"Haruko saan ka pupunta?" Habol ni ayako kay haruko


"kay sakuragi, ibabalik ko siya ulit dito." Saad ni haruko na tumakbo na palabas ng school.



'Hindi kayo pwedeng umalis rukawa at sakuragi, dito kayo sa shohoku nararapat.' Anas ni haruko


-OKAIDO SCHOOL



sa kabilang dako naman, kapansin pansin ng lahat ang kakaibang kilos ng dalawa na si sakuragi at aki na walang imikan, nagkaka iwasan kapag nagkakatitigan.


"Rukawa? May alam ka ba sa nangyayari sa dalawa?" Tanong ni takasugi kay rukawa



"tss. Daldal mo, manahimik ka." Sagot ni rukawa sabay alis at lakad paalis. Napakamot naman sa ulo si takasugi bago nailing.




"Ibang iba talaga ang ugali niyang si rukawa kapag kami na ang kinakausap, pero pag kay sakuragi para siyang batang laging inaagawan ng kendi. Pambihira, may mga saltik talaga." Bubulong bulong na saad ni takasugi at muling napabuntong hininga ng malalim.




nang makalapit si rukawa kay sakuragi ay dinanggil nito si sakuragi sa braso. Inis naman na napatingin sakuragi dito bago binaling ang tingin sa bola.



"Ano na namang ginawa mong kalokohan at natahimik kayong dalawa?" Tanong ni rukawa, kay sakuragi na hindi naman siya pinansin.



Binatukan naman ni rukawa si sakuragi para kausapin siya kaya inis na talagang napatingin si sakuragi sakanya.



"manahimik ka nga na zoro ka. May... iniisip lang ako bigla." Saad ni sakuragi na kinapula naman ng buong mukha nito. Nagtaka nama si rukawa dahil doon kaya nag isip ito ng pwedeng dahilan kung bakit ang aloof ng dalawa sa isat isa.


(*A/n: rukawa being a marites😂😂😂)

"may ginawa ba kayo na hindi maganda?" Napaubo si sakuragi dahil sa gulat at inis na binatukan si rukawa ng malakas sa ulo.


"Bwesit ka, manahimik ka dyan. Kung ano ano ang iniisip mo." Bulyaw ni sakuragi na kinangisi naman ni rukawa.



"Ano? Anong masama sa sinabi ko?" Nagtataka kunwaring saad ni rukawa pero gustong gusto niya ng ngumisi dahil sa naging reaction ni sakuragi sa kanya.




"Tss. Takpan mo yang bibig mo, kung ano ano lumalabas." Asar talong anas ni sakuragi bago nag dribble paalis at talon sa napakalayong distansya ng free throw line sabay dunk sa bola.




'galit na galit lang.' Ngising anas ni rukawa sa kanyang isipan


.



Sa kabilang dako naman kung nasaan si aki, tamang tanaw lang siya kay sakuragi na nakakunot noo na naman at tila inis na inis sa paligid. Napansin iyon ng lahat ng kateammates nito ngunit walang nag lakas loob na lumapit, tanging si rukawa lang ang nakakalakas loob na ganunin si sakuragi.




"katakot talaga si sakuragi, captain." Nanginginig na saad ng point guard na si kazuko kitagawa. Tinatawanan naman siya ni captain tetsuya kinn bago tinignan si sakuragi.



"Hayaan niyo nalang muna siya, ganyan yan kapag ayaw makipag usap, baka may ginawang nakakahiya kaya nag susungit." Tatawa tawang anas ni captain tetsu.




"Cap, paano tayo makakapag practice kung mainit ulo niyan." Saad ni shintaro





Napabuntong hininga naman si captain tetsu bago tinawag si sakuragi




"SAKURAGI! magpahinga ka muna.." anas nito nahinto naman si sakuragi sa pag dribble bago tumango sabay bato ng bola kay takasugi.



"galing mo cap, napatigil mo ang beast." Manghang mangha na saad nito.




"Sira, mag practice na kayo doon. Wala titigil hanggat hindi ko sinasabi, kada isa sainyo mag long range shoot mula sa tres, the rest ay mag practice ng depends and offense. Maliwanag?" Sigaw ni captain sa mga member nitong naka align sa kanyang harapan



"YES CAPTAIN."





'At ako naman, kakausapin ko ang dalawa ito kung bakit bigla nalang nilang iniiwasan ang isat isa.'





********

シ︎☹︎
[Author note: sakit ng ulo ko kaya medyo lame ang update ko for today. Sana magustuhan niyo parin. Salamat]

and oh! Naalala niyo ba iyong bagong transferee sa shohoku na si kyoushi? Siya po iyong nakalaban ni sakuragi sa open court na nang gugulo kay aki. 🤧🤧 kaugali ni mitsui kaya bahala na kayong sumakit ang ulo. Hahaha sorry, mwaah! Labyah and thankies



subscribe niyo po youtube channel ni ate donabelsiagene ANIME STORY TV. Thank you again.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now