chapter 1

24 3 0
                                    

"'wag kang paimportante, Alexi, dahil wala kang halaga."


kakauwi ko palang, binungangaan na kaagad ako ni bitchesa, step mother ko. Mukhang badtrip siya at ako ng pinagbuntungan. My father married her four years ago. Kakapasok ko palang ng high school no'n. My life was at peace without her. Pero kapag nakikita niya ako, umaakyat na naman sa ulo niya ang kabaliwang aagawin ko ang atensyon ng ibang tao mula sa kanya. Crazy.


Umakyat nalang ako sa kwarto ko at mabilis na naligo. Hindi ako bumaba no'ng dinner dahil wala si papa. I can't stand that bitch. Baka mapagsalitaan ko lang siya ng kung ano kapag nagbunganga na naman siya. I did my assignment all night and didn't eat dinner.


"Anak, gising kapa ba?" I immediately stood up and opened the door for my papa. Kakauwi niya lang galing trabahoa dahil naka bihis pa siya. Halatang pagod. May dala siyang paper bag.


" Good evening, Pa. " I said politely at nagmano.


"Eat your dinner. Alam kong hindi ka nag dinner dahil wala ako." Ginulo niya ang buhok ko at binigay ang paper bag.


Bahagya akong napatili nang makita ang laman. "My favorite! Thank you, Papa." I hugged him. He just smiled and left. Kinain ko ang dala niya sa kwarto lang. Ayokong bumaba at baka makita ko lang si bitchesa.


The next morning, naabutan ko si papa sa sala, nagbabasa ng dyaryo. Day off yata.


"Hi, Papa. Good morning po." I greeted.


"Good morning, Anak." He greeted back with a smile.


Nag breakfast lang ako at bumalik sa kwarto para kunin ang lalabhan kong uniform. Ipapa laundry ko nalang para hindi hassle. Mamaya pa namang tanghali ang klase namin dahil afternoon to night class ang school. Bago yun sa 'kin dahil nasanay din ako ng morning classes sa mga dati kong school na pinasukan.


I was one step closer on my way out when I heard her freaking voice. Napapikit nalang ako sa inis. Looks like I'll have a bad day! Dimwit! Inignora ko nalang 'yon at umalis na.


"Ate Nenit, pa laundry po nitong uniform. Dalawang pares po 'yan."


"Oh, Sin, mabuti at magpapalaundry ka, wala pa akong kita."


I smiled at her. "Maaga pa naman ho tsaka tinatamad po ako maglaba."


Nagchikahan pa kami saglit ni ate Nenit bago ako umuwi. Eleven A.M. na din kasi kaya mag re-ready na ako papasok. Wala na si papa nang makauwi ako. Siguro ay umalis or pumunta sa mga kumpare niya.


On my way to school, I saw Josh, he's on his way to school also, nakamotor lang. Angkas niya si Yshmael. Yumuko ako at nagpatuloy sa pag aabang ng masasakyan. Maaga pa naman. Nakasakay na din ako ng tricycle. Hindi naman ako late dahil twelve to one ang unang klase namin.


"Hi, Alexine!" Faith waved at me when she saw me entered the room. I smiled at her and went to my seat. Matalino si Faith, lalo na sa english at ibang major subjects namin.


" Wala kang nickname? Ang haba na kasi ng Alexine. " Shaira, my seatmate asked curiously.


"Sin." I answered simply. Medyo nahihiya pa ako na mag approach sa kanila.


she nodded at bumalik sa ginagawa niya at pakikipag chikahan kay Janna. Isa pa naming seatmate. Gitna si Shaira sa 'min.


Nagbasa basa nalang din ako ng notes habang nire-review ang lessons kahapon. Swerte at kahit malapit na fourth quarter, naka transfer ako. Nakakapagtaka nga eh, akala ko bawal na 'yun. Medyo nahirapan tuloy akong mag catch up sa naging lessons nila.


Skies in Between (High School Series #1)Where stories live. Discover now