo ko habang palinga-linga.

'Arim!'' Tawag sakin ni Naomi. ''Arim ano ba? Nahanap ko na yung libro k-''

''Nakita mo ba kung saan siya nagpunta?''

''Huh? Sino?'' Kunot noo niyang tanong. Natatako ko siyang tinignan. 'Seriously? Hindi ba niya iyon napansin?

''Yung babae, yung babaeng nakahulog nito. Nakabanggaan ko pa nga siya.'' Paliwanag ko at pinakita ang susi na nahulog ng babae.

''Huwag mo nang alalahanin 'yon mala-late na tayo!'' Nagmadali ako at inayos ang sarili at saby kaming tumakbo papunta sa room namin. Saktong pagpasok namin sa room ay siya ring pagdating ni sir magsayo. Nakahinga kami ng maluwag ng malamamg hindi late ngayong araw.

Habang nagtuturo sa harap si sir magsayo ay naalala ko ang susi. Kinuha ko iyon sa bulsa bg palda ko at pinagmasdan. Kakaiba ang itsura nito. Kulay ginto ito at makinang. Hugis bilog rin ito at sa gitna ay maliit na kurba na itsura ng susi. Pingmasdan ko iyon at napansing may nakasulat roon. ''Miss Arim!''

Napaiktad ako ng tinawag ako ni Sir Magsayo. ''S-sir?'' Nagaalangang tanong ko.

''Are you in another dimension?'' He asked. Umiling ako bilang sagot. ''Kung ganon pwede mo bang ulitin ang sinabi ko?'' Tanong niya.

''Ahhh k-kasi po-'' hinampas niya ang lamesa ko dahilan para mapaiktad ulit ako. ''Magdadahilan ka pa, get out!''

''Pero sir hindi naman po tama-''

''You too, get out!'' Sigaw ni Sir Magsayo kay Naomi. Wala kaming nagawa kundi sundin siya dahil baka ibagsak pa niya kaming dalawa.

''Hindi mo naman siya sinagot. Nadamay ka pa tuloy.'' Sabi ko.

''Sis, what friends are for diba?'' Sagot niya na natawa naman ako.

''Sira!'' Umupo kami sa may garden ng school dahil nagkaklase pa ang lahat kung kaya't tahimik at wala pang masiyadong studiyante sa labas.

''Teka nga, ano ba kasing tinitignan mo at wala ka sa sarili'' Tanong niya. Inilabas ko ulit yung susi kanina at pinakita sakaniya.

''Here, look kakaiba kasi yung nakaukit oh. I'm just curious.'' Sagot ko. Kinuha niya iyon at binasa. Dahil sa kaliitan nahirapan kaming tignan kung ano ang nakalagay.

''Ano 'to? Hindi ko naman maintindihan! Isa lang ang naitindiha ko dito, yang 'Arvish' na yan!'' Reklamo niya. Kinuha ko iyon sakaniya ng mapansing ito ang unang alpabeto.

''Sandali, mukhang alibata ang simbolo na 'yan.'' Sambit ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinranslate ang mga simbulo. Kunot noo kaming nagkatinginang dalawa.

''Ako ang itinakda....?'' Sabay naming sambit. Narinig ko ang malakas na tawa ni Naomi.

''Sigurado akong ang nerd ang may-ari niyan. Sino ba namang gumagamit ng alibata sa panahon ngayon? So oldy ahh.'' Sabi niya habang tumatawa. Napailing nalang ako sa kabaliwan niya. Pero tama siya iilan nalang ang gumagamit ng alibata ngayon, kaya sino kaya ang babaeng iyon? Sigurado akong mahalaga ang bagay na ito sakaniya.

''Ako ang itinakda...'' muli kong basa. Napasapo ako ng biglang kumirot ang batok ko. 'Yung balat ko'

''Arim are you okay? Anong nangyay'-aray!'' Napabaling rin ako sa kaniya ng dumaing siya at nakahawak sa taguliran. Pero  sobrang sakit ng balat ko! Ano bang nangyayari? Ito ang unang beses na sumakit ang malaking balat ko sa batok. At sobrang sakit niya, parang nabibiyak ang batok ko!

''Ahhhh!'' Sabay naming daing ni Naomi. Nakakasilaw na liwanag ang sumilay sa harap namin. Unti-unting napawi ang sakit na nararamdaman namin at dumampi sa balat ko ang malamig na hangin galing sa liwanag. Naalala ko si Naomi.

''Naomi? Ayos ka lang ba?'' Tanong ko. Sinalag ko ang nakakasilaw na liwanag na dumadampi sa mukha ko.

''Ano ba 'to? Pinagtitripan ba tayo?'' Tanong niya saakin. Hindi ko siya sinagot dahil napansin kong lumiliwanag ang susi na hawak ko. Iniangat ko iyon at lumitaw ang isang pinto. Nilapitan ko ito at isinusi ang hawak ko.

''Arim ano ba 'to? Natatakot na ako.'' Sambit ni Naomi sa likod ko. Unti-unting bumukas ang pinto. Naaninag ko ang mga matataas na puno at mga huni ng ibon. Kakaiba rin ang ihip ng hangin na sariwang sariwa at malayo sa pulusiyon.

''S-sino ka?'' Binalingan ko si Naomi nang marinig ko siyang nagsalita. Nakita ko ang isangnapakagandang babae. Kakaiba ang kasuotan niya at mahaba ang maitim nitong buhok. Para siyang prinsesa sa paningin ko

''Marahil hindi niyo ako kilala pero ako, kilalang kilala ko kayo. Maligayang pagdating sa mundo ng Arvish kamahalan.'' Sambit niya. Nagkatiigan kami ni Naomi. Ngumit siya saamin.

''Sino ka ba? Anong nangyayari? Anong ginagawa mo samin? Nasaan kami?'' Sunod sunod kong tanong.

''Hahayaan kong kayo mismo ang umalam kung nasaan kayo. Magingat kayo prinsesa Naomi na apo ni prinsesa Roderica at prinsesa Valentina na apo ni prinsesa Iphigenia.'' Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

''Bakit kilala mo ang lola ko? Sino ka ba? Anong kailangan mo saamin ni Naomi? At bakit prinsesa ang tawag mo saming dalawa? Nababaliw ka na ba?'' Mahinang tawa ng sinagot niya saakin. Itinaas niya ang kaniyang kamay at muling nagsalita.

''Ipinagkakatiwala namin sainyo ang ang buong Arvish.'' Sambit niya kasabay ng pagikot at pagdilim ng paningin ko.


Ang naka sulat :

Ang naka sulat :

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WITH YOU, IN ANOTHER DIMENSIONWhere stories live. Discover now