CTBC: Kabanata 35

Start from the beginning
                                    

Napalunok-laway ako no'ng sabay kaming napatingin sa labi ng isa't-isa. Nang mapagtanto ko ang nangyayari ay mabilis ko itong itinulak sa dibdib. Pero parang wala namang nangyari dahil hindi manlang ito natinag at hinawakan pa ang kamay ko na nasa dibdib nito at mas idiniin pa doon ang kamay ko.

Nararamdaman ko ngayon ang mabilis na tibok ng puso nito. Pakiramdam ko ay sumasabay pa iyon sa bilis ng tibok ng aking puso. "A-ano bang ginagawa mo?" Nauutal na tanong ko dito.

Tumayo ang mga balahibo ko sa buo kong katawan no'ng idinikit nito ang kanyang labi sa tainga ko. "Feel it, my Gem"

Nanlaki ang mga mata ko. Bumalik na naman ang pagiging pilyo nito. Para sa akin ay mas gusto ko ang pagiging lasing nito dahil para lang itong batang naglalambing sa nanay nito kapag nasa sistema ito ng alak.

Napatingin ako sa ibabang bahagi ng katawan nito. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Dior no'ng mapansin nito na sa ibaba ako nito nakatingin. Ramdam ko na lalong nag-init ang magkabila kong pisngi. "B-bastos"

"What?" Natatawa na tanong nito sa akin. Napakunot-noo ako no'ng unti-unting sumilay ang pilyo nitong ngiti. "I didn't know that my sweetheart is----- wild" wika nito na ibinulong nalang ang huling salita sa aking tainga dahilan para lalong mamula ang aking pisngi.

"B-Bitiwan mo na nga ako. A-ang bastos mo t-talaga!" Singhal ko dito habang hinahampas ng aking kamay ang dibdib nito.

Tumawa naman ito ng mahina bago pinakalma ang aking kamay na nasa dibdib nito. "Relax, sweetheart. I'm not referring to my-----" Tumingin ito sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Tumawa ito pagkatapos at tumingin sa mga mata ko. Namula pa ang aking pisngi dahil sa ginawa nito. Bahagya naman akong kumalma no'ng haplusin nito ang aking pisngi. Unti-unti na rin naging seryoso ang mukha nito. "I'm referring to my heart" Dagdag nito dahilan para makaramdam ako ng hiya.

Kung ano-ano iniisip mo Precious Gem. Napayuko ako.

"Feel it, sweetheart. My heart beats your name" wika ni Dior sa madamdaming tinig. Muli akong nag-angat ng tingin dito.

Naramdaman ko ang sabay na pagpintig ng mga puso namin, parang may sariling ritmo ang mga ito. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Dior. Niyakap ako nito ng mahigpit pagkatapos. "I love you my Gem" wika nito sa may tainga ko. Hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon sa mga salitang binibitiwan nito.

Napalunok-laway ako no'ng maramdaman ko ang haplos nito sa aking likod. Magaan at masarap iyon sa aking pakiramdam pero habang tumatagal ang yakap nito sa akin ay nanunuot sa aking ilong ang pabango nito na naghahatid ng masamang pakiramdam sa aking tiyan.

"Bi-bitiwan mo-----" Hindi ko na natuloy ang iba kong sasabihin dahil itinulak ko na palayo sa akin si Dior. Pigil ang pagduduwal na tumungo ako sa pinakamalapit na CR.

"What the hell happened?" Narinig kong naka-asik at nag-aalala na tanong sa akin ni Dior. Sa tingin ko ay palapit na ito sa akin.

Nang maramdaman ko ang presensiya nito sa likod ko ay sumesenyas ako na lumayo ito sa akin. Patuloy pa rin ang pagduduwal ko. Hindi yata ako nito naintindihan dahil mas lalo pa itong lumapit sa akin at iniluhod pa ang isang binti para hagudin ang aking likod.

"What makes you vomit, sweetheart? Did my hug made you vomit? Is my hug not enough? Do you also want kiss from me? I'm sorry sweetheart but kiss----"

"L-layuan mo ako" Ang daldal!

Patuloy ang pagsenyas ko na lumayo ito sa akin. Naaamoy ko na naman ang pabango nito kaya pakiramdam ko ay hinahalukay na naman ang sikmura ko. Ang akala ko ay tapos na ako sa paglilihi pero parang nagkamali yata ako. Hindi ko rin gusto ngayon ang pabango ni Dior, mukang nagpalit yata ito. Gusto ko ang dating amoy ng pabango nito.

Naramdaman ko ang pagtigil ng paghagod ng kamay ni Dior sa likod ko. "Don't do this to me, sweetheart. Don't send me away. I told you that I'll make you my girlfriend" Malungkot ang boses na wika nito. Ano bang sinasabi nito?

"H-huwag kang OA. L-lumayo ka k-kasi ang baho mo" Lakas-loob na wika ko dito.

"What?" Gulat at hindi makapaniwala na tanong nito sa akin. Ramdam ko ang bahagyang paglayo nito kaya lihim akong napausal ng pasasalamat. "Tsk! You have the guts to talk back with me now, sweetheart. You are now telling me what's on your mind. You are also starting to hurt me" wika nito na para bang bumubulong lang ito sa aking likuran.

Naguguluhan ako sa ikinikilos nito. Halata sa boses nito ngayon na nagtatampo ito, para itong bata na nagpapa-cute. Bahagya naman akong nakahinga ng maluwag no'ng matapos ako sa pagduduwal.

"But that's fine sweetheart. I deserve to be hurt" Narinig kong binubulong-bulong pa ni Dior.

Napakunot-noo na ako sa ikinikilos nito. Huminga muna ako ng malalim bago umikot paharap dito. "A-ano bang sinasa-----" Napalunok-laway ako no'ng tumambad sa paningin ko ang ginagawa nito. Inaalis na nito ang pagkakabutones ng suot na long sleeve. "A-anong g-ginagawa mo?" Kinakabahan na tanong ko dito.

Dahan-dahan naman itong tumingin sa akin habang unti-unting ring sumisilay ang pilyong ngiti. Napalunok-laway na naman ako no'ng maging mapang-akit ang tingin nito sa akin. Unti-unting ring tumatambad sa aking paningin ang hubad nitong katawan. "I'm gonna change my clothes, sweetheart----if you don't like my smell" wika nito bago tuluyang hinubad ang suot na long sleeve.

Natuon ang paningin ko sa katawan nito partikular sa tiyan nito na may anim na abs. Sobrang ganda ng katawan nito. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakam. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Limang buwan na rin no'ng huli kong makita ang katawan nito.

"Tsk!" Narinig kong asik ni Dior na nagpabalik sa aking katinuan.

"Sarap" Nanlaki ang mata ko no'ng mapagtanto ko ang sinabi ko. Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay ni Dior habang may pilyong ngiti. "A-ang ibig kong s-sabihin, m-masarap siguro ngayon ang agahan n-natin? S-sige---- p-punta na akong k-kusina" Natataranta na wika ko bago nagmamadaling umalis sa harapan ni Dior.

"That's not the right direction, sweetheart" Narinig ko pang wika ni Dior kaya napagtanto ko na patungo pala sa hagdan ang punta ko at hindi sa kusina.

Napapahiya na umikot ako para tunguhin ang tamang direksiyon papuntang kusina. Narinig ko pa ang mapang-asar na tawa ni Dior. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng aking pisngi dahil doon.

🌞 My target chapters are 'til 45. Haha from 30 or 35 to 45 😁 Pabago-bago ang author niyo. Btw thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Where stories live. Discover now