NYCHT CALLISTA ASTERI
I already booked a ticket to Greece and here I am, packing my things.
I packed 1 big maleta, 1 small maleta, 1 big pack bag, and 1 small travel bag. Hindi ko kasi alam kung ilang araw ako roon. Hindi ko naman kasi mahahanap ng isang araw ang moon keeper diba?
I also booked a "for a rent house" para naman may mauwian ako, alangan palaboy-laboy ako sa daan?
My flight's the next day after tomorrow. 'Yun nalang kasi ang available na flight papuntang Greece na rush flight.
I still need to wait kaya napag-isipan ko na linisin muna ang whole house para pag-uwi ko ay alikabok nalang ang sasalubong sa akin.
Nagpa-alam na rin ako sa trabaho ko. Hindi ko pa kasi alam kung makakabalik pa ako rito, kaya hindi na leave ang ginawa ko kundi resign talaga. Nalungkot pa nga sila Eri, kasi my resignation is so sudden daw and mamimiss nila ako. Mamimiss ko rin sila kahit 'di kami ganoon ka close.
Ngayon ko lang napagtanto na kahit 2 floors lang ang bahay namin ay malaki pala talaga ito. Noon kasi na buhay pa si lolo, may naglilinis sa bahay namin, once a month. Ngayon, wala na. Syempre kuripot kasi ako. Kaya ko naman kasing linisin ang bahay... ng dalawang araw? Kasi naman, kalaki-laki ng bahay tapos kami lang ni lolo ang nakatira?
Inuna kong linisin ang kwarto ko.
I have so many things pala.
Unlike lolo's room, my room is not organized. Hindi naman makalat pero hindi siya organized.
Ang gandang timing rin kasi dumating kahapon 'yung binili ko na mga organizer.
Matapos akong mag-organize at maglinis sa kwarto ko ay pumunta ako sa kwarto ni lolo. Need lang ng walis dito kasi kada weekends naman ako naglilinis ng bahay at araw-araw ako nagwawalis.
Wala na rin akong clues na nakita dito sa room ni lolo kaya next kong nilinisan ay ang hallway dito sa itaas.
Bumaba na rin ako matapos kong maglinis sa second floor.
Hay, kapagod.
I decided to take a rest muna at mag snack kaya lumabas ako at pumunta sa bakery where I worked.
Ang weird huhu. Noon, work. Ngayon, worked na.
"OMG! Hi, Cal!!!" Masayang bati ni Eri sa akin pagpasok ko.
"Hello, Eri! Isang choco mini cake, limang cookies, tsaka choco latte, take out" order kosa kanya. Wala pa gaanong tao ngayon kasi 9 pa ng umaga.
"Noted! Nako, Cal! Ang iba talaga kapag wala ka rito, huhu. Hindi ka na ba talaga mapipigilan?" Tanong niya habang hinahanda ang order ko.
"Nah, ang weird din nga sa akin na wala ako sa trabaho. Pasensya na talaga Eri, promise pagbalik ko, babalik na rin ako rito. Need ko kasi i-fulfill ang last wish ni lolo eh" explain ko sa kanya.
"Sure ka ha? Nako! Kapag hindi ka bumalik rito, kami mismo ni Jo ang kakaladkad sa'yo doon sa Greece!" Sabi niya na ikinatawa ko.
"Oo na, tsaka asan ba si Jo?" Tanong ko nang hindi makita si Jo. Siya kasi ang isang waiter din dito.
"Ah, 'yon? Sinundo 'yung kapalit mo. Here's your order!"
"Ahh, salamat Eri! See you soon! Send my regards to Jo and Boss ha?" Sabi ko at kinuha ang order ko bago umalis.
Habang naglalakad ako ay kumuha ako ng isang cookie at kinain ito.
I'll miss this neighborhood, for sure.
Kinuha ko naman ang naiwan na apat na cookies at lumapit sa dalawang bata.
"Hi, Sarah and Jane!" Bati ko sa kanila. They are sisters, hindi rin sila homeless. May bahay naman sila at parents pero mahirap. Palagi rin silang binubugbog ng step dad nila kaya parati silang narito sa gilid ng kalsada. I always bought them this cookie kasi favorite nila ito.
YOU ARE READING
The Oracle of Delphi: The Moon Keeper and The Star Princess
FantasyThe moon shines amid the utter darkness that the night sky creates. What would happen if the light gradually fades and then disappears completely? Nycht's grandfather had given her the mission of finding the moonkeeper before he died in order to re...
