si rukawa lang ang naiwan doon na walang pakialam, pero nanloloko naman ang tingin habang nakatingin kay sakuragi. Nang makalapit si aki, agad niyang ibinigay kay sakuragi ang lunch box na dala niya.



"Sakuragi, ginawa ko ito para sayo. Sana tanggapin mo." Sabay yuko ni aki nang makita nitong tumingin si sakuragi sakanya ng diretso.



"Salamat aki." Inabot naman ito ni sakuragi mula kay aki bago naupo sa gilid. Nagulat pa si aki ng marinig ang napakaraming yapak. Ganon nalang ang panlalaki ng mata niya ng pasugod ito sa pwesto ni sakuragi, doon lang niya naalala ang mga pinaglalagay niya sa pagkain.



"WAAAAG!?!" Sigaw niya ng malakas dahilan para magulat ang mga lalaki. Ngunit huli na dahil nabuksan na ni sakuragi ang lunch box na may korte ng mukha ni sakuragi mismo. Ginawa niya talaga iyon para lang kay sakuragi, mayroon pang siyang inilagay puso sa bawat gilid ng ginawa kong sakuragi na pagkain.



natahimik naman ang lahat ng makita ang laman ng box, puros mukha nga ni sakuragi ang nandoon. Nakatingin lang doon si sakuragi na hindi malaman kung ano ang gagawin.



"Parang hindi ko kayang kainin yan sakuragi." Biglang pagbasag ni shintaro sa katahimikan dahilan para mapatingin sila kay shintaro ng masama.



"bakit? Totoo naman ah? Hindi mo makakain yan kung..."



*boink*



"gago manahimik ka nga dyan. Pinag hirapan itong gawin ni aki para kay sakuragi tapos magsasabi ka ng ganyan sa harapan ni aki." Bulyaw ni takasugi. Napaiwas ako nang tingin dala ng kahihiyan.





"Sira ka ba, hindi naman masama sasabihin ko e. Gusto ko lang naman sabihin na 'hindi mo makakain yan dahil takot ka na masira iyong ginawa niya. Putek, kulang nalang ipa frame para gawing display e." Nakahinga naman ng maluwag ang mga loko sa sinabi ni shintaro, natawa naman si aki sa sinabi ni shintaro.


"Pinakaba mo kami, akala namin sasabihin mo na panget iyong pagkakagawa ng buhok ni sakuragi dito---."




*boink*



*paaak*



Sunod sunod na pagbatok ang ginawa ng lahat kay Yuki Aoimine ng sabihin nito iyon. May nakita rin ako na nagpipigil ng tawa sa gilid.




"Ang iingay niyo, manahimik kayo." Natahimik ang lahat ng magsalita si sakuragi sa malamig na paraan. Kumuha siya ng isa sa ginawa ko at walang pag aalinlangang kinain nito ang ginawa ko. Nabigla naman si aki sa ginawa nito dahilan para kumalabog ang puso niya sa bilis.




"Masarap siya aki, pwede mo ba akong gawan ulit sa susunod?" Sabay tingin ni sakuragi sa direksyon niya na kinapula ng mukha niya.


"O-oo sige, gagawan kita bukas." Saad ni aki na sobrang sobra ang saya.



Maya maya pa ay may kumatok mula sa nakabukas na pintuan sa gym. Iniluwa non ang babaeng estudyante rin ng okaido high.



"excuse me po, mayroon pong naghahanap kay hanamichi sakuragi sa labas ng gate po." Nagkatinginan ang lahat sa narinig, napakunot naman ang noo ni sakuragi dahil sa narinig, maging si rukawa ay napaisip sa kung sino man ang dadalaw kay sakuragi.



"Sino?" Tanong ni sakuragi na uminom ng tubig.


"Haruko akagi daw po ang pangalan." Napaubo ng sunod sunod si sakuragi ng marinig ang pangalan ni haruko.



Unti unti rin tumibok ng mabilis ang puso nito sa kaba, napatingin si aki kay sakuragi ng makitang tulala ito. Doon siya nakaramdam ng kaba ng marinig ang pangalan ni haruko akagi.





"Anong ginagawa ni haruko dito?" Wala sa sariling tanong ni sakuragi sa sarili at nagkumahog makatayo lang sa kinauupuan.




Dahilan para mahulog ang pagkain at matapon sa sahig, nagkatinginan ang lahat sa nangyari dahil doon. Napahawak naman si aki sa kanyang dibdib ng kumirot iyon kasabay ng pangingilid ng luha sa magkabilaan niyang mata.




"a-aki, u-uyy! Wag kang umiyak.. baka kakausapin lang iyon ni sakuragi." Pag papagaan ni takasugi sa nararamdaman ni aki





"Ayos lang." Nakangiting saad ni aki, napakunot naman ang noo ni rukawa bago tumayo at naglakad rin patungo sa labas ng gym.





"Sino ba yong haruko akagi? Bakit ganon nalang ang pagbabago ng mood ni sakuragi kanina?" Tanong ni yuki Aoimine. Pinanlakihan naman ng mata ni captain tetsuya si yuki para tumigil na ito sa kakatanong.




"Siya ang first love ni sakuragi sa shohoku high, ito ang dahilan kung bakit napamahal na si sakuragi sa pagbabasketball dahil si haruko mismo ang nag invite dito para sumali sa laro." Saad ni aki na kinasinghap ng lahat.






Alam iyon ni aki dahil siya mismo ang nag asikaso ng papeles non ni sakuragi, madami itong naririnig mula kay haruko at sakuragi na lagi raw nitong hinahabol si haruko.


"Ano ba namang kalokohan ni sakuragi, alam naman niyang gusto mo siya pero pinuntahan niya parin ang babaeng iyon." Galit na saad ni takasugi





" Hindi alam ni sakuragi na gusto ko siya, dahil simula pa lang ay kapatid lang talaga ang turing niya sakin." Saad ni aki



"Tss.. Sira talaga ang isang iyon, hayaan mo susuntukin ko siya para sayo." Saad ni kazuko kitagawa, napakangisi naman ang lahat sa sinabi ni kazuko.




"Kaya mo?" Pang aasar na tanong ni kiyo kikuchi



"O-oo. Ako pa." Kinakabahang saad ni kiyo kaya natawa ang ilang kasamahan nito. Samantalang si aki ay nakatingin sa pagkain na nasayang at malungkot na napatingin sa labas ng gym.



"Wag kanang malungkot dyan. Alam naman namin na indenial lang iyon si sakuragi sa nararamdaman niya." Pagpapalakas ng loob ni captain tetsu dito. tumango lang si aki bago natahimik at napabuntong hininga.





'sana lang talaga, dahil mahihirapan talaga ako kalabanin si haruko dahil panigurado mananalo ito ng wala man lang ginagawang effort.'






*******
(Author note: sorry po kung hindi ako nakapag update kagabi gaya ng naipangako ko. Sobrang inantok na ako kaya ngayon lang po ako nakapag sulat, 1500 words lang po ang naisulat ko mamaya nalang po ang next update. Salamat po)


Sorry po kung medyo magulo ang pagkakasulat, wala po akong maisip ngayon. Ang hirap po mag isip kapag pagod 🥺😅😅 sorry po

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now