Chapter 4: The Mystery Man

17 0 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa Australia, at ayon sa doctor na tumingin kay Zeny, maayos na ang kalagayan nito. Tatlong buwan na rin ang lumipas mula noong maoperahan siya, nandito kami ngayon sa ospital upang mag follow up check up, para masiguro na rin na okay na ang kapatid ko, at magiging cancer free na siya. At sa nakikita kong development sa kanya ay panatag na akong bumalik sa Pilipinas. Ngunit ramdam ko na parang may mali sa akin. Parang mas gusto ko na lang na manatili dito sa Australia, maganda dito, tahimik ang paligid dahil civilize ang mga tao, hindi ka nila pakikialaman hangga't hindi ka humihingi ng pabor sa kanila. Pero na sa Pinas ang buhay naming magkapatid, patapos na rin ang binayaran naming Visa ni Zeny, at miss ko na rin si Mertyl. Sa tulong niya ay naibenta ang dati naming tirahan pati na ang negosyong iniwan ng aming magulang, ang pinagbentahan ay itinayo ni Mertyl ng isang Salon and Spa malapit sa Condo na tinitirhan namin, nakatulong din yun sa pagtustos sa allowance namin ni Zeny dito sa Australia. Kahit malaki ang naibayad sa akin sa ginawa kong film act, kulang pa rin ito upang tustusan lahat ng gastusin namin dito, sapat lang ang binayad sa amin hanggang sa operasyon, ang pinagtataka ko lang ay, hindi na kami pinagbayad sa doctor's fee at at sa mga gamot na kinailangan ni Zeny sa operasyon, ganun din ang bayad sa Ospital, pero kinailangan namin ng pera para sa gastusin sa bahay at na tinuluyan ganun na rin sa pangangailangan namin sa buong tatlong buwan. Pero hindi ko na yun inisip, ang importante ay tapos na ang problema naming magkapatid.

"ATE! " Boses ng kapatid ko na nagpabalik sa aking kaisipan. Kalalabas lang nito sa office ng doctor na sumusuri sa kanya.
"Kamusta ang check up mo?, nasaktan ka ba?", sunod-sunod na tanong ko. Alam ko kasi na tutusukin na naman siya sa daliri o kaya ay kukuhanan siya ng dugo sa may braso upang isalang sa test.
"Okay naman po ate, parang nasanay na nga ako eh, parang kagat na lng ng langgam." Humahagikhik pang sabi nito, na bakas talaga sa mukha na hindi nasaktan. Pero may nakita akong band aid sa kanyang braso, sinyales na natusok nga eto.
"Talaga ba?, patingin nga?!" Biro ko naman sa kanya sabay marahang hatak sa braso niyang band aid. Nagpaubaya naman ang kapatid ko na nakangiti pang inabot ang kamay niya.
"Alam mo ate, ang bait ng Doc, sabi niya pwede na daw tayo bumalik sa Philippines, pero dapat daw kumain ako ng maraming gulay zt prutas!" Napaka sigla niyang tugon. Habang hinahaplos ko ang braso niya na may lamat pa ng goma sa bandang braso, upang siguro ay mabilis na lumabas ang ugat upang kuhanan ng dugo niya. Nakangiti ko naman siyang sinagot.
"Oo, pwede na, at pwede na tayong magpasalon na dalawa pag kauwi natin, namimis ko na rin ang ate Mertyl mo." Masayang sagot ko kay Zeny.
"Talaga ate? Pwede na? Hindi na ako maglalagay ng wig sa ulo ko?" Tukoy nito sa ulo niya, na nalagasan ng buhok dahil sa chemotherapy na pinagdaanan niya, kaya tuwang tuwa ito sa narinig.

Masaya kaming nakauwi sa aming tinutuluyan, dahil sa sinabi ng doctor ni Zeny, wala nang trace ng Cancer ang kapatid ko, normal na ang dugo niya, basta palaging magpa check up ito upang mamonitor ang kanyang kalagayan. Sabi pa nito na malayang gawin ni Zeny ang gusto niya sa buhay mula ngayon, dahil dati limitado ang galaw niya, lalo na at bata siyang dinapuan ng sakit, pero mabuti na lang at naagapan. Sa totoo lang, diyos ang siyang sonrang pinapasalamatan ko dahil hindi niya ako binigo sa bagay na ito, kahit sa ibang aspeto ay parang sinisi ko sa kanya zng kalagayan naming magkapatid. Pero mali ako, dahil nandyan pa rin siya at ginabayan ako sa aking ginagawa, kapalit man ng puri ko ay nalunasan naman ang sakit ng kapatid ko. Mahal na mahal ko siya at kahit anong mangyari, gagawin ko lahat wag lang siyang mawala sa akin.

(*PHILIPPINES*)
"WELCOME home!" Pagbati ng kaibigan kong may pa banner pa sa aming pagdating, at para na rin icelebrate ang birthday ng kapatid ko.
"Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito? Wala man lang bang hug and kisses diyan?!" Pairap na sabi ni Mertyll dahil wala sa amin ng kapatid ko ang nakaimik sa surpresa niya sa sobrang tuwa na rin siguro namingdalawa. Agad kong linapitan ang kaibigan kong nakabukas ang braso sa at inaabangan kaming makalapit na magkapatid. At saka ko siya niyakap ng sobrang higpit at ganun din sya pabalik, at syempre siningit na rin namin ang kapatid kong sumisiksik sa aming yakap ni Mertyl, kaya nagtawanan kami habang magkakayakap pa rin...
Agad na natapos ang simpleng handaan dito sa condo, maliban kase sa amin ay nandito rin ang mga kasama/tauhan ni Mertyl sa Salon, kaya medyo nagkaroon ng papa party ang celebration ng pagdating namin lalo na ng birthday ng kapatid kong si Zeny, sila na rin ang nagligpit at nag ayos ng mga kalat sa loob ng bahay. Nalaman ko rin na pinasara muna ni Mertyl ang Salon namin na medyo may kalakihan kaya marami ang tauhan. Hindi bababa sa 20 katao ang tauhan dito, minsan tumatanggap na rin si Mertyl ng intern lalo na at maraming gusto mag part time job na studyante, kalakip ng minimum na sahod kada oras pantustos sa pag-aaral ng mga ito. Kasama na diyan si Anika na isang Business Ad student na sa ikatlong taon na ito at medyo mabigat na sa bulsa ng magulang ang tuition, idagdag pa ang araw-araw na baon nito, kaya natuwa raw ito na tumatanggap ang Salon Ng mga part time Job. Ako sng may Idea nun dahil napag daanan ko rin ito noon, bagaman nakapag tapos ako ay hindi ko malilimutan zng punagdaanan kong hirap upang matustusan lang ang pangangailangsn ko at nang kapatid ko. Nakakatuwa na sa simpleng tulong naiaabot mo ay malaking bagay na sa kanila. At ramdam ko yun.
"Haaayyy, kapagod!" Sa susunod magpapa cater na ako. Jusko magkaka wrinkles na ata ang lola mo!" Ang bestfriend kong humilata sa kaharap kong pahabang sofa habang nakapatong pa ang kanang braso sa ulo, na tila mo ay pagod na pagod. Natawa naman ako nang mahinhin habang pinagmamasdan siya.
"Eh ikaw kasi eh, may pasurprise ka pang nalalaman! " , natatawa ko nang sagot sa kanya, dahil hindi ko mawari kung anong posisyon niya ngayon, pabalibaliktad na kase ito sa Sofa.
"Heh!, pasalamat ka naisipan ko pang isurprise ka noh! Tsaka birthday ni Zeny, hindi pwedeng hindi tayo mag celebrate noh!", Mataray na sagot nito sakin, habang may pairap-irap pa. Natawa na lng ako sa itsura nya. Bagaman naka make up ay makikita mo pa rin ang gandang lalaki nito pag nagkataon, kaso nga lng ay, mas sexy pa ang suot sa akin na damit, ah, kung nakadamit pa nga pang maituturing ang suot nya na see-through na black na kita ang pang ilalim nyang short, dahil literal na nipple nya lng ang tinakpan sa suot niyang bra. Dahil may dibdib din ito dahil nag ttake ito ng pills na pampalake ng boobs at pampawala ng muscles sa katawan ng lalaki.
"Oo na, Salamat!",Pataray kong sagot, pero natatawa. Sabay lapit ko sa kanya at niyakap ko siya. Agad naman nito akong niyakap pabalik.
"Oo nga pala!", bigla ay sambit nito, sabay layo ng katawan niya sa akin ng may maalala.
"Ano yun?, para kang ewan." Tanong ko sa kanya, habang tinitgnan ang gwapo ay este maganda niyang mukha. 🤭
"May naghahanap kase sayo, ewan ko kung anong kelangan sayo, pero palagi siyang sa salon nakatambay, suki na nga namin eh." Sagot nito sakin.
"Oh!? Eh sino naman? Baka yung company lang na nagrecruit sakin noon, hayaan mo na. Tutal tinapos ko naman yung kontrata ko sa kanila bago ako umalis. Sunod sunod kong tanong at tugon sa sinabi ng kaibgan ko.
"Baliw! Hindi yun!" Malayo siyang maging recruiter, sa gwapo at kisig nyang yun, baka malaglag lang panty mo pag nakita mo.", sagot naman nito na may kasapang palatak dahil naaaburido sa sinabi ko.
"Eh sino ba kasi?" Tanong ko na lng ulit sa kanya.
"Si Jp! Kaloka toh!" Palatak niya ulit.
"Sinong Jp, at bakit niya ako hinahanap?" Tanong ko ulit sa kanya dahil wala talaga zkong idea kung sino ang Jp na yun.
"Si Joaquin Paulo, short for Jp ang haba kase ng pangalan niya. Nakasama ka raw niya sa isang pelikula, eh isa lang naman ang alam kong pelikula na pinatulan mo!" Mahabang sagot nito. Na nagpatibok ng husto sa puso ko.
Hindi ko man tiyak kung siya yun ay hindi ko rin maipagkakaila na maliban sa iba pang cast na nakasama ko ay si Alyas Jimmy pa lang ang hindi ko lubos na kilala, dahil siya at ng iba ko pang nakasa ang nasa set noon.
"Natanong mo ba kung anong sadya niya? O kung abong kelangan niya sa akin?, dahil sa totoo lang, hindi ko kilala ang tinatawag mong Jp!" Naguguluhang tanong ko sa bestfriend kong humihilik na sa tabi ko.
"Hindi kaya?!" Napasinghap kong tanong sa kawalan dahil wala akong ibang maisip na tao maliban na lng kay Jimmy na nag alok bigla sa akin ng kasal noon. Pero bakit at sa anong dahilan?
Kung magkikita kaya kami ulit, anong mangyayari? Kaya ko kaya siyang harapin? Kaya ko kayang magsalita man lang sa harap niya? Ilang tanong na pumasok sa isipan ko.
Ayokong malaman ng kapatid ko kung paano ako nakalikom ng pera para sa opirasyon nya kaya. Ayokong pandirihan niya ako o husgahan niya ako dahil doon. Kaya minabuti kong putulin lahzt ng koneksyon ko sa companya na aking pinagtrabahuhan, kabilang na doon ang pagtatago sa sarili kong pagkatao. Pero bakit? Paanong nahanap niya ako? Anong dahilan niya?

#CLANDESTINE

FOR ALMOST A YEAR, NGAYON LNG AKO NAKAPAG UPDATE, WALA KASING NAGBABASA NITO, KAYA NAWALAN NA RIN AKO NG GANANG MAGSULAT.
D bale, maikli lang naman ito eh.
2chapters more, at patapos na siya. 😊😊 happy silent reading!!!
Comment down na lng po kung anong masesay nyo sa kwentong toh. Hehe.. kahit masakit, basta yung totoong feelings nyo...lovelots🥰


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The porn actressWhere stories live. Discover now